GENTLEMEN Series 1: Cain Sand...

Per dehittaileen

2.5M 59.1K 1.6K

Para kay SPO3 Gen Phoebe, katarungan para sa pagkamatay ng kapatid niyang si Claire ang kailangan niya. Ang h... Més

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Epilogue

Chapter Thirty-six

41K 981 13
Per dehittaileen

Pinahid ni Gen ang pisngi nang maramdaman niya ang luhang pumatak doon. pabalik an siya ng Maynila magmula sa Bulacan. Nakausap niya ngayong umaga si General Protacio at humingi ng paumanhin sa kanya na hindi niya ansabi ang tungkol sa pribadong ahensya na kinabibilangan noon ni Gregory Lopez bilang miyembro ng isnag Criminal Investigative Unit. Ipinaliwanag din sa kanya ni General Protacio na si Gregory ay siyang tumutulong sa kanila na lutasin ang kaso ni Claire dahil mismo rin ang lalaki ay hindi makapaniwala na sangkot ito s akrimen na hindi nito ginawa. Inamin nito sa kanya na nagkaroon ito ng relasyon sa kapatid niya ngunit panandalian lang na hindi niya inakala na ahhantong sa malagim na trahedya. Tumawag din ngayong umaga si Gregory upang makipagkita sa kanya at may mga nais pa daw sabihin at ipakita s akanya na maaari marahil makatulong sa kasong iyon.

Saka muling pumasok sa isisp niya si Cain. Ito na lamang ang natitirang suspectna nasa list niya. Na pwedeng magkaroon ng motibo na patayin si Claire. Pero may bahagi ng puso niiya na ayaw mamniwala na kayang agwin iyon ng binata. Na kaya nitong saktan ang kapatid niya. Papasok n asana siya nang Expressway nanag maalala naman niya ang sinabi nang Nnay melba niya tungkol sa Daddy niya.

Pahina na daw ng pahina ang Daddy mo. Ang sabi niya unti unti nang humihina pati ang memorya nito. Madalas ay hindi na raw siya makilala ng matanda. Anak, ito na ang panahon para mag usap kayo. Hihintayin mo pa ba na tuluyan ka na niyang makalimutan?

Tila iyon eksena sa pelikula at paulit ulit niya na naaalala. Tila nagkaroon ng isisp ang mga akmay niya kaya nag mainobra siya at bumalik sa kabilang lane patungong Norte. Baka nga tama ang Nanay Melba niya. It's time for them to talk. At aalamin niya mismo sa ama niya ang buong katotohanan. Katotohanang alam niyang alam nito. Saka naman pilit bumabalik sa ala ala niya ang naging kabataan niya. Mga panahong dama niya ang kakulangan sa pagkatao niya. Mha panahong tinatanong nya ang sarili niya bakit nga ba siya narito sa mundong ito? Kung bakit nga ba siya nanatili dito? Ipinilig niya ang ulo upang pigilin ang sarili na isipin pa ng isipin ang nakaraan. Mga nakraang pilit niyang kinakalimutan.

Gen didn't mind the tears that fell on her cheeks. Sinundan niya ang daan patngo s apupuntahan niya. It's like a nostalgia. Ganito ang pakiramdam niya noong una niyang malaman ang totoo tungkol sa ama niya. She and her mom, sa loob ng isnag pampublikong bus patungong Pampanga kung saan naninirahan ang biological father niya. Ipinilig niya ang ulo at tumingin sa kalsada. Itinutok lamang niya ang mga mata doon hanggang sa babagal at tutulin ang kanyang takbo.

Humigit kumulang dalawampung minute bago siya nakapasok sa vicinity ng San Fernando. Nasa intersection na siya sa may diversion ng San Fernando nang may mag overtake na pulang SUV sa kanya. Muntik na siyang sumalpok sa center island kung hindi niya naagapan ang preno. Ang kaba ay mabilis na umahon sa dibdib niya na para bang naramdaman niyang iyon an ang katapusan niya. Bukod doon, may ilang street vendors ang muntik na niyang masagasaan kung hindi agad siya nagmenor. Hindi niya nakita ang plate number ng SUV dahil masyadong mabilis ang pangyayari. Pinagkibit balikat na lamang niya iyon, marahil ay nagmamadali ang driver ng SUV. Umabante siya at bumalik sa sariling lane.

Pagdating sa Dolores, sumalubong sa kanya ang dati nang lugar. Naalala niya noong unang dumating siya dito galing San Francisco. Lagi siyag pinagtitinginan ng mga tao lalo na kapag kasama niya si Claire. Hindi daw kasi sila makapaniwala na magkapatid sila ni Claire. Morena kasi ang kapatid niya samantalang siya naman ay maputi. Inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng isang lumang bahay. Old Mediterranean style ang bahay na nilagyan nalang ng modern accent. Minama pa ang bahay na ito ng ina ni claire sa lola nito. Ancestral house daw ng mga magulang ng nanay ni Claire ang bahay na iyon. At nang maging asawa naman ng daddy niya ang ina nito ay pinarenovate niya ang bahay. Nakakaangat sa buhay ang pamilya ng mga magulang ng ina ni Claire. NGunit ng sumama ang ina nito sa biological father niya ay itinakwil ito ng pamilya. Nangibang bansa ang ama nila ni Claire at doon nga nakilala ang mommy niya ang eventually ay naging asawa. O mas madaling sabihing naging pekeng asawa. Pilit na niyang ibibabaon iyon sa limot. Parte na lamang iyon ng nakaraan nila.

Teenager na siya ng unang tumapak ang mga paa niya dito. Dahil na rin sa kagustuhan ng kanyang Ina kaya nagawa niyang muling makipaglapit sa sariling ama. Pero sadyang may mga bagay na hindi na kayang baguhin ng kasalukuyan. Mananatili na lamang iyong nakaraan. Nakaraan na hinding hindi na pwedeng balikan. Aminin man natin at hindi may mga sugat s apuso natin na maghilom man at gmaling ay sadyang may kirot pa rin.

Pagkababa niya ng sasakyan, isang matandang lalaki ang nakita niyang nakayuko sa kumpol ng mga halaman, nag angat ito ng tingin. Hanggang sa ngumiti ng ubod lapad. Walang bakod ang paligid. Tanging mga naggagandahang bulaklak lamang ang nakapalibot sa dalawang palapag na bahay.

"Phoebe?"

Nginitian niya ang matandang lalaki. Kilala niya ito. Ito si Tatang Elmo. Asawa ni Inang Corazon o mas kilalang Azon, natatandaan niya kapag gusto niyang kumain ng kamaro ay ito mismo ang nagluluto niyon.

Hindi niya lubos maisip na ang peste sa bukid ay maari palang kainin, kaya kapag nasa pilipinas siya iyon lagi ang hinahanap niya. Isang exotic food na wala sa San Francisco. Saka lang din niya nalaman noon, na ang paborito niyang exotic food ay ginto pala ang halaga kapag kinain mo sa mga fine dinning restaurant sa buong norte at Manila.

"Ikaw nga!" Tuwang tuwang niyakap siya ng matanda. Naging malapit kasi siya rito. Lagi siya nitong binibigyan ng duhat noon.

"Kamusta po kayo?" Sabi niya sa tagalog na salita.

Lagi kasi itong nagrereklamo noon, na magtagalog daw siya dahil nahihirapan daw itong kausapin si'ya. "Aba! Magaling kana managalog ha!" Tawa tawang matanda. Nagpagpag ito ng kamay at saka inakay si'ya papasok ng villa. "Mekeni!"

"Natitiyak kong matutuwa ang Inang mo kapag nakita ka. Lalo na ang daddy mo.. "

Saglit nakaramdam siya ng kirot sa puso. Handa na nga ba talaga si'yang kausapin ang kanyang ama? At nakokonsemsya naman siya dahil, kung hindi pa sa ganitong sitwasyon hindi niya maiisip dalawin ang mga taong naging parte mg masayang kabataan niya noon. Kahit ba may kulang...

Nasa bukana pa lamang sila nang bahay ay amoy na amoy na niya ang aroma ng sinampalukang manok. Alam niya dahil isa iyon sa paborito niya dito sa pampanga.

"Azon.. Azon.." Tawag ni Tatang sa asawa. Lumabas naman ang asawa nito buhat sa kusina. Suot ang isang maputing apron.

"Ku! Ano ka bang matanda ka! May ginagawa naman ako sa loob." Halos, lumuwa ang mga mata nito pagkakita sa kanya. "Mahabagin! Ikaw na ba iyan hija?" Kahit ito ay sadyang nagulat din. Bakit hindi? May ilang taon na rin silang hindi nagkikita kita.

Niyakap siya nito at yumakap din si'ya. "Pagkaganda mong bata talaga! Bakit ngayon ka lang hija?" Sabay yakap muli sa kanya.

"Pasensya na po kayo. Marami lang po akong inaasikaso." Sabi niya sa dalawang matanda na hindi na iba sa kanya.

"Ay siya tara sa kusina... Tamang tama nagluto ako ng paborito mong sabaw." Halata sa tinig ng ginang ang sobrang saya. And she can't afford to spoil her joy and happiness.

Inakay siya nito papasok sa kusina. Hinainan ng paborito niya. Ang gutom na kanina pa nakalipas ay bumalik na naman sa kanya matapos makita ang katakam takam na putahe.

Kumuha siya ng patis at sili. At saka maganang kumain. Heaven!

Napapapikit pa siya sa tuwing susubo siya. "Tiyak matutuwa ang daddy mo kapag nakita ka." Sabi ng ginang na kinatigil niya sa pagkain. Nag ulap ang mga mata niya. Pakiramdam niya hindi pa si'ya handa.

"Hindi naman ho ako magtatagal Inang. M-May kailangan lang po akong itanong sa kanya." Aniya saka nag iwas ng tingin.

"Ganoon ba? Akala ko naman ay mamimirmihan ka dito kahit isang lingo lang." may bakas ng lungkot siya nakita sa mga mata nito.

"K-Kamusta po s-siya?" Tanong na lamang niya.

"Naparalisado ang daddy mo buhat nang maratay siya sa wheelchair. Hindi rin nagsasalita. Pero tumutugon naman siya sa ibang bagay... Yun nga lang titignan ka lang. Iiling kapag ayaw. Tatango kapag gusto." Kwento nito sa kanya. Parang gustong ibuhos ng mga mata niya ang luhang gustong lumabas doon. Maswerte si Claire dahil sa kabila ng lahat. Naramdaman nito ang pagiging ama ng kanilang ama. Kompara sa kanya na lumaking malayo dito.

"A-Ano pong sabi ng doktor?" pinigilan niyang wag pumiyok.

"Sabi ng espesyalista na sumuri sa kanya. Dimentia daw. Hindi na nga niya maalala ang pangalan ko. Halimbawa magpapakilala ako sa kanya ngayon. bukas limot na ulit niya. Dala marahil ng sunod sunod na kaganapan sa buhay niya kaya siya nagkakaganon..." ginapgap ng ginang ang palad niya. "Pamilya ang kailangan ng iyong ama ngayon, wag mong ipagkait iyon sa kanya. Nawalan na siya ng anak, kaya wag mong hayaan na pati ikaw mawala sa kanya. Magpakumbaba ka nalang hija. Hahayaan mo ba na tuluyan ka niyang makalimutan?"

Ganito na ba iyon kadali? Ang mabilis siyang tanggapin at patawarin sa kabila ng ginawa niya noon? Sa kabila ng pangiiwan nito sa kanila?

Paano kung hindi pa siya handa?

"Ang sarap niyo po talagang mag luto." Ibinaling niya sa iba ang usapan. "Ito yung namimiss ko eh."

Pilit niyang nginuya ang kanin sa kabila ng paninikip ng lalamunan niya.

Nasa labs siya ng bahay at lumalanghap ng sariwang hangin. Napayakap siya sa sarili ng sumamyo sa kanya ang malamig at maaliwalas na klima. Kanin matapos nilang kumain ay nagpalam siya na lalabas sandali. Gusto niyang huminga at alamin mabuti sa sarili ano nga ba talaga ang gusto niyang agwin. Narito siya hahanap ng kasagutan. Pero yung taong nais niyang tanungin ay mukhang hindi niya kayang harapin.

Dinukot niya ang cellphone sa bulsa upang sana ay icheck kung may mensahe sa kanya si Kennedy. Sa susunod na lingo ay balik serbiyo na siya. Mas matutukan na niya ang kasong gusto niyang lutasin kapag tuuyan na siyang nakabalik sa serbisyo.pero pangalan ni Cain ang tumambad sa kanya.

Can we talk?

Iyon ang basa niya sa mensahe nito. One hour ago pa ang message nito sa kanya pero ngayon lang niya naseen at binasa. She type three words.

I'm not home.

She supposed to put back the phone inside her pants nang magvibrate iyon.

Cain replied. Saan ka? Pupuntahan kita.

Kumunot naman ang noo niya. Para saan?

No. wag nalang. I'll be in the apartment by night. Sa unit nalang tayo mag usap. Okay?

Just minute after he replied again with simple. Ok.

Hindi niya alam ang mararamdaman. Pero isa lang ang sigurado niya. Malutas man niya ito. Malaya na niyang maiipahayag ang totoo sa binata. Mahirap man tanggapin but she's hoping that Cain wasn't Claire's killer. Nang hindi na siya sumagot sa binata ay nagpasya na siyang pumasok sa loob ng bahay. Walang tao sa salas maging sa kusina kaya napagpasyahan niyang umakyat sa ikalawang palapag. Binagtas niya ang hagdan na yari sa matibay na mahogany. Sa narra naman yari ang apat na pintuan na nasa ikalawang palapag.

Nakarinig siya ng boses sa loob nang master's bedroom. Boses ni Inang Azon iyon. Sumilip siya sa nakapinid na pintuan. Nakita niyang inihihiga nito ang ama niya sa kama at inaayos ang kumot.

"Bakit ka ba balik ng balik dito?" Bahgyang sabi ng matandang lalaki.

"Ay naku Renato. Naitanong mo nay an ng paulit ulit. Ikaw ay magpahinga na at mamaya gigisingin kita para sa hapunan." Ani naman ng Ginang sa lalaki.

Nakatihaya ang matandang lalaki at nakatingin ito sa kisame. "Si Claire ba ginising mo na? may pasok ang batang iyon ngayon. B-Baka mahuli siya sa unang klase niya."

Ang kirot sa dibdib ni Gen ay tila mas lalong tumindi. Hanggang sa sakit nito ay si Claire ang hindi nito makalimutan. Hindi niya namalayan ang pagtulo ng mga luha.

"Wag kang mag alala. Nakaalis na ang anak mo. Masaya na siya ngayon." makahulugang sabi ng ginang.

"S-Sige matutulog muna ako at gisingin mo ako kapag dumating ang anak ko." Tila sinaksak ng punyal ang dibdib niya ng pauli ulit dahil sa sinabi ng ama. Talaga bang wala siyang natirang memorya dito? Na hanggang sa sandaling iyon ay si Claire lamang ang bukambibig nito?

Hindi niya binigyan ng ibang masamang damdamin ang pagiging magkapatid nila ni Claire pero hindi niya kayang itanggi sa sarili na inggit na inggit siya dto. Mahal niya ang kapatid niyia at kaya niyang gawian ano man ang hiling nito na magpapasaya s akanya. Pero sadyang mayroon ito ng kaisa isang bagay na wala siya. Iyon ay ang pagmamahal ng ama nila. Pinahid niya ang luha bago paman iyon Makita ng kanyang inang azon nang lumabas ito ng silid.

"Kanina ka pa ba dyan hija?" Tanong ng matanda sa kanya.

Umiling siya. "N-Ngayon lang po. Napadaan ako akala ko kung bakit?" pagsisinungaling niya.

Nilingon muna ng matanda si Renato ang kanyang ama bago muling humarap sa kanya. "Pinagpahinga ko muna kasi ang daddy mo. Gusto mo ba siyang kausapin?" tanong nito.

Bahagya lamang siyang ngumiti. "H-Hayaan niyo muna siya magpahinga."

Tumango ang matanda at saka siya tinapik sa balikat. "Oh siya. Maiwan na muna kita at may gagawin pa ako sa kusina."

Tinanguan niya ang ginang hanggang sa tuluyan na nitong isinara ang pintuan ng silid ng kanyang ama at naiwan siyang nakatayo doon. napatingin muli siya sa seradula ng silid. Iniisip niya kung papasok nga ba siya sa loob o hahayaan na ang matanda na magpahinga. Sa huli ay hinawakan niya ang door knob at dahan dahan pinihit iyon. Nakababa ang kurtina at tanaw niya ang matandang nakahiga sa kama at nakapikit. Hinakbang niya ng bahgya ang mga paa at saka tuluyang pumasok sa loob. Nakahawak ang mga kamay niya sa magkabilang braso niya at humahaplos doon. malamig ang hangin na nagmumula s ankasiwang na bintana. Tinignan niya ang paligid ng silid. Samo't saring mga litrato ang nakasabit sa dingding ngunit kahit isa ay wala siya. Na labis lalong nagpasikip ng dibdib niya. Pawang mga mukha ni Claire ang nakikita niya. Patay na ang kapatid niya pero bakit pakiramdam niya ay nakikihati pa rin siya dito magpahanggang ngayon? Tatalikod n asana siya nang marinig niya ang pag ubo ng matandang lalaki. Tila hirap na hirap ito kaya madali niya itong nilapitan at inalalayan makaupo saka inabot niya ang pitsel na may tubig mula s aside table at saka nagslain s abaso na naroroon din katabi ng mga botely ng gamot nito.

"Inumin niyo muna ito." Dumantay sa kamay niya ang mainit nitong palad. Kamahi na noon ay kay tikas ngayon ay kulubot at buto't balat na.

Dahan dahan uminom ang matanda saka binitiwan ang kamay niya. Siya naman ay umiwas ng tingin dito at saka binalik ang baso sa kinalalagyan nito kanina. Nang lingunin niya muli ang matanda ay nakatingin ito s akanya at tinititigan siya.

"G-Gusto niyo na ba uli mahiga?" Pinigil niya ang wag gumaralgal s aharapan nito. Umiling ito. "Hindi. Ganito lang." Ang kunot ng noo nito ay tila mas lalong lumalim nang mas titigan pa siya nito.

"Gusto niyo bang tawagin ko si Inang Azon?" Tanong na lamang niya.

"Sino ka?" Ang dalawang salita na iyon ang siyang tuluyang nagpaguho sa kanya.

Muli niyang naalala ang sinabi ng Nanay Melba niya sa kanya. Hihintayin mo pa ba na tuluyan ka na niyang makalimutan?

Heto na. Nakalimutan na nga yata siya. Napahawak siya sa dibdib at pinigil na wag maluha sa harapan nito. "Bakit ka nandito?" Usisa muli ng matanda sa kanya habang nakakunot pa rin ang noo.

