Monstrous Academy 2: Chasing...

By dauntlehs

3M 101K 17.9K

(2 of 3) Second installment of Monstrous Academy. "Chasing the bad girl would be hard, and whatever doesn't k... More

Book Two
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty one
Chapter Twenty two
Chapter Twenty three
Chapter Twenty four
Chapter Twenty five
Chapter Twenty six
Chapter Twenty seven
Chapter Twenty eight
Chapter Twenty nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty one
Chapter Thirty two
Chapter Thirty three
Chapter Thirty four
Chapter Thirty five
Chapter Thirty six
Chapter Thirty seven
Chapter Thirty eight
Chapter Thirty nine
Chapter Forty
E P I L O G U E.
Book 3.

Chapter Fifteen

63.8K 2.4K 179
By dauntlehs


15: Mall.
-

Erin’s POV

It’s been 5 days simula nang tumira kami sa iisang bahay. Bukas, babalik na rin kami ng academy. Maraming kaweirduhan ang nangyari sa loob ng limang araw, I don’t know why but I feel like there’s something wrong with Zero and Xian.

[Flashback]

Pagtapos naming maglaro ay mas pinili ko na lang ang matulog sa kwarto.

Kinabukasan, si Third ang gumising sa akin. Maaga pa lang ay inaya na niya ako sa kusina para ipagluto ang lima, labag man sa kalooban ko, sinakyan ko na lang ang gusto niya since nag-insist ako na maging ate mommy niya for the mean time.

“Sure ka ba na ito ang ilalagay?” Tanong ko dahil useless talaga ako kapag nasa kusina. Sa dami ng pwedeng almusalin, bakit cake pa?

“Oo Ate, ‘yan ang nakalagay rito sa recipe ni mommy, eh.” Aniya at tuluyan ko nang nilagay ang vanilla extract. Matapos namin mai-mixed lahat ng ingredients ay nilagay na namin ‘yon sa baking pan at ipinasok sa oven. Habang naghihintay ay ginawa na namin ang icing para ilalagay na lang mamaya. Nagbasag kami ng itlog at ‘yong white lang ang kinuha namin, minixed namin ‘yon sa mixer at saka nilagyan ng confectioner sugar hanggang sa maging icing na siya.

“Grabe, nakakapagod pala ‘to.” Sabi ko nang maupo ako at bumuntong hininga. Naupo naman sa harap ko si Third at saka ako nginitian.

“May chance ba na ma-inlove ka sa lima? Kasi ‘di ba Ate handa silang protekahan ka, para silang Knight in shining armors.” Natawa lang ako sa sinabi ni Third. Mahilig pala sa fairytale ‘tong bata na ‘to, but honestly hindi ko alam kung pwedeng mangyari ‘yon. Hindi ko ma-imagine.

“I don’t know. Dipende siguㅡ”

“Good morning!” Masiglang bati ni Xian nang pumasok siya sa kusina. Kasama niya si Tyler.

“Ikaw bata-bata mo pa may inlove inlove ka nang nalalaman, ah?” Sabi ni Xian nang akbayan niya si Third habang si Tyler naman ay naupo sa tabi ko. Panandalian kaming nagkwentuhan habang hinihintay tumunog ang oven. Maya-maya ay tinawag ako ni Xian at saka nilapitan habang busy ang dalawa sa pagkulay sa icing.

“Yung sinabi mo sa laro na may R and O ‘yung crush mo. Si Zeㅡ”

“Anong meron?” Sabay kaming napalingon ni Xian nang dumating si Jester. Nasa likuran niya si Zero at Alex. Bakit ba ang aga magsigising ng mga kumag na ‘to? Hindi na tuloy surprise ‘yong cake. Hindi na ako nag-abalang sumagot sa tanong ni Jester at binaling na lang ulit ang atensyon kay Xi.

“Ano nga ulit ‘yong tanong mo?”

“No, nothing.” Ngumiti siya ng tipid bago tumayo at makisali kila Third, kumunot na lang ang noo ko. Kailan pa siya nagsinungaling sa akin?!

