Every Flaws And Imperfections

32 0 0
                                    



**************************


Laurenna Phoebe Valiente



Kaka-tapos lamang ng huling klase namin, mas maaga itong natapos ngayon at himala iyon para sa'ming lahat. Siyempre masaya ang iba dahil maaari na silang maka-gala o makapag saya ngayon pero hindi ko sinasabi na ang lahat ay ganon kase ang iba ay mayroong trabaho sa kung saan, ngayon na ang pasok nila sa trabaho kaya doon sila didiretso.




Hindi naman biro ang pangarap namin, wanting to be a lawyer takes time, money and effort. Dapat masipag kang mag aral, mag basa, mag sulat at dapat matiyaga ka rin mag tungo sa kung saan-saan para makipag kita sa mga kliyente mo.




Masyadong malayo ang Agoncillio kaya ang iba sa kanila ay gusto pang makipag kita sa parte ng Manila o sa kung saan basta malapit sa kanila, masyadong mabait si Jared at wala siyang pakealam sa gas kaya nag pupunta pa rin siya kahit kailan at kahit saan.




Pursigido talaga siyang bayaran ang mga kapatid ko gamit ang sarili niyang pera na kinita niya mula sa law firm, that's their deal so I'm not allowed to interfere or do something about it. Ayoko namang masira ang tiwala ng kapatid ko sa kaniya kaya kahit gusto kong maki-alam, wala akong magawa o maski maitulong man lang kahit papaano.





Matapos kong iligpit ang mga gamit ko, nag sent muna ako ng text kay Jared para ipaalam sa kaniya na tapos na ang klase ko kaya maaari na niya akong puntahan. Kapag hindi kase ako nag hintay dito, maaaring hindi kami magkita sa daan katulad na lamang noong isang beses na siya rin ang sumundo sa'kin pag tapos ng klase ko.




While I was texting him, someone took my phone. Si Kian, siya siya sa mga seniors na nag repeat ng taon at kasalukuyang kasama ng mga juniors katulad ko na ngayon pa lamang napadpad sa klase na ito.




He's probably here because he wanted something out from me but unfortunately, wala akong balak ibigay iyon sa kaniya dahil hindi siya patabaing baboy or what ng section namin. Kung gusto niyang makapasa edi mag aral siya, hindi yung ganito na gagamitin niya ang pagiging matanda niya para lang mang harass o mang gulo ng ibang tao.




"Valiente! May gagawin tayong thesis na kailangan ipasa next week, ikaw ang gagawa non diba?". He asked.




Tumayo ako at lumapit sa direksyon niya, akma ko na sanang kukunin ang telepono ko pero agad niya iyong inilayo sa'kin. Damn this bastard, palibhasa mas matangkad siya kaya ang dali lang para sa kaniya na mang asar ng mga maliit.




"Pwede ba Kian? Tantanan mo ko ngayon, ibalik mo sa'kin ang telepono ko". Walang gana kong sambit sa kaniya.




He laughed. "Ikaw na ang bahala doon diba?". Muli niyang tanong habang patuloy na hindi ibinababa ang telepono ko at mas lalo niya pa talagang tinataasan.




"What the hell?! I said, give it back!!". Sigaw ko sa kaniya.




"Woah! Chill! Nag tatanong lang eh!". Natatawa niya pang sambit ngunit talagang ayaw niya pa ring ibalik ang telepono ko sa'kin. Ngayon, naiinis na ako...




"Hindi ka nag tatanong Kian, ang gusto mo lang naman ay sabihin ko na ako na ang bahala doon dahil alam naman nating lahat na palpak ang mga gawa mo". Diretshan kong aniya dahil sa sobrang inis at pagka yamot.




Napayukom ang isang kamao niya.




"Bastos ka ha! Nag ta-tanong lang naman talaga ako sa'yo!! Napaka yabang mo porque mayaman ka!". I was surprised to hear those words from him, he suddenly involved my status.




Under The Twilight Sky (KOV #3) Where stories live. Discover now