Unlock to Love Again

Galing kay AndreaMaxima

4.4K 196 137

Unlock to Love Again by AndreaMaxima (Wattys 2021 shortlist) Simple lang naman ang magka-crush. Kapag nak... Higit pa

UNLOCK TO LOVE AGAIN
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
WAKAS

KABANATA 37

52 3 0
Galing kay AndreaMaxima

KABANATA 37

Abala sa pagtakal ng buko juice si Ryma para sa mga bumibili. Paubos na ang buko juice sa containers pero hindi pa rin siya makapagtimpla dahil kay Jessie. Hindi kasi ito marunong magbiyak ng buko. Lagi na lamang natapon ang sabaw.

Nang mawalan ng customer, agad siyang lumapit sa binata. “Ako na diyan.”

Pawisan na si Jessie at namumula na rin ang mukha dahil sa init. “Baka… mataga ka.”

Inagaw niya ang gulok sa binata. “Sa tingin mo ba, hahayaan ako ng papa kong magbantay dito kung hindi ako marunong? Sige na, palit tayo. Ikaw ang magbenta sa mga customer. Dalawang takal sa isang plastic. Limang piso ang isa.”

“Are you mad at me?” mahinang tanong nito.

Natawa siya. “Magagalit ako kapag hindi ka pa kumilos.”

Wala na itong nagawa nang nagpumilit siya. Kanina ay ang lakas ng loob nito pero naglaho na iyon. Ramdam na ramdam niya ang pagkapahiya ng binata. Tahimik ito kapag nahihiya na.

Siya na ang nagbibiyak ng buko at sinalin sa container ang sabaw. Ito naman ang nagtimpla at nagbukas ng mga lata ng gatas. Nang makontento sa mga buko, kinayod niya naman ang laman.

“Pabili po!”

Bahagya siyang natawa nang mataranta si Jessie. Napasulyap siya sa mga bumili at isang grupo iyon ng mga kabataan. Napangiti siya nang pinagbulungan ng mga ito ang lalaki.

“Kuya, ngayon lang kita nakita rito. Bagong trabahador ka ba? Wala sina Andrius at Adrian,” sabi ng isang dalagita.

Mahinang tumawa si Jessie at umiling. “Manliligaw ako ng ate. Pa-good shot lang.”

Napalunok siya nang magtilian ang mga kabataan at napunta sa gawi niya ang paningin. Inasar tuloy siya ng mga ito. Hindi niya alam kung dahil sa panahon kung bakit nag-iinit ang pisngi niya.

“Sagutin na ’yan!” sigaw ng isa sa grupo. “Kailan mo ba sasagutin si Kuya Pogi?”

“Hey, no pressure for her.”

Mas lalong nagwala ang mga customer. “Englishero si Kuya. Kaya ginaganahan ako ditong bumili kasi puro mga guwapo.”

Nang mahimasmasan sa pakikipagkulitan, umalis na rin ang grupo. Lumingon sa kaniya si Jessie na malawak ang ngiti. Tinaasan niya lang ito ng isang kilay.

“Kailan mo raw ako sasagutin?” tanong ng binata sa kaniya.

“Akala ko ba, walang pressure?” Kinuha niya ang container at hinilera sa harap.

“Yeah, no... pressure.” Inayos nito ang clip fan sa banda nila.

“Oo nga pala, anong pinag-usapan ninyo ni Papa?”

Lumawak pa lalo ang pagkakangiti nito. “Secret!”

Hinampas niya ito sa braso. “Dali na!”

“Huwag kang chismosa!”

Napairap na lang siya. Mukhang walang balak si Jessie na sabihin sa kaniya ang napag-usapan nito at ng kaniyang ama. Hindi niya lang kasi maiwasang mag-isip. Nang matapos mag-usap ang dalawa, nakita niya ang pamumula ng mga mata ng kaniyang ama.


NAGSARA na si Ryma ng botique nang mahinang tumili ang isang sales lady na katrabaho niya. Tumaas ang mga kilay niya at tumayo para tingnan kung anong nangyari. Napasinghap siya nang makita si Jessie. Kagagaling lang nito sa opisina pero ang presko pa rin tingnan. 

Bumaba ang tingin niya sa isang bouquet ng roses na hawak nito. “Bakit… hindi ka sa waiting shed naghintay?”

Nakangising inabot nito sa kaniya ang hawak. “Maaga ang out ko kaya dumiretso na ako.”

