In Another Time But The Same Place

24 1 0
                                    








**************************






Jared Vincent Chavez






Kakatapos lang ng graduation day namin, isang linggo na ang nakaka lipas matapos kaming makapag tapos sa unang taon ng kolehiyo. In short 2nd year na ko sa susunod na pasukan. Sobrang bilis ng pag lipas ng bawat araw kaya ang misyon namin sa Cielo ay non-stop din, sunod sunod ang pag dating kaya minsan naiipit kami. May oras na ang team talaga namin ang para sa misyon na yon pero may oras din naman na maaaring iba ang gumawa non, sa dami ng agent ng Cielo ay imposible namang lahat kami pare-parehas na nag aaral.








Maraming in training na agent, marami ding mga bata pa katulad namin pero iba iba ang sector namin. Sa madaling salita, may gumagabay pa rin sila. Kahit naman kaming mga sumasabak na sa misyon ay nag sasanay pa rin, siyempre tao pa rin kaming lahat atsaka hindi naman kami palaging nasa misyon no. Nag papahinga rin kami, si Thor lang talaga ang pinaka matibay na akala mo robot.






Nasa misyon siya kasama si Eros ngayon imbis na mag didiwang sana kami ay mauudlot dahil wala silang dalawa, busy rin si West kaya nasa bahay lang ako ngayon. Wala naman akong ibang pupuntahan eh, isa nanamang nakaka bagot na araw ang kaylangan kong pag daanan.









Hindi ko sigurado kung kailan babalik yung dalawa, wala rin akong ideya kung tungkol saan yung misyon nila. Confidencial ang mga impormasyon, kahit pa mag kakaibigan kaming lahat ay hindi kami maaaring mag share ng mga ganong bagay. Rules are rules, we can't decide on our own. Meron kaming mga batas na sinusunod, batas na hindi namin pwedeng suwayin unless may sapat kaming rason na katanggap tanggap.









Nag sisimula na ang araw ng bakasyon, kaya wala kaming ibang gagawin kung hindi ang manahimik sa bahay o tumapos ng naka atas na gawain. Hindi talaga ako maka move one dahil imbis na nasa bar kami ngayon ay naudlot ang lahat, hindi kami makapag diwang dahil etong si Thor mukhang broken hearted kahit wala namang jowa. Dinaig pa si Nikka, buti pa yon kahit broken nag papahinga pa rin. Siya? Hindi mo maintindihan.









Sino kayang pwede kong maistorbo ngayon? Si ate Riane wala, si Jacob? Wala rin kase nasa field trip kasama si tita Jacqueline pero hindi ko sigurado kung kasama si dad. Baka Oo, baka hindi. Bihira ko lang naman silang maka sama sa bahay eh, kapag nag kikita pa kaming lahat ay nag kakaroon ng kaunting clash of clans o league of legends. Hindi naman yon maiiwasan, sanay na kaming dalawa ni ate Riane.









Akala kase ni dad ay ayaw pa rin namin kay tita Jacqueline, hindi naman sa hindi namin siya gusto kaya lang hindi nga kami ready na tawagin siyang 'mom' o 'mommy' o kahit 'mama' man lang. Yon ang bagay na hindi maintindihan ni dad, pinipilit niya kaming tanggapin ang katotohanang yon. Sana madaling tumanggap ng mga bagay bagay sa mundo, ni minsan hindi ko man lang marinig mula sa kaniya ang love story nila ni mama.









Hindi naman ibig sabihin non ay hindi niya minahal ang nanay namin ng nakaka tanda kong kapatid pero minsan hindi ko rin maiwasang mag duda, bakit ganon? Simula nung nawala si mama ay hindi ko na siya naririnig na nag babanggit maski ang pangalan niya. Lahat ng gamit katulad ng damit o litrato ay ipinatago niya sa basement namin kaya ginawa kong tambayan ang lugar na yon para palagi ko pa rin siyang makita, ipinaayos ko lang ng kaunti para mag mukhang maayos.








Etong mansyon namin? Mag kasama nila tong pinatayo, naninibago pa rin ako sa tuwing nakikita ko ang malaking litrato sa sala namin. Imbis na kaming apat ang nandoon ay naging lima na ngunit hindi si mama ang katabi ni dad, kung hindi si tita Jacqueline. Labag sa kalooban ko ang pag kuha ng litratong yon kaso nagka taon na kaarawan ni ate Riane at yon ang gusto niya, ang ending? Wala akong nagawa.









Under The Twilight Sky (KOV #3) Where stories live. Discover now