If You Could See Me Now (Comp...

Por picea_glauca

1.3K 82 112

Cathy's life is quite simple. She works at a coffee shop in their townhouse. She would rather stay at their h... Más

WARNING❗❗❗
Prologue
chapter one
chapter two
chapter three
chapter four
chapter five
chapter six
chapter seven
chapter eight
chapter nine
chapter ten
chapter eleven
chapter twelve
chapter thirteen
chapter fourteen
chaptrer fifteen
chapter sixteen
chapter seventeen
chapter eighteen
chapter nineteen
chapter twenty
chapter twenty one
chapter twenty two
chapter twenty three
chapter twenty four
chapter twenty five
chapter twenty six
chapter twenty seven
chapter twenty eight
chapter twenty nine
chapter thirty
chapter thirty one
chapter thirty two
chapter thirty three
chapter thirty four
chapter thirty five
Epilogue (part II)
Epilogue (part III)
a/n

Epilogue (part I)

24 0 0
Por picea_glauca

Good day, everyone! Epilogue na! It's Aaron POV. This epilogue will have  part one, two, and  three. 💚

Aaron Pov:

"Dahil naglalaan tayo ng segundo, minuto, at oras sa bawat araw para maghintay ng isang taong mahalaga sa atin kahit na hindi tayo sigurado kung kailan sila darating." Hinaplos ni mommy ang pisngi ko. Palagi niya akong binabasahan ng mga pabulang kwento bago ako matulog.

"Kaya po ba naghintay pa rin si kuneho na darating ulit si pagong kahit na alam niyang hindi na ito babalik dahil sa mga sinabi niya?"

"Mahalaga si pagong kay kuneho kahit pa masasakit 'yong mga sinabi niya dito. Tama po ba?" Inaantok na ang boses ko, humikab ako at kinusot ang mga mata para pigilan ang antok. Gusto ko pang makinig ng mga kwento ni mommy, after nitong weekend, isang linggo ulit ang bibilangin ko bago ko sila makasama. Pareho silang attorney ni daddy at meron daw silang inaayos na case kaya naiiwan ako sa bahay nila Val—ang matalik kong kaibigan.

"Tama. Ang galing naman mag analyze ng mga bagay-bagay ng baby namin. Kiss nga si mommy," hinalikan niya ng ilang beses ang pisngi ko. "Manang-mana ka talaga sa amin ni daddy, bagay na bagay sa'yo maging attorney."

"I want to be an engineer." Pagtutol ko sa sinasabi ni mommy.

"Oh you can be an engineer too after studying law. Come on, sleep," I yawned and slowly close my eyes. I heard mommy whisper I love you to me.

I woke up because someone is jumping on my bed. "Aron, wake up! It's already 8 in the morning. Sabi ni mommy, dapat daw maaga bumangon ang mga bata." Hindi na ako nagtanong sa sarili kung sino ang may lakas loob na pumasok dito sa kwarto ko. Iisa lang naman ang kaibigan ko.

"Stop it, Val. Nahihilo ako sa ginagawa mo and please, I'm not a kid." Bumangon ako mula sa pagkakahiga at kinusot ang mga mata. Nandito na sila Val it means nakaalis na naman sila mommy, hindi man lang ako hinintay magising but I understand them. I have to understand them.

"Seven years old ka pa lang," humiga si Val sa kabilang espasyo ng kama. Nakadekwatro ang mga paa habang nakataas ang mga kamay.

I sighed. "Do you want to be an engineer just like your dad?" I asked him.

"Ayoko," umiling ito at ngumuso sa harap ko. "I want to be a doctor. Gusto ko mag-alaga ng mga taong may sakit lalo na sa mga bata." Ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Maloko si Val pero alam kong mas matured na siya mag-isip sa ibang batang kaedaran namin. Were just seven but acting like adults.

"You want to be a pediatrician, I see..." Tumatango-tango kong sabi.

"Ganon ba ang tawag don?" He asked and I nod. I saw him smiling a bit, "then I will be a pediatrician someday. I will take care of them and ease their pain." There's a hint of determination in his eyes.

