Crossing Fields

25 1 0
                                    







**************************





Aviery Louisse Cortez






Rylan was shocked as soon as he heard my voice, para akong lobo na umiiyak. He stayed by my side until I felt fine, I stopped crying but the pain didn't go away. Sinabi niya nalang saakin na huwag akong pumasok sa loob then he'll do the same, ayaw niya rin naman daw dumalo kaso pinilit siya ng mama at papa niya dahil sayang yung damit na binili para sa kaniya. That thing has good point alone but shouldn't they asked us first before they spend money? Kahit sina mama atsaka ate Azalea ganiyan din ang punto saakin eh, mas lalo daw masasayang kung hindi ako pupunta atsaka hindi ko magagamit yung damit.






Ilang oras din kaming nanatili dito sa loob ng isang classroom, he got us some food and beverages para hindi naman kami magutom. On his way back, nakasalubong niya daw si Mino na hinahanap ako but he didn't explain why. Buti nalang hindi sinabi ni Rylan na kasama niya ako ngayon, mukhang nag mamadali si Mino na hindi maintindihan so maybe he's in trouble right now? At balak niya nanaman akong idamay sa kagaguhan niya. I saw him kissing Margaret and now he's searching for me? Isn't that ridiculous? Is he out of his mind? Oh wait.. He doesn't have a brain anyways.









Isang oras na lamang ay tutugtog na ang musika para sa huling sayaw ngayong gabi, napabuntong hininga na lamang ako habang pinag mamasdan ang heels kong halata mong branded at mukhang galing sa isang mamahaling boutique. Lahat mula ulo hanggang sa paa ay nasayang, wala rin namang nang yari dahil buong mag damag lang naman akong naka upo habang umiinom ng cider kasama si Rylan. Minor pa rin kami kaya hindi pa kami pag bibilan ng alak, si Arc sana kaso busy daw yon. Himala nga na hindi abala tong kasama ko na mag hanap ng mga babae ngayon, mas pinili niya pa talagang samahan ako kaysa mag saya doon sa labas.







He's also wearing a mask but he removed it, I did the same since siya lang naman ang nandito ngayon at isa pa wala rin namang nakaka kilala saakin dahil kakaiba ang itsura ko ngayon. Hindi nila ako nagagawang makilala kapag naka make up ako atsaka naka suot ng ganitong klase ng damit, sila nga kaya kong Irecognize kahit naka talikod pa eh pero ako? I doubt na kaya nilang gawin saakin yon. Marami na kaming napag usapan ni Rylan, he's asking me about some things na ngayon niya lang naisipang itanong katulad nalang ng bakit si Mino ang gusto ko.







He also questioned me about something and it's kind of weird because he ask me that if ever Ryuu tries to court me, would I give him a chance? I answered maybe. Hindi ko rin alam ang isasagot sa bagay na yon, C'mon! Si Ryuu? A damn varsity player? Habulin ng mga babae from tourism department? Seriously? That's a weird ass question to ask, gwapo siya Oo without a single drop of doubt. Matalino, responsable, mabait, tahimik lang at higit sa lahat ay sweet din naman kapag trip or nasa mood siya but he's my friend and like my relationship with Mino? It's nothing more and nothing less.








Silang apat na mga kaibigang kong lalaki ay kapwa matatalino, mababait, sweet, talented and most of all funny in their own way but lahat din sila may toxic traits. Let's start off with Abel Ross Cassian AKA Arc for short, he's a hot tempered person and he doesn't really start fist fights because he only knows how to finish it. He's the kind of person na hindi mo huhustuhing makaaway sa isang suntukan, you're not gonna win that fight trust me. Moving on to Rylan who's a damn player kaya nga alam niya kung papaano ang iba't ibang klase ng techniques para mahulog ang target niyang babae, we tried to tell him to stop but unfortunately we failed to make him do so.








Si Mino naman yung pagka manhid niya atsaka impulsive minsan, he doesn't use his brain much though. Kapag ibinenta mo ang utak niya malamang yayaman ka kaagad kase hindi naman to masyadong nagagamit and last but definitely not the least is Ryuu, siya naman yung tipo ng tao na walang kibo palagi at hindi marunong mag sabi ng totoo. He's not a liar literally but he won't tell you the truth unless you asked for it, he's not straightforward. Ako rin naman atsaka yung ibang mga kaibigan kong babae ay hindi rin perpekto, tao lang kase kami at hindi diyos.







Under The Twilight Sky (KOV #3) Where stories live. Discover now