Pagtapos ma-bake ng cake, sabay-sabay na namin ‘yon nilagyan ng icing, habang si Alex at Tyler ay nagtitimpla ng hot chocolate. Sobrang kalat dito sa kusina kaya mas pinili naming doon na sa sala mag-almusal. Hanggang ngayon ay bumabagabag pa rin sa akin ang ginawa ni Zero. Plano niya pala ang lahat ng ‘to, at first akala ko ay inutusan lang siya ng parents niya para patirahin ako rito, pero akala ko lang pala ‘yon dahil all this timeㅡsarili niyang desisyon ang dito ako mag-stay ng one week. That’s really weird.

[End]

“Mga kuya, Ate Erin papasok na po ako.” Paalam ni Third, kasalukuyan kaming nandito ngayon sa sala at nanunuod ng movie.

Sa loob ng ilang araw masasabi ko namang napalapit na ako sa kanilang lahat maliban kay Zero, simula kasi noong naglaro kami ng spin the bottle ay hindi na niya ako kinausap. Gano’n ba talaga kalaki ang galit niya sa akin dahil lang sa umalis ako? Geez! Ang bata pa namin noon.

“Ihahatid ka na namin, pupunta rin kami ng mall ngayon, eh.” Ani Xian, the hell?! hindi ako na-inform.

“What? Pupunta kayo ng mall? Wait, magbibihis ako, sasama ako.” Nagmadali akong tumakbo paakyat sa kwarto at nagbihis. Nagsuot lang ako ng maong shorts at maluwag na black shirt na tinernunahan ko ng paborito kong boots. Hinayaan ko lang nakalugay ang buhok ko at naglagay ng konting make up, mabuti na lang at nakaligo na ako kanina.

“Let’s go!” Aya ko at wala na rin silang nagawa kung hindi ang isama ako. All this time akala ko close na kami pero ano ‘to? Balak nila akong iwan dito habang sila magpapakasaya sa mall? Tss. Traitors!

Paghatid namin kay third ay agad kaming dumiretso sa mall, balak daw kasi nila mamili ng damit. Wala naman akong alam sa type ng mga lalake kaya nagpumilit akong humiwalay para makabili rin ako ng sarili kong gamit, but of course they won’t allow that so wether I like it or not, kailangan kong isama si Tyler sa akin.

“Hindi ka ba bibili ng damit or kahit ano na para sa ‘yo?” Tanong ko habang naglalakad kami papunta sa isang shop. Humiwalay na kasi ‘yong apat, hindi rin naman daw kami magtatagal dito kaya sobrang nagmamadali sila. Napaka-paranoid.

“Hindi, sasamahan na lang kita.” Tumango na lang ako at hinatak ko na siya papunta sa loob ng store kung saan puro pangbabae ang makikita. Kinuha ko ang itim na leather jacket, type na type ko pero hindi siya bagay sa weather, sobrang init kaya rito. Lumipat ako sa kabilang side kung saan nakalagay ang mga tanktops.

“Ty, anong mas bagay na kulay?” Inangat ko ang kulay white at black na tanktop habang siya ay nakatingin lang sa akin imbis na sa damit. Mukhang naiilang siya kaya nilibot ko ang paningin ko at na-realize na pinagtitinginan siya nga mga babeng nandito sa shop.

“Kahit ano naman bagay sa ‘yo, eh.” Ngumiti siya kaya binili ko na ‘yong dalawa. Nag-insist pa siya na siya na ang magbabayad pero pinigilan ko.

“Hey, do I look like a beggar to you? May pera ako ‘no.” Sabi ko at nagkibit balikat lang siya. Kinuha ko na ang paper bag at for the second time nag-insist siya na siya ang magbubuhat kaya inabot ko na sa kanya ang paper bag. Paglabas namin ng shop nag-ring ang phone niya.

Nandito kami sa 5th floor, kayo?

Ah osige, pababa na kami d’yan.” Maglalakad na sana kami ni Tyler ngunit bigla na lang kaming nilapitan ng limang estudyante, nagsiksikan sila kay Tyler kaya naman napahiwalay ako sa kanya.

Kuya, pa-picture, ang gwapo niyo po!” Sabi noong mga babae, pilit man akong lingunin ni Tyler, hindi niya magawa dahil napapalibutan siya noong mga babae. Irita lang akong nakatingin sa kanila at naghintay matapos but hell! I feel so uneasy, I know someone’s watching me from afar. Hindi na rin ako mapakali mula rito sa kinatatayuan ko.

