The Sky Falls

40 1 0
                                    


*6 month later*

**************************


Jared Vincent Chavez


Eto na ang araw ng misyon namin, sa sobrang bilis ng panahon? Hindi ko na namalayang anim na buwan na pala ang nakaka lipas matapos umalis ni Lauren. I knew that she's doing fine, I can watch her through the hidden cameras. Hindi ako manyakis okay? Hindi ko siya sinisilipan kapag nag bibihis siya. Muntikan ko lang makita, wala kase siyang pasabi na mag papalit na siya eh! Aba malay ko ba!




Pero ngayon, alam ko namang okay na siya. Alam kong umiiyak siya tuwing gabi, hindi ko man naririnig yung boses niya pero alam ko ay sa tuwing makikita ko yon ay nadudurog ako. Hanggang ngayon pa rin naman, wala akong magawa kase wala ako sa tabi niya para punasan ang mga luhang iyon. Kasalukuyan akong hindi maka tulog dahil kinakabahan ako, aba naman? Sino bang hindi? Delekadong misyon tong gagawin namin. Ayoko lang magpa kuha! Amputcha naman!





Habang abala akong mag senti mode, nag text sa'kin si Eros atsaka si West ng sabay. Tinatanong nila kung gising pa ako kaya nag chat ako sa group chat namin, hindi online si Thorin babes ko. Ano kayang ginagawa ng kupal na yon ngayon? Hindi pa rin siguro siya maka move on dahil hindi pumayag si Vice Commander sa gusto niya, ayaw niyang pasamahin si Dawn sa gagawin naming misyon ngayon.






Alam naman ng lahat na delekado to, pwede kaming mamatay o kung ano pa pero kung walang kikilos edi kailan pa matatapos tong gulo? Kapag patay na tayong lahat? Kapag naging halimaw na ang mga tao? Yon ba yung hinihintay niya? Hindi ko siya kinontra, tutal hindi naman sa'kin mang gagaling ang pasya I desisyon pero ang akin lang naman? Sama-sama kaming lahat dito! Para saan pa't nag training si Dawn kung hindi niya rin naman pala gagamitin?





Araw-araw siyang pagod, puyat atsaka may sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan tapos hindi naman pala siya sasama sa'min? Edi mukha siyang tanga non. Hindi ko to sinasabi dahil hindi ako maka relate, naiintindihan ko ang punto ni Thor kase kaibigan ko siya pero minsan ang bobo niya talaga eh. Anyway, hindi pumayag si Vice Commander sa gusto niya. Naki usap siya pati kina Tita Adrianna Pati tito Isaac pero baliwala.





"Tangina hindi talaga ako maka tulog'". Reklamo ko. Eh anong magagawa ko? Tangina kaseng kaba to eh! Pwede bang lubayan mo muna ako?! Kahit ngayon lang. Balik ka na lang ulit bukas.





Maya maya, biglang kumatok si Jacob. "Kuya! Yung mga chicks mo nandito! Nabuntis mo daw yung isa!". Sigaw niya. Bigla akong nataranta kaya agad akong nag tungo sa pintuan at pinag buksan siya, naalala kong anim na buwan na pala akong walang girlfriend kaya papaano ako makaka buntis? Gago tong batang to ah!




"Pengeng ten thousand pesos, hindi ako mag iingay kay dad pati mom". Ayan nanaman siya sa kalokohan niya. Kumunot ang noo ko habang pinag mamasdan siya, napaka utak ng bata na to. Akala niya naman mauuto niya ako, gusto ata nitong matulog ulit ng mahimbing.





"Jacob, nasa bakasyon yung girlfriend ko. Tantanan mo ko okay? Wala akong mabubuntis". Tugon ko sa kaniya. Tinawanan lang ako ng gago, isasarado ko na sana yung pinto kaso pinigilan niya akong gawin iyon.




"Joke kang yon pero talagang may nag hahanap sayo, si kuya Eros atsaka kuya West. Sinusundo ka nila, mag hahanap daw kayo ng chicks". Natatawang anunsyo ng kapatid ko. Huh? Yung dalawa nandito? Hinahanap pa lang nila ako ah? Anak ng mga tipaklong!





Agad akong nag suot ng matinong damit atsaka kinuha ang wallet ko, mga cellphone atsaka susi ng pinaka paborito kong kotse dahil baka itakas nanaman ni ate Riane yon. Baka kase nag bibiro lang siya, palagi pa naman tong malakas ang tama. Mas baliw pa siya kaysa sa'kin, simula noong nagka ayos kami ay hinahayaan ko na siyang mang gulo. Wala naman akong galit sa kaniya, lumaki akong nakukuha ang lahat ng gusto ko.






Under The Twilight Sky (KOV #3) Where stories live. Discover now