6:55 AM
Russel: Good morning
11:09 AM
Claudine: Mamayang 8 na yung story ah.
seen 4:09 pm
7:09 PM
Russel: Sabihin mo kasi yung plano mo sa story para mailagay ko yung gusto mo
Claudine: Hindi pwedeng sabihin sayo. Kung sasabihin ko din lang dito, it's better ideretso ko na sa wattpad para hindi na ako magpapagod.
Russel: Ilagay mo na muna dito, tatapusin mo na?
Claudine: Oo, pero parang sa wattpad ko na gustong ilagay, ikaw kasi e!
Russel: Bakit ako? Kailan mo naman ilalagay sa wp?
Claudine: Pagsinipag
Russel: Eeeeeeh ngayon mo na ilagay dito
Claudine: Not official na lang kasi papabilisin ko na yung story
Russel: Ganun ba? Bahala ka po
Claudine: Hindi sa ayokong makialam ka, mahirap kasi baka maiba yung ending na naisip ko eh. Baka mamaya maiba pa, gawin mong common na magigising sa katotohanan ang mother ni Russel tapos pagbibigyan na sila, basta ako na ang bahala, wait lang, pahinga lang ako.
Russel: Oo na, ewan, basta ngayon ah. Ayokong pinaghihintay ako
Russel: Joke!!!
8:02 PM
Claudine: POV style na lang ah.
Claudine is typing ....
8:10 PM
Claudine: Russel's POV
"Russel, bilisan mo! kailangang nasa airport na tayo 2 hours bago ang flight." Sabi ni Tita na lalong dumudurog sa puso ko.
Ayoko namang sabihin na buntis ako dahil mahahalatang nagsinungaling ako. Hindi kasi nila alam na tapat sakin si Claud. Kahit maraming beses kaming nabigyan ng pagkakataon para magsex, hindi niya ginawa dahil inaalala niya ang future. Siya ang future ko at wala nang iba. Hindi ba niya maintindihan yun?
Nakasakay na kami sa taxi na maghahatid samin papunta sa 'walang forever' na lugar. Nakakainis. Parang hindi ko kaya. Binibilang ko ang bawat segundo habang nakaupo kami dito at naghihintay ng flight. Parang napakabilis ng oras.
"Russel be ready, after 30 minutes, aalis na tayo."
Parang iiyak na ako dahil mawawala na ang pag-asang makasama ko si Claudine. Paubos na ng paubos ang oras, hindi ko kaya. Hindi ko talaga kaya. Can't imagine myself habang nasa byahe.
15 minutes.....
Hindi ko na talaga kaya. Kinuha ko yung malaking bag ko. Umalis ako dahil nakaidlip si Tita. Papalayo na ako ng papalayo. Nang makalabas na ako ay tumawag ako kay Claud.
"Hello Claud."
"Kamusta? Nasaan na kayo?"
"Hindi ako sasama. Tumakas ako."
"Bakit?!! Anong kalokohan yan?"
"Sunduin mo na lang ako at saka na tayo mag usap. Papatayin ko ang phone ko para hindi nila ako makontak. Please, andito na 'to, hindi ko kayang malayo sa'yo. Please!"
After naming mag-usap ay pinatay ko ang phone ko. Hanggang sa nagkita na kami ni Claudine. Niyakap ko agad siya.
"Hindi mo ba alam na mapapahamak ka sa ginawa mo! Ngayon ang araw ng alis niyo!" He said while he's hugging me. I know masaya siya sa ginawa ko and I know hindi niya ako papabayaan. I know mahal niya ako and lastly I know, ayaw niya din na umalis ako.
"Claud! Mahal na mahal kita." I said and nakita ko man ang pagkadismaya sa mukha niya, agad naman niyang dinala ang gamit ko. Panay ang halik niya sakin sa kabila nang napakalaking kasalanan na nagawa ko sa Parents ko.
Hindi ko na inisip ang mangyayari pa basta ang alam ko, kasama ko siya ngayon. Hanggang sa nakarating na kami sa kanila. For the last time, nilagay niya sa tama ang lahat.
"Hihintayin natin ang oras. Then, umuwi ka sa inyo."
"Ayoko nang umuwi, mapapagalitan ako."
"I know Russel. I know! Pero hindi pwedeng hindi ka uuwi. Kaya kong madamay sa ginawa mo pero hindi pwede 'tong ganito. Umuwi ka, bata ka pa. Tanggapin mo lahat ng galit nila. I'm sure, hanggang doon lang 'yun. Russel! Sundin mo sila, wala na tayong magagawa."
Niyakap ko siya. "Hindi ko kaya Claud! Ayokong umuwi."
"Pag hindi ka umuwi, ako na ang kakausap sa kanila. Hindi naman sa hindi kita mahal kaya gusto kong sundin mo sila, ang akin lang, mas liligaya ka kung iiwan mo ako. Please Russel, hindi ako ang lalake na para sa'yo!"
