Beautiful Stranger

31 0 0
                                    






**************************







Jared Vincent Chavez





Wala ng intro intro, ako si Ja- teka lang? Naka sulat na sa taas yung buong pangalan ko kaya hindi na ako mag i-introduce yourself sainyo. Basa basa nalang kapag may time, huwag kayong tamad pwede? Pero sige dahil mabait ako, hi sa mga nag gagandahan ( ga-gwapuhan katulad ko kung meron) it's me! Jared Vincent Chavez! Naglalakad lang kase nakakatamad tumakbo, ang inyong very own future attorney! Well what can I say? Idolo ko kase ang tunay kong nanay, ah yung kasama ni dad? Stepmom namin ni ate Riane yon.







Hindi ko na masyadong maalala kung papaano siya pumanaw, basta nagising nalang ako isang araw na wala na pala siya at ilang taon lang ang makalipas ay naka hanap na kaagad ng panibago ang tatay namin na para bang walang nang yari. Wala naman akong problema doon, ang saakin lang ay respetuhin niya rin kami bilang mga anak niya at huwag niyang kalimutan si mom pero mabigat yon para sa kaniya.








Iyon ang isang bagay na hindi niya kayang tuparin, tuwing kaarawan ko ay iyon ang hinihiling ko kaso wala eh. Araw kase ng kapanganakan ko ang mismong araw na namatay siya, dahilan kung bakit ayaw kong mag celebrate. Mabait naman ang madrasta namin, hindi naman siya yung katulad ng mga evil stepmom sa Disney na palabas. May anak sila ni dad, bunsong lalaki. Si Jacob, bihira lang kaming mag kita non pero hindi ko naman siya pwedeng kainisan hindi ba? Hindi niya naman hiniling na mabuhay at mapunta saamin.








May sariling kumpanya ang nanay namin na ngayon ay si ate Riane na ang namamahala, sa mura niyang edad ay ipinataw sa kaniya ang isang responsibilidad na dapat si dad ang sumasalo at hindi kami. Kung walang mamamahala non, mababaliwala ang pinag hirapan ni mom. Abogado siya ng mga mahihirap at kung tutuusin ay wala siyanh masyadong makukuha doon tapos CEO din at the same time, ang galing niya no? Yan ang nanay ko! Maganda na, mabait at matulugin pa! Sana nga nandito siya para mapanood niya kung papaano maging abogado.








Kasalukuyan akong nakatulala sa kawalan, wala sila ngayon at ako lang ang nandito sa mansyon. May sariling law firm ang tatay ko habang may kaya lang pala ang madrastra namin, nag imbestiga ako ng hindi nila nalalaman. Mukha ba silang aware sa pagiging agent ko? Malabo yon, si Vice Commander Nara ang nag pasok saakin sa mundo ng Cielo. Natagpuan niya akong mag isa sa sulok noong burol ng nanay ko at siya ang nag bigay ng dahilan para mulo akong lumaban at magpatuloy, siya ang nag turo saakin ng mga nalalaman niya.







Kasabayan ko sina Thor, Eros at West, yung tatlong yon ay mga halimaw kaya minsan nahihirapan akong sumabay. Minsan pakiramdam ko dapat nasa library lang ako habang nag babasa ng mga libro at hindi sa ganitong mundo pero palagi nilang ipinapaalala saakin na nababagay din ako katulad nila, overtime nasanay din naman ako. Iniisip ko nalang na ginagawa ko to para kay mom at hindi para sa sarili ko, matagal ng patay ang totoo at batang Jared.









Hindi ko maiwasang mapaisip kung nasaan ang batang babae na nakalaro ko noon, kulay pula ang buhok niya at mahilig siya sa red velvet na cake. Palagi ring may tali na parang ribbon ang buhok niya, hindi ko na masyadong maalala kung ano ang itsura niya dahil isang dekada ko na siyang hindi nakikita. Napapanaginipan ko siya minsan kaso malabo naman kaya baliwala din hindi ba? Ano kaya yon? Trip lang?








Magkasabay silang naglaho ng nanay ko, nabalitaan ko sa TV na naaksidente siya kasama ng mga magulang niya. Ilang taon lang ata ako non pero labis na naka apekto saakin yong balita na yon, muntik pa akong maging mute dahil sa double kill na trauma na inabot ko. Okay naman na ako ngayon, kaya ko naman na pero hindi pa rin maiwasan na malungkot ako lalo kapag parehas ko silang naalala ng sabay.








Under The Twilight Sky (KOV #3) Where stories live. Discover now