Bumaba na kami nang tawagin kami ng mommy ni Val. Just like what we always do every weekdays. Kakain ng almusal para sa pagpasok. Hindi nagbago ang gawain na 'yon hanggang ngayong grade ten na ako. Minsan ko na lang din nakikita sila mommy, once a month? I don't know, hindi ko na napapansin ang araw na wala sila. I will just woke up na nasa bahay sila and the other day they will leave again. Hindi nawawala ang suporta nila sa akin but their presence that I needed the most were absent. They're always busy with their works and the lawfirm. Sa tuwing nagkikita kami kapag may mahalagang okasyon palagi nilang ino-open up ang pagsunod ko sa yapak nila. They want me to be an attorney just like them but I don't want to! Katulad ngayon, galit na nakatingin sa akin si daddy. Napangiti ako ng mapakla at napailing ang ulo.

"Mag aabogado ka, Adrianne Aron! Sa ayaw at sa gusto mo! Nag-iisa ka lang na anak namin at walang ibang hahawak ng lawfirm kapag hindi na namin kayang magtrabaho kundi ikaw!" Sigaw niya. Ngayon lang sila umuwi dahil new year tapos ganito pa ang mangyayari.

"I don't want to be an attorney, Dad." I calmed myself. It's not the first time we argued because of this damn topic.

"And what do you want to be? A vocalist of that damn band? Are you out of your mind? Hindi ka yayaman dahil sa pakanta-kanta mo!" Mariin akong napapikit. I want to tell him that at least, my band is always there for me. Sila ang kasama ko sa ilang taon ng buhay ko unlike them na uuwi lang kapag may okasyon. Ohhh I mean special occasion like chritmas and new year. Nalimutan na nila ang birthday ko but im okay with that.

"Stop it, Nick." Mommy butt in. Tumingin siya sa akin but I look away. Lumayo na ang loob ko sa kanila, kung dati ay parati kong hinihintay ang pag-uwi nila ng weekend ngayon ay hindi na. Nasanay na ako na mag-isa lang sa bahay o kaming dalawa lang ni Val.

"Tigilan mo na ang pagkanta sa banda na yan, I'm telling you hindi mo magugustuhan kapag may ginawa akong aksyon laban diyan." Banta ni daddy bago umalis sa lamesa. Nandito kami sa garden para sana salubungin ang bagong taon ng sama-sama but it turns out other way around. Nagkasagutan kami ni daddy.

"Aaron," lumapit si mommy but I just shook my head.

"I'm sorry, I'm tired." I said before heading to my room.

That night ended with me and my father had a fight. They leave when morning came. And as usual si Val lang ang kasama ko. Pumunta siya sa bahay para makikain daw ng handa namin.

"Ang sarap nitong graham tapos hindi niyo man lang nabawasan," komento niya pagkatapos sumubo ng graham na ginawa ni mommy.

"Patay gutom ka lang talaga," asar ko.

"Hoy, hindi ah!" Sigaw niya at muntik pang mabulunan dahil may laman pa ang bibig niya ng sumigaw siya. I just shook my head with a small smile plastered on my lips. Val could pass to be a clown.

Pinagpatuloy ko ang pagkanta sa banda, palagi kaming kumakanta sa isang bar na hindi masiyadong kilala. I don't mind the money they will give me, I just want to sing.

"How are you?" Dad asked me with his calm voice. I'm shocked to be honest. What's in the world right now? I heared it right, aren't I ? Were having a dinner outside our house. Nagising na lang ako na nasa bahay na sila. I don't have any idea what is the occasion right now.

"I-Im fine," I stuttered. I closed my eyes firmly and put down the utensils. "I'm fine," I repeat clearly.

He nod and smiled a bit. I shifted my gaze with mom who's now smiling. I'm confused, my brows furrowed as I look at her, she just give me her sweetest smile before asking.

"What?" she mouthed. I shook my head. Up until now I couldn't believe that they are here in front of me without any occasion. Just sitting and eating like a simple dinner which is usual because we're family.

"I heard you're valedictorian in your class?" Daddy asked and there's a hint of happiness in his voice.

"Ah, y-yes. Next week is our graduation." 

"Oh my! And you didn't bother to tell us, baby!" Mommy said, almost shouting because she's shocked.

I smiled a little, "you're always busy." I stated the fact. We become silent until we finished the food.

"Can I have a drink with you?" Daddy asked when I was about to get inside.

"Sure," I followed him to the pool area. May alak na nakapatong sa isang lamesa. Umupo ako at kinuha ang baso na sinalinan niya ng alak.

"What really do you want to be?" Daddy asked after being silent in a minute.

I smile, "I want to be an engineer." I said as I drink the last liquor in my glass. Sinalinan ulit ni dad ang baso na hawak ko. Tumaas ang kilay ko, nakita niya siguro 'yon kaya natawa siya ng marahan.

"Hindi ka naman lasinggero hindi ba?" He playfully asked. I shook my head for answer.

He sighed afterwards. "Do whatever you want, pursue your dreams." He said in a low voice. "Sorry for being a jerk father." He let out a low chuckle but I couldn't laugh with him nor smile because I sense that there is a problem behind his smile.

"I really don't mind. I won't follow you either." I joked, half meant. I saw how his lips curved a small smile before barking a laugh and this time my lips formed into smile.

"Damn, you're really are my son."

"Yeah, indeed..."

We become silent again. "What's the problem?" I asked.

"Huh? There's nothing... Just tired handling the lawfirm," aniya at nag-iwas ng tingin. "Btw, may nililigawan ka na ba?" Balik na tingin niya sa akin kaya ako naman ang nag-iwas ng tingin.

"Wala, hindi ko pa nakikita ang babaeng para sa akin." It may sound corny and unusual but I want my first girl to  be my last. Kung manliligaw man ako ng babae, kung magpapakita man ako ng motibo na gusto ko siya—I want her to be my wife. I don't want to hurt their feelings, the thought of my girl crying because of me being a jerk is hurting me too because it is like that I'm hurting my mother too. "Wala pa akong balak na pumasok sa isang relasyon." Dugsong ko.

I heard him laughed again. "Why so happy, Dad?" I asked flatly.

"Nothing." Tumawa ulit siya pagkatapos non. "You can't  easily say you're not ready to enter a relationship. Once you fall in love all you want to do is to be with her. To have a right to call her you're mine. To show everyone that she's yours." There's a seriousness in his eyes even though his lips is on his smile. Tumayo siya at tinapik ang balikat ko, "can't wait to see my son falling in love with the girl. Expect us to your graduation day. Congratulations, son." Aniya bago umalis.

"Thank you," I whispered.

Hindi ko akalain na 'yon na din ang una at huli naming pag-uusap pagkaraan ng ilang taon. Ganon din kay mommy na nakausap ko rin ng gabing 'yon pagkapasok ko sa loob. Bumalik sila sa Manila pagkaumaga pero hindi katulad noon, hinintay muna nila akong magising bago nagpaalam na aalis na sila. I was nourished with hope that after my graduation our family will become whole again. Mommy is pregnant with my sister. It's miracle because she's already in her forties —forty three to be exact. Maselan ang pagbubuntis niya at kailangang sa Manila ang check up dahil nandon ang ob niya.

"Babalik kami sa graduation mo," mommy said before hugging me. I hugged her back and kissed her temple.

"Take care yourself and the angel inside your womb." I seriously said. She giggles and kissed my cheeks too.

"Yes, ofcourse! Who wouldn't believe na makakabuo pa pala kami ng daddy mo," she plafully said. Nag-iwas ako ng tingin at hinatid na siya sa passenger seat. Sinarado ko ang pinto pagkatapos halikan ulit ang ulo ni mommy. Bumungad sa akin si daddy na nakangiti paglingon ko.

"You're Mommy," he shook his head. I shrugged my shoulder saying it was okay. Mag-asawa sila at normal lang naman 'yon, it's not bigdeal. Im in my right age to know that kind of things. I'm not fvcking innocent!

"Take care," I said.

"Thanks son, wait for us," niyakap ako ni dad. I hugged him too and tap his shoulder.

Umalis sila at naiwan akong masaya. There's a fvking unshed tears in my eyes and those unshed tears were flowing just like a water in the falls right now. My parents, they met an accident when they're heading back to this place. It was my graduation day when that accident happened. Oh god! Kung alam ko lang na ang kapalit ng pagkakabati at paglalapit ulit ng loob namin ng magulang ko ay ang kanilang buhay, mas gugustuhin ko pang hindi na kami nag-uusap. Mas gugustuhin ko pang manatili ang ganong klase ng set-up sa pamilya namin. At ang munting anghel na sana ay kapatid ko, hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataon na masilayan ang mundo!

You're unfair, fvking unfair! Hindi mo na sana ako hinayaang sumaya pa kung panandalian lang naman ito at ang kapalit ay ang buhay ng tatlong taong mahalaga sa akin!

"Bro, let's go. Hindi ka pa kumakain simula kahapon. Ni hindi ka pa nga umuuwi sa inyo, gusto mo bang butasin yang atay mo?" Inagaw sa akin ni Val ang bote ng alak na hawak ko. And yeah, it's true, kahapon pa ako hindi kumakain at umuuwi sa bahay, pati ang pagbibihis ng damit ay hindi ko pa nagagawa.

I am a mess, nanatili lang ako dito sa sementeryo —ohh, umalis ako saglit para bumili ng mga alak. Dito ako nanatili simula kahapon ng mailibing sila. Damn this heart, will you please stop throbbing? It hurts like hell! Or will you please stop beating? Wala ng rason para mabuhay pa. Tinungga ko ang isa pang bote na nakuha ko sa lapag pero wala ng laman, out of frustration, tinapon ko ang bote.

"Hala! Gago, bakit mo tinapon? Baka makasugat 'yon sa mga pupunta dito!"

"Physical pain is much better that this damn emotional pain I am feeling." I murdered and sighed.

I looked up into the sky. Mom, Dad, our Angel, are you there? Pwede niyo na ba akong dalhin diyan? I'm tired always being left hanging and miserable.

"Aaron, tayo na pare. Kailangan mong magpatuloy sa buhay. Hindi matutuwa ang parents mo dahil diyan sa ginagawa mo at ang baby niyo? Sa tingin mo ba magiging proud yon kapag nalaman niyang lasinggero na ang kuya niya?" Pilit akong tinatayo ni Val at dahil wala na akong lakas ay nagtagumpay siya.

"But the question is; makikita ba niya? Makikita pa rin ba ng kapatid ko kung maging lasinggero man ako? Nang magulang ko kung mananatili akong ganito?" Mapakla akong tumawa. Hindi, hindi na nila ako makikita pa kahit na lumuha ako dito ng dugo, hindi ko na mababalik pa ang buhay nila.

"Pero —"

"Stop!" Pinutol ko ang sanay sasabihin niya. "Hayaan mo akong magluksa kahit hanggang ngayong linggo lang." Magluluksa ako hanggang ngayong linggo dahil pagkatapos nito ay magpapatuloy na ako. Itutuloy ko ang pag-aaral sa Manila at doon hahanapin ang isang tao, tatanungin ko siya sa lahat ng nalalaman niya at kung kailangang pigain ay gagawin ko.

Senator Altayde, that was the text I received from mom. I don't know what it is, hindi ko alam kung sino siya pero may kutob ako na may alam siya sa nangyari sa magulang ko. Hindi normal na aksidente ang nangyari dahil napakaimposible na madidisgrasya sila ng ganon na lang knowing na dating racer si daddy. Hindi masama ang panahon at sigurado akong mabagal lang ang kanilang patakbo lalo na at buntis si mommy sa kapatid ko at naghihintay ako sa kanilang pagdating.

Siguraduhin mo lang na may isasagot ka, Senator Altayde, kapag tinanong kita...

Seguir leyendo

También te gustarán

3.3M 271K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
3.5M 220K 94
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
7.3M 302K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
3.9M 159K 69
Highest rank: #1 in Teen-Fiction and sci-fi romance, #1 mindreader, #2 humor Aaron's special power might just be the coolest- or scariest- thing ever...