"N-Napadaan lang ho a-ako." She can't continue any words. Na hindi niya alam wala pala siyang masasabi dito.

"Kilala ba kita?" Tanong nito sa kanya.

Ano nga ba ang dapat niyang sabihin? Ako nga pala yung anak niyo na nakalimutan niyo na. Is it like that? Bumuga siya ng hangin at saka alanganin itong nginitian. Upang wag lamang itong matakot sa kanya. "Gen. G-Gen ho ang p-pangalan ko."

"Gen? Gen?" Nagpalinga linga ito s apaligid. Tila may pilit itong inaalala. Saka muling humarap sa kanya at nagsalita. "Kapangalan mo yung anak ko. S-Si Gen. Anak ko yon. Ako ang tatay niya. Kapangalan mo siya. Magkakilala kayo?"

Ang kaninang naipong emsoyon ni Gen sa kanyang dibdib ay tila handa nang sumabog at tuluyang mag umalpas sa puso nya. Natuptop niya ang bibig. Her Dad doesn't recognize her. But he remembered the old Genina.

"Maganda iyon. Maputi parang Mommy niya. Ganito lang iyon kalaki." Iminuwestra niya pa ang kamay na hanggang baywang ang isinukat. He remembered the child, Gen. "Sayang nga lang hindi siya madalas magpunta dito. Galit kasi sakin iyon."

Nahimigan niiya sa tinig nito ang lungkot. Pinahid nia ang luha at saka nagsalita. "B-Bakit sa tingin niyo galit siya sa inyo?"

"Dahil... dahil hindi ako naging mabuting tatay sa kanya. Pero mahal ko yon. Mahal na mahal ko yon." Sabi nito na may kasamang ngiti sa mga labi.

Tumalikod siya upang hindi nito Makita ang pagluha niya. She shouldn't be here. Hindi n asana siya nagpunta pa dito. "Hija umiiyak ka ba?"

Agad niyang pinahid muli ang mga luha at humarap muli dito. "Umiyak ka?"

Umiling siya. "No. N-Napuwing lang ho ako."

Ngumiti ito. Nakita niya lalo ang mga kulubot nito sa mukha dahil s apagniti. "Para kang yung anak ko na si Gen. kapag umiyak sasabihin napuwing lang."

Tumango tango siya. "Sige ho. A-Aalis na ko."

Nabigla siya ng hawakan nito ang palad nia. Once again, she felt his warm hand. Iyon nag gustong gusto niya kahit noong bata pa siya. To know how it feels upon holding by him. Could she feel more protected and unharm? "Babalik ka ba? Bumalik ka ha. Baka nandito si Gen kapag bumalik ka. Madalas sila kasi maglaro ni Claire. Matutuwa ka sa batang iyon. Makulit nga lang pero mabait."

She couldn't stand seeing him like that. She couldn't stand there and hearing his voice while remembering the youth her. Agad siyang lumabas at saka sinara ang pinto. Nang saw akas ay makalabas siya saka lang niiya naibuhos ang lahat at samo't saring emosyon sa dibdib niya na naipon na sa madaming panahon. Hinayaan niya ang sarili na ibuhos lahat. umiyak siya ng umiyak ay patuloy niiyang ginawa hanggang sa wala nang mga luha ang tumulo mula sa mga mata niya. 

Continua llegint

You'll Also Like

1.2M 26.7K 31
GENTLEMAN Series 9: David Tyndale "You can fool around David. But please, Not my sister." David always knew what his role to Lucas younger sister. H...
878K 17.6K 24
She has no power to fight against her grandfather. kaya naman Nikita Kim choose to left and hide. Sawang sawa na siya sa paulit ulit na pangingialam...
84.3K 6K 20
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
1.2M 66.9K 63
SPG 18 "Paghalu-haluin man ang lahat ng alak sa mundo ay hindi ako malalasing, maliban sa mga labi mo." Zenith Fujimori