Heather

33 2 0
                                    







**************************



Aviery Louisse Cortez



Ilang araw na ang lumipas matapos mag simula ng school events ng Academy of Santa Monica, eto na ang huling araw kung saan gaganapin ang pinaka hihintay ng lahat. Ang junior at senior dance night kung saan maisasayaw mo o isasayaw ka ng mga kalalakihan sa section niyo, ibang year, kaibigan o hindi kaya'y may gusto sayo. Tanghali pa lamang at mamayang gabi pa ang okasyon na iyon pero ngayon palang pakiramdam ko ay mag kakasakit nanaman ako, ayokong mag punta doon dahil alam ko namang automatikong akong magiging tuod o estatwa. Sino naman kayang tanga ang mag aaya ng sayaw saakin? Huwag niyo nga akong patawanin, kahit pinaka bobong lalaki sa loob ng ASM ay hindi mag tatangkang ayain ako no!






Ayokong mag sayang ng damit, make up atsaka effort na mag lakad habang naka high heels tapos wala namang mag aaya ng sayaw saakin. It's not that I don't want to, hindi rin kase ako marunong sumayaw ng pang prinsesa. Kung break dance pa yan o hip hop baka pwede, doon makaka sabay ako pero yung Cotillion? Oh hell never! Pang mga pabebe lang yon, and trust me I suck at it. Isa rin siguro yan sa dahilan kung bakit ayaw nila akong kapartner, malamang mamaya uupo lang ako sa mga upuan habang pinanood na mag sayaw yung mga kaibigan ko.





Ngayon palang ay binabantayan na rin ako ni mama atsaka ate Azalea para siguradong hindi ako mawawala mamaya, eto nanaman tayo sa ganitong sitwasyon na hahatakin nila ako sa parlour para paayusan tapos pag uwi ko para akong basahan pero wala namang napala maliban sa nabusog kaka inom atsaka kain ng pag kain. Bawal akong mag punta sa kung saan, maski puntahan si Mino ay hindi ko magawa dahil baka siya pa daw ang tumulong na itakas ako. Kapag kalokohan kase automatic na yon na siya ang kakontiyaba ko, aside from being best friends? We're also partners in crime but nothing more nor less.




Nag uusap lang kami ni Mino ngayon gamit ang mahiwang sketch pad namin, nag rereklamo siya kase ayaw niya rin daw dumalo ngayong gabi kase inaantok pa siya. Kapwa kase kami walang mga pahinga ng buong linggo na to tapos mamaya lalo pang madadagdagan dahil madaling araw na matatapos ang huling program, sigurado rin akong ngayon sila gagawa ng kagaguhan dahil eto na ang huling araw ng pag sasaya nila. Sa lunes ay balik na ulit sa dati, sabado atsaka linggo lang yung pinaka pahinga namin tapos wala na ulit pag dating ng weekdays kaya bitin at hindi yon patas!




Isa pa malamang sa malamang ay dadalo ang mga pasaway kahit sinabi na ng guidance officers sa kanila na hindi sila pwedeng sumali, of course malalaman pa ba ng mga yon na nandoon sila? Siyempre hindi na kase abala ang lahat sa kani–kaniyang mga business, si tita Tosia nga hindi ko pa maabala hanggang ngayon eh. She's too busy, too much meetings and greetings kaya ayun we can't actually talk to her right now. Sabi niya dadaan nalang daw siya sa bahay kapag tapos na ang lahat ng ginagawa niya, iyon ang pangako niya kaya inaasahan kong pupunta muna siya saamin bago siya bumalik sa ibang bansa.






"Huwag mo ng tangkaing tumalon mula sa bintana mo, may mga bubog sa baba". Narinig kong paalala ni ate Azalea saakin. I almost laughed, seriously? Mukha ba akong may tama sa utak para tumalon pababa? I'd rather use stairs, may hagdan naman bakit pa ako mag papakabuwis buhay? Isa pa, I'm too sane person para gawin ang iniisip niya.




Hindi na ako sumagot sa sinabi niya, bahala siyang isipin ang gusto niyang isipin. Gusto ring tumakas ni Mino pero kinuha yung susi ng motor niya, yung nasa akin hindi niya rin makukuha dahil nasa bag ko yon eh ang problema hawak ni ate yung bag ko kaya papaano? Nandoon ang wallet, cards, mahahalagang resibo at kung ano ano pang kalat kasama nung spare key ng motor. Atsaka kapag nalaman nilang nasa akin ang bagay na iyon ay magagalit sila saakin tapos damay si Mino at sigurado ako doon, ngayon wala na talaga kaming choice kung hindi ang tanggapin ang masakit na katotohanan.





Under The Twilight Sky (KOV #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon