Unlock to Love Again

Galing kay AndreaMaxima

4.5K 202 137

Unlock to Love Again by AndreaMaxima (Wattys 2021 shortlist) Simple lang naman ang magka-crush. Kapag nak... Higit pa

UNLOCK TO LOVE AGAIN
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
WAKAS

KABANATA 44

52 2 0
Galing kay AndreaMaxima

KABANATA 44

Kanina pang gising ang diwa ni Ryma pero hindi niya magawang bumangon. Ayaw niyang umahon sa kama hindi dahil masakit ang pang-ibabang parte ng katawan niya kundi dahil hindi niya alam kung paano haharapin si Jessie.

Iminulat niya ang mga mata at bumungad sa kaniya ang natutulog na mukha ni Jessie. Ang himbing ng tulog nito. Parang walang ginawang kababalaghan kanina.

Tumihaya siya at nagtalukbong ng kumot. Hubad pa siya pero wala na siyang pakialam doon. Natulala siya sa nangyari. Paano nga ba siya ulit bumigay sa binata? 

Marahas ang naging paggalaw niya at impit na napatili pero naging daing iyon nang bahagyang kumirot ang maselang bahagi ng katawan niya. Paano ba namang hindi siya magwawala? Naalala niya ang ginawa nila kanina. Hindi niya inasahang ganoong kapusok ang binata sa kama. Tumalikod siya sa lalaki at pinagnilayan ang mga ginawa niya kanina. Napapikit siya nang maalala na naman ang karupukan niya.

Nakita ni Jise ang akin ’tapos… nakita ko ’yong kaniya. May nangyari sa amin dito sa kama niya!

Hindi naman siya lasing kanina pero para siyang nalasing sa kaunting haplos at halik ng binata. Dapat ay nasa katinuan siya pero bakit siya bumigay. Hindi naman siya nagsisi sa nangyari. Iyon nga lang, nangako siyang pagkatapos lang ng kasal niya gagawin iyon sa taong mahal niya.

Kinutusan niya ang sarili. Marupok kang nilalang!

Natigil lamang si Ryma sa pananakit sa sarili nang biglang pumulupot ang braso ni Jessie sa kaniya at idinantay nito ang binti sa hita niya. Kahit may takip na kumot, ramdam niya pa rin ang init na nagmula sa katawan nito.

“You’re bad. I expect a beautiful woman with messy hair in my bed. She will greet me with a sweet smile after… we made love in my bed but… look at my girlfriend right now.”

Siniko niya ito pero hindi naman nito naramdaman dahil makapal ang kumot. Kumilos siya palayo mula sa kasintahan para makawala sa yakap nito pero mas lalo lang hinigpitan ng lalaki. Kinapa pa ang mukha niya.

“Jise!”

“Tingnan mo? Inaaway mo agad ako,” natatawang anito.

Umirap siya. Hindi rin iyon ang inasahan niya. Akala niya ay susuyuin siya nito. Akala niya ay itatanong nito kung anong masakit sa kaniya. Akala niya ay mas mauuna itong magising at may pagkaing nakahain sa kaniya.

“Tigilan mo ako. Masakit... ang ano ko?”

Pigil ang tawa nitong tanong, “Ano?”

“Kainaman ka! Pinasok mo ’tapos ay hindi mo alam?”

Lumakas ang tawa nito at pinilit siyang iharap rito. Pinanatili niya namang nakatakip ang kumot sa buo niyang katawan. Baka masapak niya lang ito kapag nakita niyang pulang-pula ang mukha nito katatawa. Kung hindi lang masakit, pinagsisipa niya na sana ito hanggang mahulog sa sarili nitong kama.

Nang matahimik ito ay bigla na lang nitong hinila ang kumot mula sa ulo niya pero naging maagap siya. Napigilan niya agad iyon. Ayaw niyang makita ang binata.

“Ry, I want to see your face. Come on,” pilit pa nito sa kaniya.

“Pagkatapos mo akong tawanan?”

Nagpakawala ito nang malalim na hininga. “I’ll marry you.”

Natigilan siya sa sinabi nito. Parang bago sa kaniya ang mga salitang iyon. Nasapo niya ang dibdib dahil sa lakas ng tibok ng puso niya.  Dapat ay masaya siya dahil handa itong magpakasal sa kaniya at panagutan ang nangyari sa kanila subalit bakit umusbong ang takot sa kaniya.