Gusto ko siyang sisihin! Gusto kong magalit sa sinabi niya dahil sumuko siya. Pero nang makita ko na may luha sa mga mata niya, naintindihan kong mahal niya 'kong talaga. Gusto kong umuwi pero hindi kaya ng puso ko. Ayokong mahiwalay sa kaniya, hindi ko kakayanin.
"Tatawagan ko ang Parents mo. Ako na ang kakausap sa kanila." He said nang magdilim na. Hindi ako lumalabas ng kwarto niya. Miski ang Mama niya, nag aalala na din.
"Huwag na!" I said at gusto ko na namang umiyak. "Kung hindi mo na kayang ipaglaban ang pagmamahal mo sakin, ayoko nang madamay ka pa."
"Russel, hindi na natin kaya. Mahal na mahal kita kung alam mo lang."
"I know. Kahit naman anong laban ang gawin ko, sa tama ka parin pupunta at hindi sa mali 'di ba? Alam kong mali ang ginawa ko at mali na suwayin ko sila dahil ayaw nila sa'yo, pero masama bang magmahal? Hindi naman 'di ba?"
"I'm sorry Russel."
Kinabukasan ay umalis na ako. Wala na.. Tapos na ang lahat. Tatanggapin ko na lang. Handa naman akong maghirap para sa kaniya eh. Ganun ko siya kamahal pero ayaw niyang maghirap ako. Hangga't hindi ako kinakadena ng Mommy ko, hindi ako susuko pero sumuko na siya. Wala na.
Umuwi ako pero bakit parang nakakita ng aswang si Manang?
"Russel!!"
"Manang, bakit?"
"Wala ang Mommy mo eh."
"Nasaan?"
"Hinahanap ka!" Nanginginig siya.
"Sige papasok na ako sa kwarto. Ayokong umalis eh kaya tumakas ako. I don't care kung magalit sila. Paki sabi na lang pag tumawag, sabihin mo huwag nang maghanap!" Umalis na agad ako.
It ended. Iiyak at mag momoment na kang ako sa kwarto. Buti wala si Mommy. Mamaya ko na lang tatanggapin ang sermon. Nakatulog ako. Nanaginip ako na masaya ako pero nagising ako dahil sa malakas na katok.
Tok! Tok! Tok! Saka ko naisip na judgement time na. Bahala na. Binuksan ko ang pinto. Bumungad si Mommy!
"RUSSEL! BUHAY KA!" Niyakap niya ako.
Bakit?
Dumating ang ilan sa mga kamag-anak namin. Niyakap nila ako at lahat sila umiiyak. Nakita ko ang ilang pinsan ko na umiiyak. Bakit kaya?!
"Russel? Ano ang ginawa mo?" Tanong ni Mommy. Oo alam kong galit siya pero bakit ganito?
"What happened?" Kinutuban talaga ako.
"The Plane that should've been your carrier was crashed in the sea!"
Oh no!! What happened to my Tita?! Bigla akong umiyak. Niyakap ako ni Mommy!
"What happened to you? Hindi ka sumama kay Tita mo?"
Hindi agad ako nakasagot. Yung isang anak ni Tita andito at iyak ng iyak.
"Russel I'm glad that you're alive! Hinahanap pa ang bangkay ng mga nasa Eroplano." Sabi ng pinsan ko at iyak ng iyak.
Pansamantala. Nalimutan ko si Claudine. May mas malaking problema pa pala kaming kinakaharap ngayon. Maraming namatay at hindi pa nahahanap na katawan. Iyak ng iyak si Mommy dahil namatayan siya ng kapatid. Pinabasa niya sakin ang huling text ni Tita.
'Kung ano man ang nangyari, labas na ako diyan.'
Yan ang huling text ni Tita pero hindi na nagawang magtanong ni Mommy dahil late na niyang nabasa. 'Yun siguro ang time na nalaman na ni Tita na tumakas ako. Iyakan kami ng iyakan hanggang sa kumalma din kami ni Mommy. Nag usap kami.
"I'm sorry Mommy. Hindi ako sumama." Sabi ko kahit alam kong kinatuwa ni Mommy ang ginawa ko dahil hindi ako napasama sa namatay.
"It's okay. Akala ko talaga patay ka na."
"Pero sobrang nalungkot ako sa pagkamatay ni Tita."
"Hindi ko alam pero sa nakikita ko, ang pagmamahal mo kay Claudine ang nagligtas sa'yo sa kapahamakan."
Tama siya pero hindi ako pwedeng magsaya.
"I'm sorry Mommy dahil hindi ko kayang iwan si Claudine. Pero nakapag-usap na kami. Masakit man samin pareho, kailangan na kitang sundin."
Niyakap niya ako. "Mahal mo ba siya talaga?"
"Opo Mommy."
"Gusto ko siyang makausap."
"Talaga Mommy."
"Gusto kong makausap siya, totoong bawal ka pang magboyfriend pero ako pala ang magiging dahilan ng kamatayan mo sana at siya ang dahilan kaya ka nakaligtas. Hindi ko pwedeng baliwalain 'yun."
