An Agent's Mission

32 0 0
                                    


*2 years later*

**************************


Jared Vincent Chavez


Kasalukuyan kaming nasa Beijing, China ngayon. As usual, abala kami sa pagiging zombie hunters dahil wala namang ibang gagawa nito kung hindi kaming mga agent lang ng Cielo. Kami ang taga linis ng napakaraming kalat, hindi sila nauubos kahit anong gawin namin at mas lalo pa silang dumadami sa hindi malamang kadahilanan o rason.






"99,999 at 100,000! Woohooooo!!!". Masaya kong sigaw. Naagaw ko ang zombie na papatayin sana ni Thor, sorry! Sadya ko yon para maka habol naman ako sa kanila. Sila tong mahilig manguha eh, gumaganti lang ako no!!





Talagang itinuloy namin ang pustahan kung saan mag paparamihan kami, kung sino ang mananalo sa huli ay mayroong premyo siyempre. Medyo lugi ako kase minsan ako ang driver namin kaya hindi ako nakaka habol, mga tarantado kase silang mag drive eh. Lalo na tong si Thor at Eros, masyadong HB palagi. Palibhasa nakarami sa lechon, sila ang kumain noong nakaraang pasko at bagong taon.






"259, 799 na yung sa'kin kaya matagal ka pa bago makaka habol". Pag yayabang naman ni Thor. Si West ang driver niya ngayon dahil wala si Abigail na taga maneho sana, si North at Primo ang mag kasama sa kanila habang kami ni Eros ang magka partner ngayon. Nasa kabilang sasakyan kami.






"Siyempre, binabaril mo kahit hindi sayo! Madala ka!". Tugon ko sa sinabi niya. Nag tawanan sila habang pinakikinggan kami, totoo naman yung sinabi ko eh. Sina Trinity at Nikka ang naiwan para imonitor ang mga pinag gagawa namin habang nasa misyon kami.






"Kahit mas marami ang sainyo, ako naman ang pinaka pogi sa'tin lahat kaya lamang pa rin ako". Ipinag mamalaki nanaman ni Eros na napaka panget niya este pogi daw pala. Bigla kaming nataranta atsaka pinatakbo ni Eros ng mabilis yung sasakyan dahil tinutukan kami ni Thor ng baril, gago pa naman to minsan. Ay mali, palagi pala.






Nag tanong si Trinity kay Eros kung ano daw magagawa ng kagwapuhan niya kapag nilamon siya ng mga zombie, kay Psyche lang naman daw umiipekto yon. Habang nag bibiruan, turn left daw sahi ni Nikka dahil meron nanaman daw doon. Sunod sunod na pumakaliwa ang mga sasakyang gamit namin at talaga gang mayroon doon, siguro nasa dalawa hanggang tatlong daang mga bullshits?





Hindi rin nag papahuli si North, nag aya na siya ulit. Para lang kaming nag lalaro ng mga video games pero ang kaso lang ay totoo ito, literal na pwede kaming mamatay at mapahamak kapag mali ang galaw namin.





"Eros, dapat ma-corner sila para walang makakawala kahit Isa kase alam mo na kung bakit". Paalala ko sa kaniya. Alam niya na naman na kung bakit bawal silang maka takas o maka wala, hindi ko na kaylangang ulitin ang bagay na yon.






Ang mga taong napag eksperimentuhan ay mga uri ng zombie na na kokontrol ng kung sino habang ang mga indirect naman na may ZV95 virus ay mga nakagat lamang o nahawa dahil sa dugo o laway ng apektadong tao. Ang mga indirect infectees ay nagkakaroon ng ibang sintomas katulad ng excessive nose bleeding, hallucinations, diarrhea atsaka may isa pa kaso nakalimutan ko na eh.





Mas nakaka takot ang indirect infectees dahil mas mabilis silang dumami, yung mga taong buntis? Hindi maka takbo dahil sa sakit o kapansanan? Matatanda at mga batang edad isa hanggang pitong taong gulang? Sila ang pinaka apektado kaya sila talaga ang unang nililikas ng mga kapwa namin Cielo. Dinadala sila sa pasilidad ng gobyerno, hindi naman sila pwede sa'min eh.




Under The Twilight Sky (KOV #3) Where stories live. Discover now