Lost And Found

31 0 1
                                    







**************************






Aviery Louisse Cortez





Kasalukuyan na akong nag aayos ng sarili ko, hindi ako makapili sa mga binili ni tita Tosia para saakin dahil masyado itong marami. Limang pares na bistida atsaka stilettos ang binili niya para saakin, iba't iba ang mga kulay nito at kapwa magagarang tingnan. Lahat to mga branded at mamahalin, jusko naman ano kayang nasa isip ni tita? Bakit niya naman ako bibilihan ng mga ganito? As if naman mahilig akong mag suot ng mga ganitong klase ng damit, labag nga sa kalooban ko ang mag suot ng palda kapag pumapasok sa school tapos hayst...








Kaylangan ko nalang sigurong ikalma ang sarili ko, ayokong mainis at dapat na akong mamili dahil anong petsa na. Sigurado akong maya maya ay nandito na si tita Tosia, kapag hindi pa ako handa pag dating niya ay humanda ako ng bongga o baka bumingo na ako. Magpapa salamat nalang siguro ako dahil at least maganda ang mga damit na binigay niya saakin pero aminado akong nakakapang hinayang dahil bihira ko lang naman tong magagamit o baka hindi pa nga, palagi akong naka jeans tapos sneakers na sapatos at mas sanay ako doon.







Kinuha ko ang kulay itim na bistida dahil ayoko ng kulay pink o yellow tapos mag mumukha akong pupunta ng lamay kapag yung white kaya eto nalang, beige na stilettos ang sinuot ko kase hindi ko talaga gusto ang mga kulay na nasa harapan ko ngayon. Ginawa ko na lamang na purselas ang braided cord ko dahil hindi ko to nais na iwan kahit saglit, magalit na si tita kung iyon ang gusto niya pero hindi ko to aalisin sa katawan ko. No, never... Magkakamatayan muna tayo bago nila to mapaalis saakin, napabuntong hininga ako ng malalim habang pinag mamasdan ang sarili ko sa salamin.







Ibang iba talaga ang itsura ko kapag ganito ang ayos ko, nakalugay ang mahaba kong buhok at mayroong kolorete sa mukha. Ako ba talaga tong nasa salamin? O ang ibang ako? Hindi ko maiwasang mag isip ng kung ano ano, what if ganito nalang kaya ang itsura ko palagi? Mapapansin niya din kaya ako? O mananatili pa rin kami bilang matalik na mag kaibigan? Sabagay kahit ano namang sagot sa tanong ko ay ayos lang, baka mayroong talagang tao na para saakin.








Not that naniniwala ako sa mga ganong bagay, bakit naman si tita Tosia? Ilang taon na siya pero wala man lang pamilya maliban saamin. Yumaman at naging successful siya pero mag isa naman siya sa buhay, ano kayang sense non? Kaya siguro bumili siya ng eskwelahan tapos balak niya pa atang mag invest sa isa pang school dito sa San Nicolas. Pwede naman kase siyang manirahan nalang dito sa Pilipinas kasama namin para hindi na siya nag iisa, mas masaya kung mas maraming tao sa loob ng bahay. Basta hindi lang nila ako gagambalain, ibang usapan na kase yon.









Maya maya may nag doorbell na sa pintuan ng hotel room ko kaya lumabas na ako sa silid ko para pag buksan kung sino man ang nandoon, baka si tita Tosia na iyon dahil malapit ng mag 6:30PM. Medyo nahihirapan akong mag lakad dahil sa pisteng heels na to, pwede bang huwag nalang akong mag suot ng ganitong klase ng sapatos? Wala bang flat shoes diyan or wedge? This is annoying! Bullshit ang gumawa nito, bangungitin sana kung sino man yon!!









"Hija? Tapos ka na bang mag bihis? Halika na, malapit ng mag ala siyete. Nakakahiya kung mahuhuli tayo". Masaya niyang pag anyaya saakin. Bungad saakin ni tita Tosia pag bukas na pag bukas ko ng pintuan, wala naman siyang reklamo sa bihis ko kaya ayos na siguro to para sa kaniya, at least naka tiyamba ako sa pag pili ng damit at sapatos.









"Sige po tita, tara na po". Maiksi kong tugon sa kaniya. Hindi ko na dinala yung cellphone ko, puro lang naman sama ng loob ang makikita ko kapag nag open ako ng Facebook o kahit ano pang uri ng social media accounts dahil puro balita lang naman na nagkabalikan na yung dalawa ang makikita ko doon. Maiinis lang ako at mababadtrip kaya huwag nalang, isa pa marami pa ring nagf–friend request saakin tapos nag papadala pa ng personal message na mag accept daw ako.







Under The Twilight Sky (KOV #3) Where stories live. Discover now