Monstrous Academy 2: Chasing...

By dauntlehs

3M 101K 17.9K

(2 of 3) Second installment of Monstrous Academy. "Chasing the bad girl would be hard, and whatever doesn't k... More

Book Two
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty one
Chapter Twenty two
Chapter Twenty three
Chapter Twenty four
Chapter Twenty five
Chapter Twenty six
Chapter Twenty seven
Chapter Twenty eight
Chapter Twenty nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty one
Chapter Thirty two
Chapter Thirty three
Chapter Thirty four
Chapter Thirty five
Chapter Thirty six
Chapter Thirty seven
Chapter Thirty eight
Chapter Thirty nine
Chapter Forty
E P I L O G U E.
Book 3.

Chapter Eleven

69.3K 2.7K 437
By dauntlehs


11: Sudden attack.
-

Weeks had passed and so far, everything’s fine. Medyo nakakasanayan ko na rin ang pagiging friendly although hindi pa rin talaga nawawala ang pagiging insolent sa dugo ko.

“Matagal pa ba? Ano ba kanina pa tayo nandito.” Reklamo ko kay Chloe. Paano ba naman, kanina pa kami nandito sa court, 10 minutes daw mag-uumpisa na iyong game but hell. 20 minutes na ang nakalipas pero nandito pa rin kami sa bleachers at nakatunganga.

“Sweetie naman, chill ka lang.” Agad kong sinamaan ng tingin si Kevin nang sabihin niya iyon. I really find him annoying, simula noong tinulungan ko siya sa pang bubully sa kanya ni Jester ay pinipilit na niyang girlfriend niya ako. Seriously? I want to punch him right now. Paano siya naging keen sa lagay na ‘yon?! Dapat hinayaan ko na lang siyang bullyhin ni Jester kung alam ko lang na magkakaganto siya.

“Do you want me to send you straight to hell?” Tanong ko at agad siyang tumingin sa ibang direksyon at kinausap si Akira. Napailing na lamang ako.

Kyaaaah!

Ayan na.”

Sigaw ng mga kababaihan nang pumunta na sa court ang mga nag-try out. Ganito raw kasi ang rules sa basketball team, sabi ni Chloe ay maglalaban ang mga nag-try out, kung sinong team ang nanalo, sila ang makakapasok sa team pero kapag natalo silaㅡNganga.

And the big question is bakit nandito kami. Isa lang naman ang sagot doon, nandito kasi iyong lima at bilang bestfriend ni Xian, I need to support him. Ang ipinagtataka ko lang ay kinikilig si Akira at gano’n din Chloe. Mukhang fan pa yata sila ng lima, tskㅡthere’s really something strange about them.

“May gusto ba kayo sa mga players?” Tanong ko at sabay silang umiling kaya naman ibinaling ko na lang ang atensyon sa ibaba.

Kinawayan ako ni Xian at ngumiti lang ako ng tipid. Maya-maya lang ay nag-tip off na at napunta ‘yong bola sa team nila. Matangkad si Xian kaya hindi na ako nagtaka kung nakuha niya iyong bola. Pinasa niya iyon kay Alex at mabilis na shinoot ‘yon. Pumalakpak lang ako, nami-miss ko na rin maglaro.

“Ganbare!” Sigaw ni Akira nang mapunta kay Zero ‘yong bola. Agad akong napalingon sa kanya dahil doon. Ngayon ko lang siya narinig magsalita ng Nihongo, mabuti na lang I’m not that dumb para hindi maintindihan ang isinigaw niya. If I’m not mistaken, do your bestang ibig sabihin noon. Madalas kong marinig 'yon sa mga anime na pinapanuod ko.

Ilang minuto ang lumipas at natapos ang first half. Lamang ng 6 points ang mga kabilang team. Hindi na rin ako mapakali rito kaya bumaba ako at nagpunta sa bench nila Xian, masyadong maingay sa bleachers, nakakairita. Karamihan kasi ng nanunuod ay babae.

