In Every Direction

24 1 1
                                    






**************************





Aviery Louisse Cortez





Pangalawang araw na namin dito sa bahay nila ni Lola Ynnes at Lolo Ivo, hindi ako makapaniwala na maaga kaming naka tulog kagabi dahil sa pagod. I mean yung byahe ang dahilan non eh, yung makipag habulan kay Mino? Oo sobra. Inagaw nila ni Arc yung telepono ko habang kinakausap ko si Rylan, akala nila boyfriend ko kaya nila yon ginawa.






Natatawa ako kase mga kaibigan ni Rylan ang nag send ng video na yon habang nag sasayaw siya sa isang metal na pole, para siyang dancer sa club na hindi mo maipinta. Bagay naman sa kaniya eh, mukha siyang tanga. Ngayon tulog pa rin sina Mino atsaka Arc habang kaming lima? Gising na at kasalukuyang nagka kape pati kumakain ng almusal kasama sina Lolo Ivo at Lola Ynness.









Inaantok pa ako kaso bigla akong ginising ni Mirella kanina, para akong kinuryente na ewan kaya hindi na ako naka balik sa pag tulog ko. Tahimik lang ang lahat habang kumakain, naka sanayan na rin namin to kaya ayos lang. Isa pa tulog pa yung dalawa, sila lang naman ang magulo saaming lahat eh. Mabuti nga wala si Rylan, siya ang hari ng kaingayan. Walang makaka pigil sa kaniya at maiirita ka lang kapag sinubukan mo. So? Never mind him and just let him be.










Walang nakaka kontrol kay Rylan, kahit ako pa mismo. Kapag nag simula na siya ay wala ng makaka pigil sa kaniya kaya ang payo ko sayo? Don't bother to try stopping him cause it'll be useless, walang silbi yon kaya again? Huwag mo ng ituloy dahil mapapagod at matutuyuan ka lang ng laway. Ngayon patapos na akong kumain, binabagalan ko nalang dahil wala pang natatapos sa kanilang lahat. Nakaka hiya naman na mauuna ako, baka mag mukha akong gutom.









Wala pa naman akong gana ngayon, labag sa loob ko ang pag gising pero wala akong choice dahil nandito kami sa ibang lugar. Well sanay naman na ako na ganito dito, something's never change and that is? Kung ano kami ngayon na nandito. Si Rylan lang talaga ang kulang saamin kaya medyo nakaka lungkot pero mas nakaka buti na rin siguro yon, si Mino nga mahirap na pigilan eh.










Siguro kung nandito siya, baka mas malala ang nang yari saakin kahapon. Sumasakit pa rin ang mga muscles ko sa paa dahil sa ginawa nila kaya humanda sila saakin pag gising ko, mamaya na ako gaganti para masusulit ko. Maya maya pa ay natulala ako ng labis kaya hindi ko napansin na natatapunan ko na pala ng kape ang sarili ko, kinakalabit ako ni Mirella kaya bumalik ako sa realidad at napag tantong may mainit na kape sa binti ko.









"AL? Ayos ka lang ba? Mainit yang kape, oh eto pamunas". Pag aalalang sambit ni Ashryver saakin. Inabutan niya ako ng towel atsaka tissue para sa damit ko atsaka sa lamesa dahil mag lalagkit yung kape kapag dumikit yon doon, mapapagalitan ako pati mamamatay ako dahil sa sobrang kahihiyan.









Ang laki laki ko na tapos nakaka tapon pa rin ako na para akong batang three years old, nasa harapan ko pa naman si Ryuu na kasalukuyan akong pinag mamasdan. Ganon din sina Lola Ynnes at Lolo Ivo, kapwa sila naka titig saakin ng may bahid ng pag aalala ngunit tahimik lamang sila parehas. Pinupunasan ko yung mga natapong kape, grabe namang kahihiyan to. Ang aga aga pa eh!










"Okay lang ako, wala to. Hindi naman masyadong mainit eh". Palusot ko nalang na sagot. Kanina ko pa gustong sumigaw dahil sa sakit pero hindi ko magawa dahil nandito silang lahat at talagang nanood sila sa ginagawa ko, kapag minamalas ka nga naman. Hayst...








"Lutang si AL kase bati na ulit sila ni Mino, kikiligin nanaman siya ulit kagaya ng dati". Natatawang sabat ni Mirella. Muntik ko ng maibuga yung iniinom kong kape, nasa harapan pa man din ako ni Ryuu ngayon. Hindi naman nang yari ang nakaka hiyang scenario na yon pero inubo ako ng todo, mas malala ata yon dahil ang ingay ko.








Under The Twilight Sky (KOV #3) Where stories live. Discover now