Runaway #3: The Runaway Wife...

By theservantqueen

4M 96.1K 21.2K

Started: February 10, 2021 Finished: August 13, 2021 More

The Runaway Wife
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Wakas
^⁠_⁠^

Kabanata 21

61.2K 1.7K 129
By theservantqueen

MAKIRAMAY

"Mama, saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ni Amer nang binihisan ko siya.

Hindi ako nagsalita at nagpatuloy lang sa ginagawa. Wala akong lakas upang makipag-usap o hindi kaya ay makipagtalo kay Harry. Hindi ngayon. He just lost his father at alam ko na masakit iyon. Sumikip ang dibdib ko nang naalala ko na naman ang kanyang hagulhol at tumayo matapos kong maayusan si Amer.

Ramdam na ramdam ko ang sakit na naramdaman ni Harry dahil kinabukasan ay naging tahimik na siya. Hindi rin siya kumakain at nakahiga lang sa upuan na parang may malalim na iniisip.

At ngayon, balak niyang umuwi para makita ang ama sa huling pagkakataon. Kailangan ko rin siyang samahan dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kanya sa gitna ng kanyang byahe. At isa pa, naging pamilya ko rin naman pansamantala ang pamilya ni Harry. Hindi ito ang oras para mag-inarte ako. Babalik lang din naman kami ng anak ko pagkatapos siguro ng libing.

"Mama, bakit po malungkot si Papa?" tanong muli ng anak ko.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko Huminga ako nang malalim at saka siya tiningnan.

"Ipapaliwanag ko sa iyo mamaya, anak. Sa ngayon, puwede mo bang puntahan ang Papa mo?" tanong ko at sumulyap sa may pintuan. "Para hindi na siya maging malungkot."

Agad tumango ang anak ko at lumabas ng kuwarto. Bumuntonghininga ako at napaupo sa kama. Bumalik muli sa isip ko ang kagabi.

Kailan niya nalaman? Nasa gitna ba siya ng byahe nang nalaman niya iyon? Kasi kung nasa kanila pa sila nang nalaman niya, dapat hindi na siya umuwi rito.

Harry might be a jerk. He might be harsh and rude, pero may pakiramdam din naman siya na hindi ko akalain na mayroon pala siya. Alam ko kung gaano kasakit mawalan dahil naranasan ko na rin iyon.

Paano na kaya si Tita Fely? Ayos lang kaya siya? Hindi ko alam kung ano ang totoong relasyon nila ng asawa niya pero arrange marriage lang ang dalawa kaya siguro hindi kailanman nakaramdam si Harry ng pagmamahal mula sa magulang. Masakit din siguro ito para sa kanya.

Nailagay ko ang kamay ko sa tapat ng aking dibdib at pinakiramdaman ang pagkirot nito. Siguro kailangan ko munang damayan si Harry.

***

Bumyahe kami patungo sa Cebu City ng tatlong oras. Tahimik lang na nag-drive si Harry habang ako ay nasa front seat. Si Amer naman ay nasa kandungan ko. Sa tatlong oras na byahe namin, hindi siya umimik at ramdam ko ang panlalamig niya sa amin.

Saglit kong sinulyapan ang walang emosyon na si Harry bago ako nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang umapak muli sa mansyon. Marami akong hindi magandang alaala. Wala na akong balak magbalik pa rito ngunit kailangan.

Maraming mga tao ang nakiramay sa pagkamatay ng daddy ni Harry. Nang dumating kami ay halos dumugin ang buong mansyon dahil sa dami ng tao. Hindi ko rin maiwasan ang mamangha sa mansyon dahil sa loob ng ilang taon, kita ko ang pagbabago nito.

Tuloy-tuloy lang ang paglalakad ni Harry kaya naiwan niya kami. Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan na lamang siyang naglalakad papasok sa loob na walang tinitingnan kundi ang kanyang dinadaanan.

"Mama, bakit hindi namamansin si Papa?" Hinila ni Amer ang laylayan ng damit ko. "Bakit marami pong tao sa bahay na ito, Mama?"

Hindi na namin sinundan si Harry at hinarap na lang ang anak ko. Umupo ako para maging ka-level niya ako. Hinaplos ko ang kanyang buhok at sinalubong ang kanyang kuryosong mata.

Huminga ako nang malalim. "Anak...kasi..." Kinagat ko ang labi ko. "W-Wala na kasi ang daddy ng Papa mo..."

Kumunot ang noo niya. "Nasaan po siya, Mama?"

Napanguso ako at pinigilan ang sarili na maluha. "N-Nasa heaven..."

Akmang magsasalita na sana ako nang mahagilap ko ang isang killer heels malapit sa amin. Kumunot ang noo ako at unti-unting tumingala.

Umawang ang labi ko nang nakita ko si Ella, ang girlfriend ni Harry dati, o baka naman hanggang ngayon. Ibang-iba na ang aura niya ngayon. Mas lalo siyang gumanda at sumexy. Maikli ang straight niyang buhok at pulang-pula ang labi.

Umangat ang gilid ng labi niya nang nakita ako. Umangat ang kanyang kilay at humalukipkip sa amin. Pinasadahan niya ako ng tingin bago inilipat ang tingin sa anak ko na halos magtago na sa likod ko.

"Oh, you're here!" madramang sambit niya sabay ngisi. "Akala ko pa naman ay hindi na kita makikita. You look..." Natawa siya. "..."Haggard." Ngumiwi siya sabay irap.

Bumaba ang tingin ko dahil sa kanyang pang-iinsulto.

"Hindi kami nagpunta rito para manggulo—"

"Sino naman ang nagsabi na manggugulo ka?" Ngumuso siya. "You are not welcome here, girl."

"Uuwi rin naman kami agad," ani ko dahil ayaw kong makipag-away sa kanya. Alam ko rin naman na talo ako.

"Dapat lang na umuwi ka." Umirap siya. "Hindi man lang nag-improve iyang suot mo. Pang-manang pa rin! Mukha kang yaya ng anak mo."

Kumuyom ang kamao ko. Ayokong makipag-away sa kanya dahil wala sa tamang lugar at panahon.

"At obviously, dinala mo ang anak mo rito para makapunta ka," aniya. "Nagsisi ka ba na umalis ka?"

"Sino ka ba para kwestyunin ako?" Tumayo ako at humakbang palapit sa kanya. Nakita ko na nagulat siya sa pagtayo ko. "Hindi ako narito para manggulo. Wala rin naman akong business sa iyo. At isa pa, wala kang pakialam kung ano ang susuotin ko."

Kumalas siya sa pagkahalukipkip at nakipagtagisan sa akin ng tingin. "Oh, really? You stole my boyfriend."

Naalala ko na naman ang noon. Siya ang gusto ni Harry na maging ina ng anak niya. Naalala ko kung gaano sila ka-sweet sa isa't isa. Samantalang ako ay nakatago lang, pinagmasdan silang masaya sa isa't isa. Pero...

"Kabit ka lang," sambit ko. "Hindi ko sinulot ang boyfriend mo dahil hindi mo boyfriend si Harry noon noong nagpakasal kami."

Namilog ang mata niya sa sinabi ko at natigilan.

"Ano?"

"Hindi pa rin naman kami hiwalay. Pero huwag kang mag-alala, malapit na mangyari iyon," malamig kong sambit sabay baling sa anak ko na masama na ang titig kay Ella. Binalingan ko muli si Ella. "Sa ngayon, hayaan mo akong makiramay sa kanila. Hindi ito ang tamang lugar para pag-awayan ang isang bagay na hindi naman dapat inaawayan."

Hinila ko na ang anak ko at pumasok na sa loob ng mansyon. Hindi naman siguro kami mapapansin ng anak ko dahil na rin sa dami ng tao. Siguro titingin lang ako at uuwi agad.

At kung sila man ni Ella, wala nang dahilan pa si Harry para bumalik sa amin. Ayaw ko na rin siyang tanggapin.

"Mama, ang daming tao!" manghang sambit ng anak ko. "Mama, ang ganda ng bahay."

Inilagay ko ang aking hintuturo sa tapat ng aking labi. "Quiet, anak. Uuwi na tayo pagkatapos nito."

"Mama, hindi tayo sasabay kay Papa?" gulat na tanong ng anak ko sabay baling sa paligid. "Nasaan na po siya?"

Napalunok ako.

"D-Dito kasi nakatira ang Papa mo, anak. Tayo, sa probinsya tayo. Hinatid lang natin siya rito..." Humina ang boses ko sa huling salita.

Kailangan kong makita si Tita Fely para makiramay at ipakilala ko rin ang anak ko sa kanya. Iyon lang at babalik na kami.

"Bea, ikaw ba iyan?"

Napalingon ako nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Umawang ang labi ko nang nakita ko si Manang. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Nang kumalas ay masaya niya akong tiningnan.

"Hindi ko akalain na nandito ka!" Nagbaba siya ng tingin sa anak ko. "I-Ito na ba ang anak mo?"

Tumango ako. "O-Opo..." Nagbaba ako ng tingin kay Amer. "Magmano ka sa kanya, Amer."

Tahimik na sumunod ang anak ko. Marami ang nalungkot sa pagkawala ng daddy ni Harry. Marami na rin kasi itong natulungan kaya marami ang nalungkot sa biglaang pagkawala nito.

Nasa gilid lang kami, malayo kay Harry. Nakita ko siya na nasa harap ng kabaong, nakayuko at mukhang may malalim na iniisip.

"Mama, kailan tayo uuwi?" humihikab na tanong ng anak ko habang nakaupo kami sa may upuan. "Inaantok na ako, eh."

"Uuwi pa kayo, hija?" tanong ni Manang at nilapagan ako ng kape. "Dito na lang kayo. Hindi pa pala alam ni Ma'am Fe na narito ka. Sasabihin ko rin kapag nakita ko."

"Manang..." Nilingon ko siya. "Siguro uuwi na kami. Babalik na lang kami bukas o makalawa—"

"Hindi puwede. Narito ang asawa mo," ani Manang sabay iling. "At saka gabi na, delikado."

Kinagat ko na lang ang labi ko at hindi na nagsalita. Pinagmasdan ko na lang si Harry na nakaupo sa upuan kaharap ng kabaong. Hindi niya kinausap ang mga taong nagtangkang lumapit sa kanya. Sumikip ang dibdib ko at napalunok na lamang.

Ngunit sa gitna ng aking pagtingin, biglang lumapit si Ella sa puwesto ni Harry at umupo sa tabi niya. Napasinghap ako at nakaramdam ng kakaibang naramdaman. Saglit silang nag-usap at napaiwas na lamang ako ng tingin nang niyakap ni Ella si Harry at tinapik ang likod.

Hindi na dapat kami nandito pa. Babalik na lang siguro kami sa susunod. Inaantok na ang anak ko at wala na akong karapatang umapak dito simula nang umalis ako at pinirmahan ang papel na iyon. 

Continue Reading

You'll Also Like

26.1K 1.5K 37
(COMPLETED) Forbidden Love Series 1 Ericka Suarez, despite her young age, she has already faced a terrible tragedy. She blamed her friend Melody and...
2.9M 182K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
4.6M 120K 60
The Billionaire Series 2: Orion Rave Jarek Villarde-McGallster The story of an Italian Billionaire and the Thief. Amara Demalas is a sexy thief. She...