Day Breaks

43 0 0
                                    





**************************



Jared Vincent Chavez




Para akong Hari sa daan dahil wala akong pakealam kahit may nauuna sa'kin, pinaharurot ko ang sasakyan ko patungong Cielo para masigurado kung tama nga ang sinasabi ni Nikka. Hindi ko pinag isipan ng masama ang mga kapwa ko agent pero sa unang pag kakataon, binigyan nila ako ng dahilan para huwag mag tiwala ng lubos. Ang misyon na tinutukoy ni Nikka ay ang pag hiwalayin kami ni Lauren, maaaring si Luther nanaman ang may pakana non.





Alam ni Vice Commander na hindi ko kayang mawala si Lauren pero pumayag siya at ginamit niya ang kasamahan ko dahil alam niyang hindi ako nananakit ng kapwa ko, ginagamit niya ang mga kahinaan ko laban sa'kin. Hindi ko na alam kung ano ba dapat ang una kong maramdaman, paulit ulit kong naalala ang mga sinabi niya sa'kin at walang tigil ding kumikirot ang puso ko dahil doon.






Pag dating ko sa Cielo, agad akong nag suot ng pormal uniporme. Isang beses ko pa lamang ito nagagamit, noong naging isang ganap na akong Cielo agent katulad nila Thor, Eros at West pati na ang iba pang kasabayan namin. Dalawa lamang ang gamit ng pormal na uniporme, una kapag pinatawag ka ng mga bathala at ang pangalawa naman ay dahil ganap ka ng kasapi ng organisasyon.






Haharap ako kay Vice Commander bilang code XLII at bilang si Jared, marami-rami siyang ipapaliwanag sa'kin. Gusto kong simulan niya mula sa pinaka simula, wala siyang iiwan na kahit katiting na detalye tungkol sa sinabi ni Nikka. Mas madali kong matatanggap ang katotohanan na kaylangan ko muna talagang lumayo kay Lauren kung may sapat na eksplenasyon, gusto ko ng sagot!






"Jared, hindi ka pwedeng pu-". Sinubukan pa akong hawakan at pigilan ni kapitan Light pero hindi ko muna siya inintinti, dire-diretso akong pumasok sa loob ng opisina niya at naabutang nandoon pa si Luther Valiente. Ang kapatid ng babaeng mahal ko na siya ring hindi mo malaman kung kalaban ko ba o kakampi.






"Pasensya na Vice Commander, Jared tara na.. Hindi pa sila tapos mag usap, ano bang problema mo?". Sumunod si kapitan Light sa'kin at talagang desidido siyang pigilan akong makausap sina Vice Commander, ayoko sanang gawin to kaso wala na akong ibang pag pipilian. Agad kong binunot ang baril ko atsaka itinutok sa kaniya kaya napatayo si Luther at Vice Comannder ng sabay, marahil nagulat sila.







"Hindi ikaw ang gusto kong makausap Kap, huwag mo kong pigilan dahil wala sa mood makipag biruan ngayon". Malamig kong sambit. Naka taas parehas ang mga kamay niya, wala siyang hawak na armas ngayon pero kung gugustuhin niya akong labanan ay kanina pa siya gumawa ng paraan.






"Pabayaan mo siya Code X, huwag mo na siyang pigilan tutal nandito na siya sa loob. Maaari ka ng lumabas muli". Malumanay na aniya ni Vice Commander. Dahan dahan niyang ibinaba ang dalawang kamay niya atsaka sumaludo kay Vice Commander, sinigurado kong hindi niya ako susubukang pigilan kaya naka taas pa rin ang baril pero wala naman tong bala.






Pagka sarado ni kapitan Light ng pinto, inimbitahan akong maupo ni Vice Commander pero tumanggi ako sa kaniya. Galit ako sa mga oras na to, ayokong lumapit sa kahit kanino dahil baka masaktan ko lang sila. I'm like a ticking time bomb, once I'm touched? There's no guarantee that someone will be able to stop me from exploding and hurting the people around me.






"Alam ko kung bakit ka nandito Code XLII. Kung ayaw mong maupo, makinig ka na lang sa mga sasabihin ko". Ani ni Vice Commander. Sinusubukan kong kumalma pero hindi ko talaga maialis ang galit na nararamdaman ko, para nila akong inalisan ng puso at kaluluwa pero gusto kong malaman kung bakit.







Under The Twilight Sky (KOV #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon