Monstrous Academy 2: Chasing...

By dauntlehs

3M 101K 17.9K

(2 of 3) Second installment of Monstrous Academy. "Chasing the bad girl would be hard, and whatever doesn't k... More

Book Two
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty one
Chapter Twenty two
Chapter Twenty three
Chapter Twenty five
Chapter Twenty six
Chapter Twenty seven
Chapter Twenty eight
Chapter Twenty nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty one
Chapter Thirty two
Chapter Thirty three
Chapter Thirty four
Chapter Thirty five
Chapter Thirty six
Chapter Thirty seven
Chapter Thirty eight
Chapter Thirty nine
Chapter Forty
E P I L O G U E.
Book 3.

Chapter Twenty four

58.2K 2K 306
By dauntlehs


24: Transferees.
-

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawang revelation ni Chloe, kaya pala gano’n na lang kamisteryoso ang pagkatao niya. Kaya pala mabilis niyang nalaman na aberrant ako dahil kagaya ko rin siya. I really didn’t see that coming but thanks to her, itinigil na ni Lexy ang kahibangan niya.

“Erin, mauuna na ako ha? May kailangan pa akong i-abot sa faculty!” Sigaw ni Akira mula sa labas ng banyo.

“Oo sige, ingat.” Pinatay ko na ang shower at saka nagpatuyo ng katawan para makapagbihis na. Paglabas ko ng banyo ay agad kong binlower ang buhok ko pero agad ko ring itinigil dahil sa sa pag-ring ng phone ko. Message from unknown number?

Mauubusan ka rin ng swerte.” Kumunot lang ang noo ko sa nabasa ko. I even tried to call that number pero unattended na. Sino na naman kaya ang gagawa nito? Lexy? Red org? Should I change my number? Hindi naman gagana sa akin ‘yong threat na ganito kaya hahayaan ko na lang.

Nagpatuloy ako sa pag-aayos at mabilis na pumasok sa klase.

“Xian.” Tawag ko nang makitang maliban sa ibang kaklase namin ay siya pa lang ang nandito sa classroom at wala ‘yong apat.

“Where’s the others?”

“Si Alex at Tyler tumutulong sa pag-aayos ng office ni Tito Axel, si Jester tinatamad daw. Gano’n din si Zero. Hindi ko maintindihan sa lalaking ‘yon, hindi rin niya ako masyadong kinakausap kapag nasa dorm.” Tumango lang ako at saka tumingin sa ibang direksyon.

Gustong-gusto ko sabihin kay Xian ang ginawang pag-confess sa akin ni Zero noong linggo pero ayoko siyang makitang masaktan. Hindi ko rin maintindihan pero ibang-iba talaga ang naramdaman ko sa pag-confess ni Xian sa pag-confess sa akin ni Zero.

“Xian! Xian!” Tumatakbong pumasok si Jester ng classroom. Akala ko ba tinatamad siya? Eh, bakit siya naka-uniform?

“Sila Josh, nandito sila. Dito na sila mag-aaral.” Dagdag pa niya, halatang nagulat din si Xian. Who’s Josh?

“Hoy huminahon ka nga. Sino ba ‘yong tinutukoy mo?” Tanong ko ngunit hindi niya ako pinansin. Hinatak niya lang si Xian papunta sa bintana kaya sumunod ako. ‘Yong mga lalaki sa convenience, ito na naman ako. Saan ko ba nakita ang iba sa kanila?

“Tama!” Sabay napalingon sa akin ‘yong dalawa dahil sa sinabi ko.

“Naalala ko na, sila ‘yong kasama niyo sumayaw no’ng junior high ‘di ba?”

“Teka, paano mo nalaman ‘yon?” Namumulang tanong ni Jester. Nahihiya ba siya? That was very unusual of him.

“Napanuod ko sa laptop ni Aki, kaaway niyo ‘yang mga ‘yan ‘di ba?” Tanong ko at saka binaling ulit ang tingin sa bintana. Mukhang nakita kami noong isa sa transferee, ‘yong lalaking humarang sa akin noon. Kinawayan niya kami at saka ngumisi.