Nanginig ang mga labi ni Ryma. Hindi naman sweet ang binata. Hindi niya lang inasahang bibigyan siya ng mga bulaklak.

“Sige ma’am, aalis na po kami. Enjoy your date po,” kinikilig na sabi ng mga katrabaho niya.

Aapela pa sana siya pero mabilis na umalis ang mga ito. Naiwan tuloy sila ni Jessie. Magsasara na ang mall kaya agad niyang inayang lumabas ang binata.

Pagkarating sa waiting shed, napansin niyang wala itong dalang motor. Lumingon siya rito pero ngumiti lamang ito. Hindi niya na napigilan ang sarili.

“Nasaan ang motor mo?”

Pinaglapat nito ang mga labi bago magsalita. “Iniwan ko sa parking lot ng building namin. We will commute. We’ll ride a taxi.”

Napasinghap siya. “Bakit? May motor ka. Bakit tayo mag-commute? Taxi pa! Mahal roon!”

Mahina itong tumawa. “Gusto ko pang maging girlfriend, asawa at maging ina ka ng mga anak ko. Ayaw ko namang masira ang lahat ng iyon dahil lang sa pagiging madikit ko sa’yo ngayon. Takot ako sa papa natin.”

Hinampas niya ito sa braso. “Anong papa natin? Patay ka roon kapag narinig ka.”

Itinaas nito ang kamay na parang gusto siyang kurutin pero binaba lang nitong muli iyon. “Go ahead. Ask your father. He wants me to call him papa.”

Napairap siya. Talagang itatanong niya. Mamaya ay nangarap lang ng gising si Jessie.

“Mag-bus tayo,” pahayag niya.

Kumunot ang noo nito. “I can’t let you. Maawa ka sa akin.”

“Anong I can’t?”

Huminga ito nang malalim. “Malapit tayo kapag ganoon. That’s what I am avoiding but you keep… teasing me.”

“Anong teasing?!” Nanlaki ang mga mata niya.

Saka niya lang napansing lagi nga nitong pinapanatili ang distansiya sa pagitan nila. Hindi gaya dating laging nakaakbay sa kaniya. Kahit nga ang pagkurot at bahagyang pagsabunot ay hindi nito ginawa.

“Taxi na lang. Ako naman ang magbabayad,” imporma pa nito sa kaniya.

Umiling siya. “Mag-bus nga. Kung gusto mong mag-taxi, ikaw na lang.”

Nang may humintong bus, agad siyang kumilos. Nakipagsiksikan siya sa ilang pasahero sa pagsakay para hindi maubusan. Pahirap pa ang dala niyang bulaklak. Kahit nasaktan sa ilang sumagi sa kaniya, hindi niya na lang pinansin. Akala niya ay hindi na siya makasasakay pero nasa likod niya si Jessie at hinarang nito ang braso para hindi siya masagi.

Nang makaakyat sa bus, nakatayo siya pati na rin si Jessie. Humarap siya sa binata at bahagyang tumingala rito. Napansin niya ang paglunok nito.

“Bakit hindi ka nag-taxi?” nakataas ang isang kilay na tanong niya.

“Don’t you ever do that again. Hindi ka talaga matutuwa sa gagawin ko sa’yo.”

“Ha?”

Napahawak si Jessie sa sandalan ng upuan nang biglang nagpreno ang driver. “Don’t leave me without saying anything. Kung hindi lang ako mabilis kumilos, naiwan mo na naman ako.”

Bahagya siyang natawa at napailing. Nag-drama na naman ang binata sa kaniya. Ito lang yata ang manliligaw na kilala niyang napaka-demanding.

Ilang sandali pa ay pumara si Jessie. Wala pa sila sa lugar nila. Nabigla na lang siya nang hawakan ng binata ang kamay niya at hinila siya pababa.

“Saan tayo pupunta?”

Pumara ito ng isang tricycle at pinasakay siya sa loob habang ito naman ay pumunta malapit sa driver para roon sumakay sa labas. Napairap na lang siya. Hindi man lang sinagot ang tanong niya.

Ilang sandali pa ay huminto na ang tricycle. Nang makababa siya ay biglang tumunog ang tiyan nang makita ang medyo may kalakihang lomi house sa harap niya.

“Jise!” tuwang-tuwang tawag niya.

Mahina itong tumawa. “Got you. You’ll like to eat here.”

Tumango agad siya at naglakad papasok. Matagal na siyang hindi nakakain ng loming Batangas kaya walang pagsidlan sa puso niya ang saya. Amoy pa lang ng lomi ay nagpatakam na sa kaniya.