“Anong ginagawa mo rito?” Masungit na tanong ni Zero habang nagpupunas ng pawis gamit ang jersey niya. Sumilip tuloy ang abs niya, saglit pa akong napatingin doon ngunit inangat din agad ang tingin sa kanya.

“Pake mo?” Tinaas ko ang kaliwang kilay ko at saka binaling ang atensyon sa apat na nakaupo.

“Dito ako mauupo. Okay lang?” Tanong ko at tumango agad si Alex. Hinawakan niya ‘yong palapulsuhan ko at saka hinatak para maupo ako sa bench.

“That Kevin guy, pinanindigan na niya talaga ang pagbuntot sa ‘yo, ah?” Mapangasar na sabi ni Jester at napairap na lang ako nang makitang pababa ngayon ng bleachers si Kevin kasama sila Akira at Chloe. Tumabi rin sila sa akin dito sa bench at wala na akong nagawa. Seriously?

“Sweetie. Bakit mo kami iniwan?” Tanong ni Kevin and I just gave him a death glare. Pilit namang pinipigilan ni Jester ang tawa niya kaya tinignan ko rin siya ng masama but the weird thing is..

“Chloe, bakit ka nakangiti?” Tanong ko nang mapansin kong iba ang ngiti niya noong tignan niya si Jester. Hmm, something’s fishy huh. Umiling lang siya sa tanong ko at napangisi na lang ako.

Mabilis lumipas ang oras, obvious na obvious ang pagkapanalo nila Xian dahil sa score nilang 102 at 90 sa kalaban. Agad akong tumayo nang makita kong papalapit na silang lima rito sa bench. Isa-isa silang nakipag-apir sa tuwa at halos hindi na kumibo ang iba nang apiran din ako ni Zero. Miski ako ay nabiglaㅡawkward.

Magsasalita na sana ako ngunit nginisian niya ako at saka umalis papunta sa locker. Nagkatinginan na lang kami nila Jester at saka nag-usap habang sila Chloe, Kevin at Akira ay nauna ng umalis.

Maya-maya lang ay pumasok na rin sila sa locker room para magbihis. Nanatili lang ako rito sa bench hanggang sa mapansin ko na ako na lang pala ang tao rito. Nilibot ko ang paningin ko hanggang sa makita ko ang bola. Tumayo ako para pulutin ‘yon at humarap sa basketball ring. I was about to shoot the ball when all of a sudden may naramdaman akong tumama sa akin at may mainit sa bandang tiyan ko.

Nabitawan ko ang bola at napahawak na lamang sa roon. Blood, my hands were covered in blood. Unti unti kong naramdaman ang paghina ng mga tuhod ko, but I still manage to scan the whole court. No one’s here. May silencer ‘yong ginamit ni baril, but hell sinong gagawa? Dito sa school?!

“Hoy. Ba’t nandito ka pa?” Tanong ni Zero nang lumabas siya sa locker room. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa mapansin niyang may mali. Naramdaman ko nang tutumba ako pero mabilis siyang nakatakbo papunta sa direksyon ko para saluhin ako.

I endured the pain, feel ko sobrang nanghina ang buong katawan ko pero hindi pumasok sa isip ko ang pumikit. Ayoko, natatakot akong hindi ko na mabuksan ang mga mata ko.

Zero’s POV

Katatapos ko lang magbihis at hindi na rin ako nag-abalang maghintay pa sa mga kasama ko na inuuna pa ang daldal bago magpalit ng damit. Hindi sila maka-move sa ginawa kong pag-apir kay Erin kanina. Tss, nadala lang naman ako ng emosyon.

“Mauna na ko.” Paalam ko sa apat at tuluyan na akong lumabas ng locker room. Hindi ko naman inaasahan na nandito pa pala si Erin.

“Hoy, ba’t nandito ka pa?” Tanong ko pero hindi siya sumagot. She just stared at me and she look so pale. Kumunot ang noo ko dahil doon, something’s not right. Dahan-dahan akong napatingin sa kamay niyang nakahawak sa tiyan niya, tila bumili ang tibok ng puso ko nang makita ang dugo roon kaya nagmadali akong tumakbo papunta sa kanya bago pa siya tumumba.

“Guys! Si Erin!” Sigaw ko at saka nagmadaling lumabas ng gymnasium. I run as fast I can habang buhat-buhat ko siya. Mabilis ko siyang naisakay sa kotse at humarurot papunta sa gate, mabuti na lang at lagi kong dala ang susi ng kotse pero hinarangan kami ng gwardya.

“Sir, saan kayo? Bawal lumabas ng academㅡ”

“Open the gate!” Sigaw ko at tila nataranta iyong gwardya. Pagbukas na pagbukas ng gate ay agad akong nagmaneho ng mabilis papunta sa pinakamalapit na hospital.

“Erin, hey! ‘Wag kang matutulog.” Sabi ko nang ibaba ko na siya sa kotse, pawis na pawis na siya at namumutla. Pagpasok ko ng hospital ay agad akong naghagilap ng doctor.

“Sir dito po.” Sabi ng nurse nang magdala ito ng hospital stretcher. Hiniga ko si Erin doon at itinulak naman iyon ng mga nurse papasok sa emergency room, habang ako ay nanatili lang dito sa waiting area. Paanong nangyari ‘yon sa kanya? Sino ang gagawa noon sa loob ng eskwelahan? Iyong mga gangsters kaya? O nag-umpisa nang kumilos ang mga sindikatong banta sa buhay ni Erin?

Ask how many nights I’ve been thinking of you, Zero, Zero ♪

Hello, Zero. Nasaan ka? Bakit ka sumigaw kanina? Anong nangyari kay Erin? Sunod-sunod na tanong ni Xian nang sagutin ko ang tawag niya.

Nandito kami sa hospital. I don’t know what happened pero may tama siya sa bandang tiyan. Stab wounds? Gunshot wounds? I don’t know, basta pumunta na kayo rito. Nasa emergency room soya ngayon.” Hindi na sumagot si Xian at agad nang ibinaba ang tawag.

30 minutes na ang nakalipas at nasa loob pa rin ng emergency room si Erin. Hindi na rin ako mapakali rito sa labas, palakad lakad na lang ako na parang baliw. Siguradong mayayari ako kay dad kapag nalaman niya ‘to.

“Nasaan ‘yong guardian ng pasyente?” Tanong ng doctor nang lumabas ito ng kwarto.

“I’m her friend. What happened? Okay na ba siya?”

“Yes, she’s okay. Mabuti na lang at hindi tumama sa kahit anong body organs ang bala, mamaya lang ililipat na siya sa private room. It will be better for her kung magpapahinga siya ng at least one week, since medyo malalim din ang tama ng bala sa kanya.” Sabi ng doctor at nakahinga ako ng maluwag.

“Thank you, Doc.” Naupo ulit ako at naghintay sa pagdating ng apat.

Ngayong nangyari ‘tong insidente na ‘to, mas kailangan ko na siguro siyang bantayaan ng maigi. Masakit na para sa akin noong umalis siya noong mga bata pa kami, at hindi ko na siguro kakayanin kung tuluyan pa siyang mawala. Not on my watch.

Continue Reading

You'll Also Like

24.2K 1.1K 11
Sa hindi inaasahang pangyayari, nahulog sa puno si Lavender dahil nasira ang sangang tinutuntungan niya dito. Pagkagising niya mula sa pagkakahulog n...
9.1M 222K 109
(Most Read Filipino Story 2014) Book One "One wrong move and you're dead."
Killer Website By Sejuru

Mystery / Thriller

1M 8.3K 31
Status: COMPLETED Language: Filipino/Tag-lish Reader discretion is advised. (Available in Dreame. Check out @Sejuru Emina on Dreame.) The mind is th...
18.4M 573K 87
Though tagged Fantasy, this story is 60% Romance, 20% Humor, 20% Fantasy. Enjoy! -------------- This is a story about Four Mysterious Nerds who e...