"Thanks Mommy. Akala ko galit ka sa kaniya."
Pinunasan niya ang luha niya. "Ayokong magalit sa kaniya eh. Kahit nasasaktan ako ngayon."
Nabalitaan na din ni Claudine ang lahat. Nalungkot man siya, hindi namin maiwasan na maging masaya. Mas kinatuwa pa niya na tumakas ako. Kinausap siya ni Mommy then hindi ko alam ang pinag-usapan nila. Matapos kaming mag-alay ng bulaklak sa dagat dahil hindi na natagpuan ang maraming katawan. Nag-usap uli kami ni Mommy.
"Anak, maghihintay si Claudine. Sana maghintay ka din ah. Pinapayagan ko na kayong magkita." Sumaya ako. Oh my god. Hindi ako makapaniwala. "Pero...." Napatigil siya bago magsalita. "Tutupadin niyo ang pangarap niyo ah. Hanggang boyfriend lang muna." Ngumiti si Mommy.
"Thank youuu! Thank you Mommy."
"Because of that accident kaya ko kayo pinapayagan."
Niyakap ko siya. Hindi ako makapaniwala. Akala ko walang forever pero ngayon, masaya na ako. Rest In Peace kay Tita. Malungkot ako dahil sa kaniya. Marahil may dahilan si God kaya nangyayari ang lahat ng ito. Hindi magtatagal. Makakamove-on na kami sa pagkawala ni Tita.
I love you Tita. I'm very sorry kung isa ka sa dahilan kaya masama ang loob ko pero ikaw ang nagsakripisyo ng lahat. Dahil kailangan mo pang mamatay para lang sumaya ako.
END....
Claudine: Copy paste na lang yan. Kanina ko pa ginawa.
Russel: Wait, babasahin ko
8:21 PM
Russel: OMG... Gusto ko ng sequel. Gusto kong makita na nagmamahal sila ni Claudine ng walang problema. Huhuhu nalungkot ako kasi namatay yung tita niya. Pero naisip ko ang isang bagay, akala nung Mommy ni Russel patay na siya pero buhay pa. Yung feels ng ganun.
Claudine: Actually may mali eh kasi yung tumakas si Russel, iniwan niya yung phone niya sa bag ng Tita niya, pero naisip ko na dalhin na lang niya para makausap niya si Claudine. Pwede pa namang iedit pag ilalagay na sa wattpad.
Russel: Ganun ba? Masaya ako para kay Russel but yung nangyaring tragedy kasi ang nagpalungkot.
Claudine: Hindi naman talaga namatay yung tita niya kasi hindi din siya tumuloy. Umuwi siya ng probinsya, kasi nainis siya kay Russel tapos hindi na niya kinontak yung mommy ni Russel. Kaya magugulat silang lahat pag nalaman nilang buhay pa pala hahahaha!
Russel: Talaga? Sige sige.
Claudine: Pag iisipan ko hahahaha!
Russel: Buhayin mo na para happy ending sila please!
Claudine: Hindi naman dapat masunod ang gusto natin dahil sa totoong buhay, walang nangyayaring perpekto.
8:48 PM
Russel: Story lang naman eh
Claudine: Oo nga story lang, wala naman talagang namatay diba? Fictional character lang yung tita niya.
Russel: Syempre! Ewan! Hmp
Claudine: It will be expanded. Baka first person POV na lahat.
Russel: I know kaya masyadong matino si Claudine kasi ganun ka din diba? Ang sweet mo talaga
9:14 PM
Claudine: Story lang yun.
Russel: Pero andoon yung message mo na dapat hindi nagtatake advantage ang mga lalake
Claudine: Dahil yun ang tama pero kahit ako nasa kalagayan nung lalake, hindi ko alam kung magagawa kong hindi makipag sex.
Russel: Kay Russel?
Claudine: Oo sa totoong buhay.
Russel: Nakakainlove naman si Claudine haaay
9:23 PM
Russel: Sana mahanap ko na ang Claudine ng buhay ko
Russel: Ano ba yan
Russel: Ayaw na magreply
Russel: Makatulog na nga
9:40 PM
Russel: Goodnight
Claudine: Pabebe yung topic, eh ayoko ng ganun.
9:59 PM
Claudine: Goodnight!
Russel: Ewan
Claudine: Kailangan ba kitang sakyan dahil hindi mo pa nakikita yung Claudine ng buhay mo?
Russel: Ganto lng kmi pro
Claudine: Huh
10:15 PM
Claudine: Goodnight!
____
Sana nag enjoy kayo. Sensya natagalan. Medyo mahaba ngayon dahil sa story. Share your feelings about it. Wala akong maisip na plot eh hahaha! Salamat sa nagbabasa pa. Hindi mahalaga minsan yung ganda ng twist. Ang mahalaga yung message. Lalo kasi tayong mapapahamak kung gagawa tayo ng mali. Medyo kailangan lang na magkatuluyan sila kaya may accident. Parang ALDUB. Haha!