Hanggang sa nakaupo sila at nag-order, hindi matanggal ang ngiti sa kaniya. “Paano mo ’to nahanap, Jise?”

“Well, I just searched it to the internet. Gustong-gusto mo rito kaya madalas kitang dadalhin dito.”

Napangiti siya lalo. Lahat na lang ay ginawa ng lalaki para lamang ma-impress siya. Ganoon pala manligaw ang best friend niya.

“Ma’am at sir, baka gusto ninyo pong i-try ang super jumbo challenge namin? Within 8 minutes, kailangan ninyo pong maubos ang super jumbo lomi.”

Bigla siyang nanabik. Sa tingin niya ay kaya niyang ubusin iyon. “Try ko.”

“What?!” gulat na gulat na tanong ni Jessie.

“Anong prize?” tanong ni Ryma.

“Twenty free coupons po rito sa ating lomi house.”

Napangiti siya. Kung mapalanunan niya iyon, iwas gastos. Balak niya rin kasing dalhin ang pamilya niya sa kainan.

“Ako rin,” sagot ni Jessie sa waiter.

Napalingon siya sa binata at malawak ang ngisi nitong nakatingin sa kaniya.

“Right away, ma’am at sir.”

Nanatili ang tingin niya sa binata kahit nakaalis na ang waiter. “Kaya mo?”

Nagkibit-balikat ang binata. “I’ll try. May naisip kasi ako. Paunahan tayo. Kung sinong manalo, bibigyan ng isang hiling ng natalo o kaya sasagutin ang tanong. Game?”

Malawak siyang ngumiti. “Game! Ano bang hiling mo o tanong mo?”

Bahagya itong dumukwang palapit sa kaniya at matamis na ngumiti. “May pag-asa ba ako sa’yo?”

Umiwas siya ng tingin at pekeng tumawa. Hindi niya inasahan ang tanong na iyon. Kapag sinabi niyang may pag-asa ito parang sinagot niya na rin ang panliligaw nito.

Pagkalipas ng ilang sandali, dumating na ang order nila. Umusok pa iyon sa init. Sinimulan niyang magtimpla ng toyo, kalamansi, sibuyas, sili at sinangag na bawang saka ibinuhos iyon sa lomi.

“Start ko na po ang timer. In three, two, one… go!”

Agad silang sumubo. Napaso pa ang dila ni Ryma dahil sa init pero hindi niya iyon pinansin. Hinalo-halo niya na lang para mawala ang init habang sumusubo. Natawa pa siya dahil pinagtitinginan sila ni Jessie.

Nang sumilip siya kay Jessie, kunot na kunot ang noo nito habang patuloy sa pagsubo. Mukhang ayaw magpatalo. Hindi rin naman siya magpapatalo.

Hanggang sa isang minuto na lang ang natitira. Paubos na ang kay Ryma pero ang kay Jessie ay kalahati na lang. Para na rin itong masusuka sa sobrang dami ng kinain.

“In five, four, three, two, one!” bilang ng mga tao.

Napatayo si Ryma nang una niyang maubos ang kaniya. Uminom agad siya ng tubig at nagpunas ng tissue sa bibig. 

Tumawa si Ryma. “Ako ang nanalo, Jise! May wish ako sa’yo pero saka ko na sasabihin. Wala pa akong maisip.”

Uminom na rin ng tubig ang binata at nagpunas ng bibig. Mukha itong dismayado sa nangyari. “I love you!”

Malakas iyon kaya nagtilian ang mga customer. Napaupo naman agad siya dahil sa atensiyong nakuha. Para kasing hindi niya kakayaning tumayo. Nanginig ang mga labi niya at sinapo niya ang dibdib niya. 

Tumalon na yata talaga ang puso ko!

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

8.2K 158 14
A DONBELLE SERIES (Short Story) Natalia and Jayden ay masayang nagsasama bilang mag-asawa. Hanggang sa gustong tuparin ni Natalia ang pangarap niya...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
4.6K 670 41
CHASING SERIES #1: ENVY OF THE MOON Iamellia Rae Cernal, a girl known for her love of sleep, never let her drowsiness hinder her from excelling in he...
122K 1.9K 23
/18+/Completed/ The young Don of Villa Chingar.The strict and the cold-hearted one,gusto niya palaging nasa ayos ang lahat ng trabaho at malinis.Wala...