Record Of Youth

33 0 0
                                    




**************************




Jared Vincent Chavez




Orihinal naming plano na si Dawny lang ang dudukutin, hindi talaga kasama sina Trinity doon. Si Psyche kaylangan kase malabo namang sasama yon, nandito rin si Mr. Kupido. Mukha ba siyang papayag na lumiban sa trabaho? Kaylangan ko lang bulabugin ang hotel niya para lang lumabas siya, yung kambal na ang bahala sa iba. At least sarili nilang kalokohan, labas ako doon!






Kasalukuyan akong naka suot ng pang waiter na outfit, hindi ko talaga alam kung anong nasa isip neto ni North. Mukha akong tanga! Hindi bagay saakin! Tutugtog lang naman ako bakit kaylangan ko pang mag costume!? Anak ng mga tipaklong tong mga to! Napaka dami niyong alam ha!





Lumabas na ako mula sa likuran ng pintuan, dala dala ko ang violin. Tutugtugin ko ang kantang 'Love story' by Taylor Swift, pwede naman akong tumugtog ng classical pero wala naman ako sa concert kaya eto nalang. Mas accurate, pwede silang sumayaw at iyon na mismo ang ginagawa nila ngayon.







Kung si ate Riane marunong tumugtog ng cello at piano, eto naman ang saakin. Violin, nung una ayaw ko rin talaga tong pag aralan kaso nakikita ko kaseng palaging malungkot si ate Riane kaya nag pasya akong samahan siya. Kaya naming tumugtog ng mag kasama, ginagawa namin yon noon tuwing kaarawan ni dad o mama pero ngayon hindi na. Mula noon, hindi na nila ako ulit narinig tumugtog.







Hindi ko binuo ang kanta dahil alam ko namang hindi sila mag tatagal sa pag sasayaw, pag tapos nila umalis muna si Thor para kunin yung cake sa loob ng ref. Sana lang hindi nasira yon, kung hindi humanda kaming lahat lalo na si North dahil siya ang naka bangga non kanina. Pag balik ni gago, galit na galit si Primo sa kaniya. Hindi niya alam ang paborito ni Dawny kaya nag tanong siya kay Prims.






"Red, tawagin mo naman si Eros. Let's take a picture with them, tell him na ako ang may sabi". Avi reminded. Tapos na ako tumugtog kaya agad kong sinunod ang sinabi niya, AL was with Cece so I knew she'll be fine. Isa pa, mukhang kasundo niya na kaagad ang mga tao dito kaya mas natutuwa ako. Hindi ako nag sisisi na dinala ko rin siya.







"Eros, tol? Uso lumabas, sasama daw tayo sa picture taking! Dalian mo diyan! Ayokong sirain tong pintuan ni West". Agad kong sigaw. Hindi na ako kumatok, maririnig niya rin naman ang mga sasabihin ko eh. Akala ko tatanggi siya pero nagulat ako dahil kabaliktaran ang ginawa niya, tahimik siyang lumabas na parang okay lang ang lahat.





"Let's go". Napaka haba ng sinabi niya no? Nahabaan ako, sa sobrang haba non? Wala na akong naintindihan.






Hindi na ako sumagot sa kaniya, habang pababa kami ay nakasalubong ko naman si ate Riane. Paakyat siya at sigurado akong didiretso siya sa kwarto ni Psyche, Ewan ko ba sa dalawang to. Todo iwas sa isa't isa, akala mo naman walang mga pinag samahan eh nag nevermind. Bawal yon sa bata!






"Sandali lang naman tayo makiki sama, ngayong gabi lang to Eros. Pag bigyan mo na si Thor at Dawny, wag na kayong pa-VIP". Natatawa kong bulong sa kaniya. Hindi niya naman minasama ang mga sinabi ko kaya tumawa lang din siya sa sinabi ko.






Matapos naming makumpleto lahat ay nag set na si Reidly ng timer para sa camera, siyempre mas maganda kung kasama kaming lahat diba? Pag tapos non, back to normal na ulit ang dalawang naka senti mode. Bumalik na sila sa kwarto nila parehas, kumuha lang ata ng pag kain tapos ayun nag tago na ulit. Akala mo mga bampira na takot sa buwan imbis na araw, ang labo nila.






Under The Twilight Sky (KOV #3) Where stories live. Discover now