Monstrous Academy 2: Chasing...

By dauntlehs

3M 101K 17.9K

(2 of 3) Second installment of Monstrous Academy. "Chasing the bad girl would be hard, and whatever doesn't k... More

Book Two
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty one
Chapter Twenty two
Chapter Twenty three
Chapter Twenty four
Chapter Twenty five
Chapter Twenty six
Chapter Twenty seven
Chapter Twenty eight
Chapter Twenty nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty one
Chapter Thirty two
Chapter Thirty three
Chapter Thirty four
Chapter Thirty five
Chapter Thirty six
Chapter Thirty seven
Chapter Thirty eight
Chapter Thirty nine
Chapter Forty
E P I L O G U E.
Book 3.

Chapter Eighteen

61K 2.2K 269
By dauntlehs


18: Friends.
-

Mabilis lumipas ang araw. Ito na ang araw ng battleground, ‘yong about naman sa pag-aaya sa akin ni Xander na maging date niya, tinakbuhan ko lang siya noong araw na ‘yon. I really don’t mind hanging out with him or what, hindi ko lang talaga alam kung ano ang trip niya.

“Aki! Mauuna na ako.” Sigaw ko dahil naliligo pa lang siya. Hindi siya sumagot kaya naman lumabas na ako at dumiretso sa Intrepid’s headquarter. Doon ko namang naabutan si Zero na nakaabang sa may gilid, hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglakad.

“Erin.” Tawag niya at parang first time niya yata tawagin ang pangalan ko.

“Problema?” Tanong ko at nanlaki na lang ang mata ko nang bigla niya akong yakapin. Hindi ko maintindihan kung anong ginagawa niya pero hindi ko siya itinulak at hinayaan lang.

“A-anong problema mo?” Tanong ko ulit pero mas lalong humigpit ang pagyakap niya sa akin.

“Si Third, na-hospital si Third. A-ayokong sabihin sa ‘yo dahil battleground ngayon peroㅡ” Hindi ko na siya pinatapos at agad siyang hinawakan sa kamay bago hinila palayo sa Intrepid’s headquarter.

“Saan tayo pupunta?” Tanong niya.

“Are you stupid? Kay Third of course! Wala akong pakialam sa battleground. Pwede kong bugbugin ang Lexy na ‘yon kahit anong oras ko gusto.” Sabi ko habang hindi siya nililingon. Hindi na siya nagsalita pa hanggang sa makasakay na kami sa kotse niya.

Sabi niya ay mahina raw ang resistensya ni Third, hindi pwedeng mapagod ng sobra kaya bumigay raw ang katawan habang nasa school dahil pinilit niyang mag-basketball. Hindi ko akalain na gano’n si Third, hindi halatang mahina ang resistensya niya dahil palagi siyang cheerful at saka ang energetic niya.

“Magiging okay rin si Third.” Sabi ko habang nagmamaneho si Zero, bakas na bakas sa mukha niya ang sobrang pag-aalala niya. Hindi ko alam kung paano ko isya i-comfort, kahit naman kasi sabihin na palagi kaming nagtatalo at hindi gano’n magkasundo, part pa rin naman siya ng buhay ko at isa pa, kaibigan ko siya. Hindi nga lang halata.

“During the spin the bottle. Si Xian ba tinutukoy mo? Montero?” Bigla niyang tanong kaya kumunot ang noo ko, bakit ba big deal ‘yon sa kanila?

“No, fictional character ‘yon, sa anime. Si Kuroko, you know how much I love basketball.” Seryoso kong sagot at nabigla na lang ko nang bahagya siyang natawa. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o ano pero napangiti ako. At least napatawa ko siya, bihirang-bihira siyang tumawa so it’s a rare sight.

“Ay wow, happy ‘yarn?”

“Baduy! Akala ko naman kung sino.” Nakangiti pa siya nang sabihin niya ‘yon. Napailing na lang ako at saka niya ako nilingon.

“Friends?” Sabay naming tanong kaya sabay din kaming natawa pero sabay din kaming tumango patunay na tinatanggap namin ang isa’t isa bilang kaibigan. Pagtapos noon ay hindi na ulit kami kumibo dahil nakarating na kami sa hospital, pero pagdating namin sa kwarto kung nasaan si Third, natagilan si Zero. Nandoon kasi si Tita Zea at Tito Jiro.

“Oh! Anak, Erin. Pasok kayo.” Ani Tita Zea. Ngumiti naman ako saka pumasok pero hindi tumuloy si Zero, nagkatinginan na lang sila Tito dahil sa inasal niyang ‘yon, mukhang malayo pa rin talaga ang loob niya sa mga magulang niya. Hindi ko rin naman siya masisisi.

“Hi, Ate.” Masiglang bati ni Third, agad naman akong naupo sa tabi niya at saka ginulo ang buhok niya. Parang wala naman siyang sakit.

“Pagaling ka ha? Para makalabas ka agad.” Aabi ko at tumango lang sya habang nakangiti. Pagtapos noon ay nagkumustahan kami nila tita, ilang minuto rin kaming nagkausap pero hindi pa rin pumapasok dito si Zero.

Akira’s POV

Kanina ko pa sinusubukang tawagan si Erin pero hindi niya sinasagot, pinag-aalala na naman ako ng babaeng ‘yon. Tigas talaga ng ulo. Kanina nagtanong ako sa isa mga intrepid, hindi naman daw sumipot si Erin sa battleground kaya nag-tantrums iyong Lexy.

Naiirita na rin ako kay Kevin dahil kanina niya pa ako kinukulit. Baka daw nabaril na si Erin at natuluyan, hindi ko alam kung bakit ko ba naging kaibigan ‘tong lalaki na ‘to.

“Kapag narinig lang niya ‘yan, tignan mo hindi ka na sisikatan ng araw.” Sabi ko habang nandito kami sa cafeteria, maya-maya lang din ay dumating na si Chloe.

“Nakita raw lumabas sila Erin at Zero ng academy kaninang umaga.” Bungad niya at natahimik lang ako. Mukhang napapalapit na sila, sabagay, magkababata naman kasi sila. Ni minsan hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob lapitan si Zero, aaminin ko naman na gusto ko na siya simula pa lang noong junior high kami. Ka-schoolmate ko silang lima pero si Alex lang ang medyo masasabi kong close ko dahil naging magkaklase kami.

“Hoy! Nakikinig ka ba?!” Tanong ni Kevin kaya naibaling ko ang atensyon sa kanya, nagiging tulala na naman pala ako.

“Ano ba ‘yon?”

“Sabi ko may nag-aya na ba sa ‘yo makipag-date para sa upcoming anniversary ng academy.” Umiling lang ako, aasa pa ba ako na may mag-aaya sa akin? Si Erin, meron na kaso tinakbuhan niya. Natatawa talaga ako kapag nakikita ko ang reaksyon ni Xander, akala niya siguro porque’t gwapo siya ay papayag na si Erin, not to mention na naging magkaaway sila noon.

“Gano’n? Hindi rin naman papayag si Erin kapag inaya ko siya, kaya ikaw na lang.” Sabi ni Kevin at tinaasan ko lang siya ng kilay.

“Asus kunyare ka pa, si Aki naman talaga gusto mong ka-date.” Pagsingit pa ni Chloe kaya nagtalo na naman silang dalawa, napailing na lang ako.

Erin’s POV

Nakalimutan kong dalhin ang phone ko, panigurado nag-aalala na naman ‘yong tatlo. Umalis na rin sila tito at tita, dumaan lang daw kasi sila dito para kumustahin si Third, mamaya lang din daw ay babalik na sila sa Europe para sa business.

“Ze, pahiram ng phone. Tatawagan ko si Aki.” Sabi ko habang nakaupo siya sa may sofa, nakatulog na rin kasi si Third. I wonder kung anong naging reaksyon ni Lexy noong malaman niyang hindi ako pupunta sa battleground. Well, wala na akong pakialam kung sabihin niyang duwag ako. Bibigyan ko na lang siya ng isang suntok para kahit papaano ay matuloy pa rin ang sparring na gusto niyang mangyari.

“Here.” Inabot niya sa akin ang phone niya kaya dinial ko na agad ang number ni Aki, mabuti na lang at kabisado ko. Well I guess I really considered her as a friend.

Hello, sino ‘to?”

Hello Aki, si Erin ‘to. Nakitawag lang ako kay Zero, nasa hospital ‘yong kapatid niya kaya nandito kami ngayon.” Paliwanag ko dahil baka hindi na naman siya tumigil kakaisip kung nasaan ako.

“Ah gano’n ba?”

“Are you okay? Parang ang tamlaㅡ

Waah, Erin! Sweetie ko.” Nailayo ko na lang ang phone sa tainga ko dahil sa pagsigaw ni Kevin.

“Ugh! Sige na, Aki. Ibababa ko na, bye!”

“Napalapit ka na talaga sa mga ‘yon, ah? Oo nga pla, nag-confess na sa ‘yo si Xian, right? Ano nang status niyo?” He suddenly ask out of nowhere. Inabot ko ang phone niya at saka naupo sa tabi niya. How should I answer him?

“Well uhm... Actually I really love Xianㅡ” Naputol ako sa pagsasalita dahil bigla na lang siyang naubo, hinampas ko naman ng malakas ang likuran niya kaya nasubsob siya sa sahig.

“Ay hala sorry, napalakas ba?” Sarcastic na tanong ko pa.

“May galit ka pa rin sa ‘kin ‘no? Come on! You did that on purpose.” Bumalik siya sa inuupuan niya at nagkibit balikat lang ako habang tumatawa kaming dalawa, magkaibigan na nga talaga kami. Kaibigan na nakakabiruan at nakakasamang tumawa. Ang sarap sa feeling, ganito pala pakiramdam ng magkaroon ng kaibigan. From now on, pahahalagahan ko na sila. Sila Aki, Chloe at kahit na nakakairita, isasama ko na rin si Kevin, siyempre ‘yong lima kong kababata na ngayon ay taga pagprotekta ko na. I need to step forward, hindi na dapat ako magpaapekto sa nangyari noon sa Amerika.

“Nginingiti-ngiti mo?” Tanong ni Zero kaya agad akong napalingon sa kanya.

“Wala masaya lang ako na hindi na ako natatakot makipagkaibigan, by the way. Nagugutom na ako, bibili lang ako ng pagkain natin.” Tumayo na ako at pahakbang na sana ngunit pinigilan niya ako. Tinignan ko lang siya at naghintay sa sasabihin niya.

“Take care of Xian, he really loves you.” Aniya kaya naman medyo napangiwi ako. What’s gotten into him?

“Yeah, I will. Don’t worry, mahal ko rin naman si Xian pero not in a romantic way, I love him as a brother. ‘Yon lang ‘yon, noong sinabi niya na gusto niya ako? Wala akong naramdaman. Hindi dahil sa manhid ako kung hindi dahil baka na-confuse lang siya kaya niya nasabi ‘yon.” Sabi ko at binitawan na niya ako kaya lumabas na rin ako ng kwarto. Weird din niya talaga minsan, kasing weird ng pangalan niya. Tsk, but I really hope na naco-confuse lang talaga si Xian dahil hindi ko maipapangako na maibabalik ko ang pagmamahal na binibigay niya sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 91.4K 86
An unexplainable tradition of Saint Harvest when it comes to their school organization where all of them are part of the campus royalties The goal of...
6.4M 327K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
43.5K 1.7K 52
Life was not perfect, even from the moment she was born. It felt as if there's nothing she can consider as her own. Until he came to her life, change...
4.3M 120K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...