Rebel Royals

253 2 0
                                    







*******************






Aviery Louisse Cortez









My name is obviously written above but I'll still introduce my name since it's beautiful but too girly for someone like me if you're asking me for my own opinion, I'm Aviery Louisse Herrera-Cortez aka reyna ng Academy of Santa Monica here in Lemery, Batangas. This school is an all girls school originally but since nag palit na ng may ari ay nagkaroon na rin ng mga lalaking feeling gwapo at prinsepe kahit mga mukha naman silang alipin sa gigilid, don't get me wrong I believe in the word 'Equality'  but I prefer girl power so I don't let them bully girls kahit mga hoes ay pinag tatanggol ko pa rin regardless.








Naniniwala naman ako sa pantay na trato kaya lang mga sugo kase ni Satanas ang mga lalaking nag transfer dito, sila ang dahilan ng mga kaguluhan at panimula ng away sa buong campus. Sa lahat ata ng tao dito ay ako lamang ang hindi nila magawang hindi irespeto, why? Simply kase tatama sa kanila ang mala araw kong kamao. Kapag hindi sila nakatikim ng sikat ng araw mula sa mga palad ko ay ewan ko na lang, AL ang palayaw ko sa school pero sa bahay? Ang Aviery ay nagiging ABE–RIE na pero hindi ko alam kung bakit ganon ang pronunciation nila sa pangalan ko, I mean it's easy right?









Ako ang suprema dito, ako ang batas at ako rin ang kaisa isang babaeng kayang labanan tong mga alagad ng dilim mula sa impeyerno. Ah not to mention, may tatlo na akong ipinadala sa ospital at hindi ko na mabilang kung ilan ang muntik ng kunin ng bathala nila. Imagine kalabanin ba naman ang reyna ng eskwelahang ito? Hindi ako ang may ari pero close ko kase yung bago, why? She's my aunt, my favorite auntie Tosia Cortez. Kapatid niya ang tatay ko and kung itatanong niyo pa? Minsan pakiramdam ko ay siya ang tunay kong nanay, imagine she doesn't stop me from achieving my dreams and do what I really want while my parents themselves? Guess what? It's the opposite way.









Kasalukuyan akong nasa rooftop ng school habang pinag mamasdan ang mga estudyanteng papasok pa lamang, may mga lalaking hindi mo maintindihan kung bakit naka hikaw at walang proper hygiene. Napapa pikit ka nalang sa tuwing makikita mo sila, ayaw nilang sumunod sa rules at regulations ng school dahil masyado daw girly. Ginagawa nila lahat ng gusto nila kahit kailan, wala silang nirerespetong nilalang kahit na mga guro ay binabastos rin nila kaya I have to choice but to make them kneel down in front of me. Kung yung iba pumapayag na ganon? Ako hindi so get over it assholes, wala akong pakialam kahit sino pang Poncho Pilato ang ama mo o kahit si Corazon Aquino pa ang nanay mo dahil kapag nandito ka sa Academy of Santa Monica ay ako ang dapat mong katakutan.










Hindi ako makakapayag na sisirain ng mga ito ang eskwelahang kinalakihan at naka sanayan ko, I can still visit here tuwing wala akong pasok if ever na sa Maynila na ako magko kolehiyo. Depende pa kase yon sa budget, may sariling law firm ang mga magulang ko pero ayaw nila akong mag take ng ganon kagaya nila which is unfair and at the same time may maliit din kaming kumpanya. Si mama ang namamahala sa kumpanya habang si papa naman sa law firm, I wanted to help him but I know he'll only turn me down over and over and over again. Sangayon din doon si kuya Allard at ate Azalea, lahat sila laban saakin? Now isn't that wonderful?








Sa ngayon business at law ang pinag sasabay kong kurso kaya wala na akong panahon para humanap ng love life, isa pa hindi ako naniniwala sa forever pag dating sa pag ibig dahil kung ang mga unbreakable ngang suklay sa tindahan nina aling Chonang eh nasisira at nag hihiwalay, yung mag jowa at mag asawa pa kaya? Hindi naman ako bitter at nasubukan ko na ring maniwala sa ganiyan noon kaya lang hindi talaga to para saakin, o baka hindi pa dumadating ang para talaga saakin. I'm not getting my hopes up kase masakit kapag mali ang expections mo tapos hindi pala iyon ang realidad, ayokong masaktan kaya eto ako ngayon.












Under The Twilight Sky (KOV #3) Where stories live. Discover now