Kasama ko sila Chloe nang mag-breaktime and for some strange reason, mas naging malapit kami sa isa’t isa. Kinikwento naman ni Akira kung paano nag-umpisa ‘yong klase nila kasama ‘yong mga transferee. Yeah, classmate niya ‘yong apat na lalaking ‘yon.

“Hi, Aki. Pakilala mo naman kami sa mga kasama mo.” Speaking of the devils.

“Ah, si Erin at Chloe.” Pakilala niya dahil magkaklase naman sila ni Kevin kaya sure ako na magkakakilala na rin sila.

“Si Josh.” Pakilala ni Akira roon sa lalaking humarang sa akin sa convenience. Tinignan ko naman yung tatlo.

“And Smsi Jun, Hoshi at Ming.” Dagdag pa niya. Tumango lang ako ng tipid at saka nagpatuloy sa pagkain.

“Would you mind if we join you?” Tanong no’ng Josh pero hindi ko kayang makipagplastikan sa kanila. I hate their presence.

“Go on... Aki, Chloe, Kev. Doon muna ako uupo kila Xian.” Paalam ko at saka umalis sa pwestong ‘yon.

“What are they doing here? Pinopormahan ka ba ng isa sa kanila?” Tanong ni Alex nang maupo ako sa tabi niya. Umiling lang ako at saka tumingin sa direksyon nila Akira. Nakatingin sa akin ‘yong Josh.

“Ano bang nangyari? Sabi ni Aki magkakagrupo kayo no’n junior high and nagkaroon ng rumor na nag-away away kayo.” I ask out of curiosity.

“Ayaw kasi talaga sumali ni Zero sa grupo na ‘yon, gano’n din naman kami. Kaya lang naman kami sumama sa mga ‘yan noon ay dahil sa isang pustahan. Napag-usapan namin na kapag sumali kami sa kanila at nanalo kami sa contest na ‘yon ay titigilan na nila ‘yong grupo namin, kaya noong manalo nga ‘yong grupong binuo namin para sa contest. Humiwalay na kami sa kanila at binuwag ‘yong grupo...” Paliwanag ni Alex.

“They even threatened us para lang sumali. Ginagawa nila lahat, blackmail, gang fight at kung ano pa and believe it or not, kinidnapped pa nila noon si Third para lang mapapayag si Zero sa pustahan.” Dagdag pa ni Xian. Seriously? Gusto ko silang suntukin ngayon! ‘Yong suntok na malupit, ‘yong hindi na sila makikilala. How can they go that far? Uh! Sure ako kawawa si Third noong time na ‘yon.

“I see.” Iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ko kahit na gusto kong murahin ang mga transferee.

Maya-maya pa ay tumayo si Josh at lumapit dito sa lamesa namin. Halata namang nagpipigil ng galit si Jester.

“Hi, Xian, Alex, Tyler at Jester. Nasaan si Zero? Bakit hindi ko siya nakikita?” Tanong niya nang maupo pa siya. Wow! Just wow. Can’t he read the atmosphere? Galit sa kanya ang mga nakapwesto rito. Nagmamanhid manhidan ba siya o nang-aasar?

“Come on, matagal na ‘yong nangyari noon. We’re here to make friends with you.” Dagdag pa niya.

“Can you make it more realistic? Halatang plastic, eh.” Hindi na ako nakatiis at sinabi na ang bagay na ‘yon.

“The moment I saw you at the convenience, alam ko nang magugustuhan kitaㅡHmm why don’t we make a deal? Just like before.” Binaling niya ang atensyon kila Tyler at bago pa sumagot ang isa sa kanila ay may naupo na sa tabi niya at saka siya inakbayan ng marahas.

“Why don’t we make a deal? Wawasakin ko ‘yang mukha at pagtapos no’n saka mo pormahan si Erin.” Seryosong sabi ni Zero. Fuck! ‘Yong puso ko, hindi na naman kumakalma. Kinakabahan ba ako dahil sa namumuong tensyon? No, this is really different.

“Woah! Easy, girlfriend mo ba siya?” Hindi sumagot si Zero at tinitigan niya lang ‘yon ng masama. Kahit ako ay natatakot sa mga tingin niya, ganito ba siya magalit? Never ko pa nakita ang side niyang ganyan.