Tila ay hindi pa handa ang puso niya para roon. Paano kapag naghiwalay pa sila? Paano kung dumating ang panahong mawala ang pag-ibig nila sa isa’t-isa? Paano sila lalayo sa isa’t-isa kung itatali nila ang mga sarili nila. Mahal niya ang lalaki pero hindi niya alam kung handa na ba siya ba siya para roon.

Hinawi nito ang kumot; sapat upang makita ang kaniyang mukha. “Mahal na mahal kita, Ry.”

Yumuko siya. Hindi niya kayang salubungin ang sinseridad sa mga mata nito. Tunay ang pag-ibig nito sa kaniya pero mas nangingibabaw ang takot niya.

“Kapag naka-graduate ka na at na-promote na ako, pakakasalan kita, Ry.”

Napapikit siya nang halikan nito ang noo niya. “Bakit ako, Jise? Hindi ako sobrang ganda. Talaga bang… sigurado ka na sa akin? Hindi naman kita pinipilit. Huwag… mong isiping kailangan mo akong pakasalan dahil may nangyari—”

Agad nitong sinapo ang mukha niya. Kunot na kunot ang noo nito. “Ryma, what are you saying? Nang malaman kong pag-ibig na ang nararamdaman ko para sa’yo, pakasalan ka agad ang unang pumasok sa isip ko.”

Napakagat-labi si Ryma. Paano niya ba tatapatan ang pagmamahal ni Jessie sa kaniya? Sana ay kung dumating ang panahong iyon. Sana ay kaya niya na. Sana ay hindi na siya takot sumugal.

Hinalikang muli ng binata ang kaniyang noo bago tumayo. Dahan-dahan na rin siyang bumangon habang hawak ang kumot sa bandang dibdib niya para hindi iyon matanggal sa kaniya. Ingat na ingat siya pero nanlaki ang mga mata niya nang makita ang maputi at matambok na pang-upo ng kasintahan sa harap niya.

“Bakit wala kang pundiyo? Kainaman na! Bakit hubo ka sa harap ko?”

Natatawa ito habang naghahanap ng damit sa cabinet nito. “Para namang hindi mo pa nakita kanina.”

Umiwas siya ng tingin. “Bakit hindi ka man lang nagtakip ng kumot o kaya nag-shorts man lang?”

“Inagawan mo kaya ako ng kumot. Baluktot na ako pero wala ka pa rin pakialam.”

Suminghap siya at tumingin sa binata. “Ang lakas ng aircon mo. Ang lamig!”

Nameywang ito at tumango-tango. Bigla na lang itong humarap sa kaniya. “Sige, hihinaan ko muna ang aircon bago ako magbihis ng—”

Napapikit siya nang mariin nang makita niya na naman iyon. Hindi niya na pinatapos sa pagsasalita ng binata at sunod-sunod niyang binato rito ang mga unan na nahagip sa kama.

Tawa lang nang tawa ang binata kaya lalo siyang nainis. “Ryma, huwag kang ganyan. Nahihiya ka pa. Nakita mo na ’to.”

Sumigaw siya, ”Utang na loob, Jise. Magdamit ka na!”

PAUWI na si Ryma galing school nang makasabay niya sa paglalakad si Andrius. “Uuwi ka? ’Di ba, may part time job ka pa?”

Tumango ang kapatid niya. “May nakalimutan lang ako pero babalik agad ako.”

Pinagmasdan niya ang kapatid. Mukha itong iritado. Lihim siyang natawa. Hindi ito mabilis mainis. Kung sino mang may kasalanan ng iritasyon nito, tutulong pa siya para asarin ang kapatid.

Nang makarating sa tapat ng bahay, nagkatinginan sila ni Andrius nang makitang bukas ang gate. Umusbong ang kaba sa dibdib niya. Hindi nila iyong iniiwang bukas dahil maraming magnanakaw sa paligid. Mabilis na tumakbo papasok ng bahay si Andrius.

Agad siyang sumunod at dumaan ang lamig sa buong katawan niya nang makitang magulo ang sala. Tiningnan niya si Andrius na mabilis na hinila ang kurtina sa bintana. Napatakip siya sa bibig nang makita niya si Ate Gielyn na nakahandusay sa sahig. Umaagos ang dugo mula sa tiyan nito at walang suot na damit pambaba.

Mabilis ang naging kilos niya. Agad niyang inampat ang sugat ni Ate Gielyn gamit ang kamay habang si Andrius naman ay pinulupot ang kurtina sa ibabang bahagi ng katawan ng kapatid.

“Anong… nangyari?” Tumulo ang mga luha niya.

May pasok pa ang mga kapatid niya at nasa tindahan pa ang papa niya. Dati ay kampante silang iwan si Ate Gielyn sa bahay dahil kaya naman nitong magluto at maglinis ng bahay. Hindi niya maintindihan kung bakit nangyari iyon sa kawawa niyang kapatid.

“Ate, dalhin natin siya sa ospital.”

Agad siyang tumango. Pulang-putla na ang mukha ni Ate Gielyn at namamawis na rin. Nang marating nila ang ospital, wala siyang pakialam kahit punong-puno ng dugo ang mga kamay niya. Tulo nang tulo ang luha niya habang nakaupo sa labas ng operating room.

Tinawagan na ni Andrius ang papa nila kaya tatlo na silang naghintay. Habang ang iba niyang kapatid ay umuwi sa bahay para maglinis at magtanong-tanong sa mga kapitbahay nila. Baka posibleng may nakakita sa gumawa ng karumal-dumal na krimen sa kapatid niya.

“Ate, uuwi muna ako. Nandoon na raw ang mga pulis. Nag-iimbestiga na,” imporma sa kaniya ni Andrius.

Nanginginig ang mga labing tumango siya. Tumabi sa kaniya ang ama at niyakap siya. Katulad niya ay puno na rin ng mga luha ang mga mata nito.

Gusto niyang tawagan si Jessie. Gusto niyang magsumbong pero kahit gawin niya iyon, hindi agad ito darating sa tabi niya. Kasalukuyang nasa Baguio ang binata at may tinatapos na proyekto roon. Ayaw niyang ma-distract ito sa trabaho dahil baka may mangyari pang masama rito.

Ilang sandali pa ay lumabas ang doktor at sinabihan silang naging matagumpay ang operasyon ng kapatid niya. Ilang beses siyang nagpasalamat sa Panginoon. Mabait pa rin Siya.

Umabot ng isang linggo ang pananatili ni Ate Gielyn sa ospital. Pagaling man ang sugat nito, lagi naman itong tulala. Pina-check up nila ito sa psychiatrist. Kahit maubos ang ipon nila, basta ay gumaling lang ang kapatid niya.

Sa araw na iyon ay ang resulta ng imbestigasyon sa kaso ni Ate Gielyn. Nang makita niya pa lang ang kalagayan noon ng kaniyang kapatid, alam niyang nagahasa ito. Nahuli na rin ang taong bumaboy sa dalaga at hindi siya makapaniwalang ang delivery boy ng tubig ang gumawa ng karumal-dumal na krimen na iyon. Ilang taon nilang pinagkatiwalaan ang lalaki pero agad iyong napalitan ng pagkamuhi.

Pangga, my client recommends me to his sister company. Guess what? I am taking that big project!

Mapait siyang napangiti sa message na iyon ng binata isang umaga. Parang mauubusan na siya ng lakas sa nangyayari sa buhay niya pero paano niya magagawang hilahin ang binata roon? Patuloy ang pag-akyat nito sa tuktok. Hindi niya kayang hilahin ito pababa para lang samahan siya.

Nagtipa siya ng reply. Congratulations! You did great!

Muli niyang tiningnan ang natutulog na kapatid. Kahit sa pagtulog ng kaniyang ate, parang may bumabagabag pa rin rito. Hinaplos niya ang noo nito.

Ilang sandali pa ay nag-ring ang cellphone niya. Agad niyang sinagot iyon nang mabasa ang pangalan ni Andrius sa screen. Akala niya ay magandang balita ang sasalubong sa kaniya pero parang gumuho ang mundo niya sa balita nito.

“Inatake sa puso si Papa, ate!”

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

2.4M 155K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
110K 1.8K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
242K 4.1K 40
Avyanna Andres and Markus Dwayne Madrigal