Lalapitan ko na sana si Tyler para itaboy ang mga babae pero nakita ko na ‘yong lalaking nagmamasid sa akin mula pa kanina. Masyadong maraming tao rito kaya naman hinayaan ko na si Tyler at nag-umpisang tumakbo paakyat. Halos maitulak ko na rin ang mga tao sa escalator dahil sa pagmamadali at tama nga ako ng hinala dahil sinusundan ako noong lalaking ‘yon. Damn it!

“He’s not alone?” Tanong ko sa sarili nang makitang may dalawa pang lalaki ang nag-aabang mula sa itaas. Ni-ready ko ang sarili ko at tumalon para lumipat sa kabilang escalator, lilipat na rin sana ‘yong humahabol sa akin ngunit mabilis ko siyang nasipa. Nagmadali ako sa pagtakbo at hindi na pinansin ‘yong mga nagpa-panic na tao sa paligid, balak ko pa sanang balikan si Tyler. But hell! Mas dumami ‘yong nakapaligid sa kanya. What the hell?!

Nilibot ko ang paningin ko at agad tumakbo nang makita ko ang fire exit. Pababa na sana ako ng hagdan pero may mga taong paakyat, siguradong kasama sila ng humahabol sa akin, pare-pareho kasi silang nakapula.

Nagmadali ako sa pag-akyat at nang makarating ako sa 7th floor ay biglang bumukas ang pintuan. Hindi ako nagdalawang isip hatakin ang taong nakapula at sipain iyon pababa ng hagdan kaya sabay-sabay silang gumulong ng mga kasamahanan niya.

Paglabas ko ng pinto ay may bigla na lang nagtakip ng bibig ko at tinapat ako sa elevator. Aaminin ko kinabahan ako pero pamilyar ang amoy kaya pwersahan kong tinanggal ang kamay niya sa bibig ko.

“This is the fastest way, just trust me.” Saktong pagbukas ng elevator ay hinatak niya ako sa loob, kami lang ang nandito. Pumikit ako at nagtakip ng tainga dahil sa takot, nahihirapan na naman akong huminga.

Abangan nyo kami sa parking lot. Kasama ko na siya.” Sabi niya sa kausap niya sa phone. Nanatili akong nakaupo pero hinatak niya ako patayo at saka hinawakan ang magkabilang balikat ko para iharap sa kanya.

“Hey, look at me. ‘Wag mong isiping nasa masikip na lugar tayo.” Aniya pero nanatili akong nakapikit.

“Hey, Erin. Breathe!” Hindi ako makapagsalita hanggang sa naramdaman kong hinawakan niya ang baywang ko at hinala palapit sa kanya. Naramdaman ko rin ang isa niyang kamay sa may bandang batok ko.

Things escalated quickly, dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko nang maramdamang may malambot na lumapat sa labi koㅡHe’s freaking kissing me! What the hell? But there’s something wrong, nakakahinga na ako ng maayos. Hindi ko naiisip na nasa masikip na lugar ako dahil sa kanya ako naka-focus. Ito ba ang way niya para tulungan ako sa panic attack ko?

Nanatiling magkadikit ang mga labi namin hanggang sa narinig kong bumukas ang elevator.

“Zero.” Boses ni Xian kaya agad kumalas si Zero. Nagkatinginan muna kami bago lumingon kung nasaan ang apat.

“L-let’s go.” Aya ni Zero at nagmadali na siyang tumakbo palabas, hinila na rin ako ni Xian hanggang sa makarating kami sa kotse at nang makalayo kami sa mall ay nanatili akong tahimik at gano’n din sila. So awkward! Tinignan ko si Xian mula sa rear mirror, mukhang hindi maganda ang mood niya kaya napahawak na lang ako sa labi ko. Hanggang ngayon nararamdaman ko ang halik ni Zero. Ugh!

Continue Reading

You'll Also Like

1M 22.4K 55
Gangster? Gangster ang mommy at daddy ko noon. Sila ang tinaguriang pinakamalakas at pinakamataas sa isang organisasyon. Ang orginasisasyong ito ang...
83.7K 3.5K 33
An accident that will bring her back to her past life. Credits to Bb Mariya for the cover ✨ Started: May 12, 2020 Ended: November 28, 2020 Highest Ra...
Detective senses By Angelica

Mystery / Thriller

12.4K 709 53
Book 2 of my gangster detective. "I the queen shall protect the king. And I as pawn shall protect the lord" New beginning, new mysteries to solve. Ho...
2.8M 103K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...