“Pasensya na. Josh, tama na ‘yan.” Pag-awat no’ng Hoshi nang ilayo niya ang kaibigan niya. Lumapit na rin dito si Chloe para magtanong kung ano ang nangyayari.

“Wala, misunderstanding lang.” Sagot ni Jester. Magsasalita pa sana ako pero tumayo na si Zero at lumabas ng cafeteria. What’s wrong with him? Galit ba siya? Umiiwas ba siya sa akin? Ni hindi man lang niya ako nagawang tignan.

Kinabukasan maaga na namang umalis si Akira, she’s acting weird these past few days, dahil pa rin ba ‘yon sa failed confession niya? Kinuha ko ang phone ko at sinubukan ko pang tawagan si Zero, hindi ko maintindihan pero gusto ko talaga siyang makausap but before that, mas dapat ko muna yatang kausapin si Xian. Sasabihin ko na sa kanya ‘yong mga bagay na dapat niyang malaman hangga’t maaga.

“Male-late na tayo sa klase, ano ba ‘yong sasabihin mo?” Tanong niya nang makarating kami sa may rooftop ng main building. Tahimik dito at mahangin, kung pwede lang na rito ako magdamag ay okay lang sa akin. Nakaka-relax kasi, naalala kong dito rin nag-confess sa akin si Xian.

“You know how much I love you, right?” Tanong ko at nginitian niya ako pero nararamdaman kong ano mang oras ay babagsak na ang luha ko. I am not quite sure myself pero pakiramdam ko ay gusto na si Zero. Naco-confuse pa rin until now, hindi ako sigurado.

“It’s okay, Erin. Hindi mo kailangan sabihin. Alam ko na.” Nanlaki ang mata ko nang sabihin niya iyon. Mas lumapit pa siya sa akin at saka hinawakan ang kamay ko.

“The way you look at him yesterday. The way he protected you, obvious naman na gusto niyo ang isa’t isa.” Nakangiti pa rin siya habang sinasabi niya ang bagay na ‘yon. At that exact moment, hindi na napigilan ng luha ko ang kumawala mula sa mga mata ko.

“In the end, kailangan ko pa rin maging honest. Oo masakit, sobrang sakit pero masaya ako kasi finally, nakikita ko na ‘yong improvement sa inyong dalawa, hindi na kayo ‘yong dating Erin at Zero na bihirang ngumiti at galit sa mundo. You know na pareho ko kayong bestfriend ‘di ba? I’m rooting for you both, so please... Don’t cry.” Pinunasan niya ang luha ko at nanatili lang akong tahimik. I pulled him into hug at ilang minuto bago ko na-manage magsalita.

“I really do love you, Xian. Pero hindi sa paraang gaya ng nararamdam mo sa akin. I’m really sorry, I can’t return your feelings. I just want to be honest with you.” Kumalas kami sa pagyakap at saka niya ginulo ang buhok ko.

“I know, I know pero bakit parang hindi kayo okay? May nangyari ba?”

“Noong Linggo sinabi niya na gusto niya ako, but at that time sinet up ko rin siya para makapag-confess sa kanya si Aki.”

“May gusto si Akira kay Zero?” Tumango lang ako sa tanong niya.

“Kaya pala lately, nagkikita sila. Baka sinabi na ni Zero kay Aki na gusto ka niya or something na gano’n.” Sabi ni Xian kaya natigilan ako.

“What do you mean?”

“Kahapon ng umaga, nakita ko silang nag-uusap. Pati kanina, maaga kasing umalis si Zero, nag-aalala ako dahil nga parang may mali sa kanya nitong mga nakaraang araw pero nakita ko na si Aki lang naman pala ulit ang kausap nya...”

“I see.” Tipid akong tumango. Kaya pala maaga umaalis si Aki ay para makipag-usap kay Zero. Nag-confess na kaya siya? But waitㅡdalawang beses? What does that mean?

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 85K 47
Book 2 of Mysterious Nerds meets Campus Royalties. ----- A battle for faith. A war for peace. A fight for love. The battle gr...
56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
1.4M 41.5K 46
In a campus that filled with different kind of students, including Bullies, Smart ones, Cheerleaders, Nerds and the Famous. There is a classroom that...
20.3M 702K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...