A Broken Glass

32 0 0
                                    




**************************



Aviery Louisse Cortez




Our wonderful ten days was now officially over, naextend pa ng tatlong araw ang bakasyon namin dahil nagka sakit si Psyche ng biglaan. Magaling naman na siya matapos lang ang dalawang araw, puyat lang siguro yon atsaka hindi kase siya kumakain ng tama. Kasalukuyan kaming nasa sasakyan ni Jared ngayon, siya na ang mag hahatid saakin pauwi pero imbis na sa dorm ay didiretso kami sa Lemery para kunin ang mga natira ko pang gamit.





Si Cece, uuwi rin ata sa kanila. Hindi ako sigurado kung saan sila didiretso ni West, babalik din naman ako sa dorm ngayong araw. Kaylangan ko lang talagang makuha ang iba kong gamit sa Lemery dahil may mahahalaga akong naiwan doon, sana umalis sina mama at papa para pwede kong mailusot si Jared. Nakaka hiya naman kung palagi ko na lang siyang pinag hihintay sa loob.






Nag enjoy ako ng todo sa loob ng sampu ng araw, nakilala ko si Aurora atsaka nakapag bonding kaming lahat ng mag kakasama. We also had a great time together, I mean me and Jared. Sa tuwing muntikan na may mang yayari sa'min, he'll immediately stop and would even tell me something about he promised. Ayaw niya daw na multuhin siya ng mama niya, he mention someone else but hindi ko naman sila kilala.






"AL? hindi ka ba gutom? Pwede naman tayong tumigil sandali para kumain eh". Tanong niya sa'kin. I smiled and opened his compartment, may pagkain akong inilagay doon bago kami umalis. Akala ko pa naman napansin niya, hindi pala.






"Oo nga pala, hindi ko nakita yan". Natatawa niyang dagdag. We barely had a normal conversation dahil palaging kalokohan ang nasa isipan at lumalabas sa bibig niya, ewan ko ba kung bakit pero noon naiinis ako. Ngayon? Hindi na, napapangiti at napapatawa na ako ng mga yon.





"Jared, kung sakaling may tao sa bahay namin, ngayon na natin sasabihin ang tungkol sa'tin hm? Ayaw ko ng patagalin na nag tatago tayo". Paalala ko sa kaniya. He genuinely smiled and nodded, those smiles of his seemed odd lately. I don't understand it at all, minsan parang totoo tapos minsan hindi.






"Huwag mo muna ipaalala, nakaka takot eh. Baka maihi ako sa sarili kong pantalon". Sagot niya saakin. Natawa naman ako dahil sa sinabi niya, bakit naman siya matatakot? I mean kung si papa ang nandoon? Well, he should definitely make a run for his life or else. I don't want to bury him myself, hindi ko yon kayayanin.






"Huwag ka rin mag alala kase nandoon naman ako, akong bahala sa'tin hm? Huwag ka lang sasagot ng katarantaduhan kase baka parehas tayong paalisin". I reminded him. He chuckled, huwag niyang sabihin na binabalak niyang sagot ng patarantado?






Palubog na ang araw pero malapit na rin kami sa mismong bahay namin, tanghali na rin kase kami naka alis sa penthouse ni West. Tinanghali ng gising ang lahat, kumain atsaka nag ayos pa kaya natagalan atsaka tatlo lang naman ang bathroom sa penthouse. Ilan ba kami? Halos trese kaming nandoon, masyado kaming marami tapos iilan lang ang banyo pero okay lang naman.






Pag dating namin sa tapat ng bahay, hinahayaan ko muna siyang huminga ng malalim bago kami parehas na bumaba mula sa sasakyan. Nag tataka lang ako dahil nasa tapat din ng bahay ang motor ni Mino pati ang sasakyan ni Ryuu na BMW, nandito sila? Anong meron?





Pag bukas ko ng pintuan, kumpleto ang lahat. Si mama, papa, ate azalea pati kuya Allard, si tita Tosia atsaka si Mino at Ryuu, anong nang yayari? Bakit nandito silang lahat? Anong? Teka? Those photos, kami ni Jared yon ah?! What the hell is going on!? Pinasusundan ba nila ako? All along? Bakit!?






Under The Twilight Sky (KOV #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon