The Future Of Our Paradise

36 0 0
                                    




**************************



Jared Vincent Chavez



Hindi ko na alam kung ilang araw pa lang ang nakaka lipas matapos kaming mahulog sa patibong ng mga kupal na sindikatong made in Spain, wala pa ring malay si Aurora, Nikka at Thor. Lahat sila nasa kani-kaniya pang mga ward habang kami naman nila Eros ang mag kakasama ngayon, habang nag lalakad sa daan ay bigla kaming hinatak ni Trinity.





Malamang may problema nanaman, hindi naman siya aarte ng ganito kung ayos lang ang lahat. Ang tanong ko lang, ano nanamang meron ngayon? Huwag mong sabihing mga sindikato ulit ang haharapin namin? Bawal ba ang time freeze? Hindi ba uso yon dito? Aba, porque nandito kami sa tertoryo nila ay nandadaya na sila ng todo. Lugi kami!





Nag tanong ng pabiro si North kay Trinity, nandito daw ang mga sinsikado tulad ng iniisip ko at nasa La Sagrada sila to he exact. Napamura si Eros dahil nandoon si Avi kaya letche kaylangan na namin dalian ngayon, sabi naman ni boss ay manahimik lang siya dahil baka hindi kami maka alis dito. Well that's for a fact, this isn't our mission. If got held as an hostage? Ohh, hindi ko maimagine.





Kung si Thor at Primo, kinaya nila yon sa murang edad? Ako hindi. Mag iiwan ng mga peklat yon sa katawan, iniingatan ko nga ang napaka ganda kong abs eh! Kaya hindi ko kakayanin kung sakaling mabubugbog ako ng todo, kung ako yung mambubugbog edi mas maganda pero kapag ako? Malamang hindi ako papayag, ano ako? Gago?





"Sinong may dalang sasakyan sainyo?". Tanong ni Trinity. Hindi ako nag tataas ng kamay dahil bagong car washed ang sasakyan ko, ayokong madumihan yon.





Nagulat ako dahil itinaas ni North ang kamay ko. "Ako, mayroong dala". Sinubukan niya lang gayahin ang boses ko. Gago talaga tong kakambal ni West kahit na kailan, ang sarap ibaon sa lupa.






"Bakit naman yung sa'kin? Bagong linis yan eh". Protesta ko sa kanilang lahat. Mag rereklamo pa sana ako ulit kaso masama na ang tingin ni Trinity sa'kin, baka hambalusin pa ako nito o sapilitang kunin ang sasakyan ko. Mas masakit sa ulo yon kaya pinabayaan ko na, sumakay na kaming lahat sa loob.






Ako na rin ang mag mamaneho dahil mga tarantado ang mga kasama ko, si Mr. Kupido? Si North? Si West naman ay hindi masyado pero gago rin yan lalo kapag hindi sa kaniyang sasakyan ang gamit. Katwiran niya, hindi naman daw sa kaniya iyon, bakit siya mang iingat? Yon na nga ang punto doon, HINDI sayo kaya dapat ingatan mo.






Nag madali na ako dahil ayaw akong tigilan ni Trinity, mas lalo akong natataranta kase dakdak siya nang dakdak. Para siyang yung ano ng manok? Oo yon, basta yon na yon. Baka daw bangkay na lang ang maabutan namin kapag hindi ako nag madali, nasa gilid lang naman daw sila ng simbahan. Papaano kaya sila napadpad doon?





Pag dating namin doon, naabutan namin na may tama si Primo sa tagiliran niya pero buhay pa naman siya. Kalma lang kayong lahat okay? May bida bang namamatay? Walang ganon maliban na lang kung gago yung manunulat, tulad netong author ng kwento ko. Pinag hiwalay kami ni Lauren! Hmp!





May kalaban pang buhay, dalawa pa sila. Kinuha ni Eros ang isang baril at agad na nakipag palitan ng putok ng baril sa mga impaktong sindikato, bago pa siya maka baril ay tinamaan na parehas sa ulo at ang salarin ay si Trinity. Wow, auto head shot mula kay boss? Dapat maging masaya kayo kase si Trinity yan! Ang boss ng team three kahit hindi siya ang kapitan.






Pinuntahan na namin yung dalawa habang si Trinity parang model lang, tamang cat walk. Ang bagal niyang mag lakad, mabuti na nga lang at umabot ang bala sa ulo ng dalawa kanina eh. Kung hindi? Sayang bala atsaka effort niya, may pag posing effect pa tapos bitin naman pala. Walang malay si Avi kaya kabado lalo si Eros, akala niya may tama din ang pinsan niyang hilaw.





Under The Twilight Sky (KOV #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon