What The World Needs: Love

30 0 0
                                    


A/N: Hindi masyadong mahaba tong chapter na to, kumbaga parang karugtong lang siya ng chapter 62 <3

**************************

Jared Vincent Chavez

Dahil sa sobrang antok ni North, hindi na siya nakapag palit ng damit niya kaya ngayon? Kasama ko siyang nakapantulog tapos may dala pang unan. Malapit na kami makarating sa ospital dahil malapit lang naman iyon mula sa condominium ni West, medyo malayo kapag sa condo ni Psyche pero kung makikipag kakera siya ay baka sakaling maabutan niya kami.



Kinalabit ko si North gamit ang isa kong kamay. "Tangina ka North, huwag ka nang matulog. Malapit na tayo sa ospital". Sambit ko.




Ngumuso siya sa'kin tapos biglang nag bad finger, aba? Gago to ah! Tatamaan to sa'kin! Hmp!




"Gago seryoso ako, nandito na nga tayo sa parking lot ng ospital eh!". Muli kong paalala sa kaniya. Baliwala talaga kahit anong gawin ko sa kaniya, hindi ko naman siya masapak dahil nag mamaneho ako ngayon.



Nasa likuran ko lang ang sasakyan ni West, kasama niya si Cecelia doon. Nang maka hanap ako ng parking space, napagtanto kong nandoon na rin si Psyche. Mas nauna pa siya kaysa sa'min ni West? Anong ginawa neto sa highway? Lumupad?! Nag mala darna?!



Matapos kong iparada ang sasakyan, agad ko munang pinatay ang makina tapos bumaba ako. Binuksan ko yung kabilang pintuan kung nasaan si North tapos hinatak ko siya mula sa paa niya, edi agad siyang naalimpungatan at nauntog. Wala na siyang magawa kung hindi ang umayos, buti nga ganon lang ang ginawa ko eh!



Kumpara niyo naman kung si Trinity ang kasama niya o hindi kaya etong si Psyche, ano sa tingin niyo ang mang yayari?



"Aray ko naman Jared, masakit iyon". Tamad na wika ni North habang kinukusot ang mga mata niya. Ano kayang ginawa neto kanina? Umuwi naman ata siya kahapon ah? Bakit para siyang puyat na unggoy?



"Ang bagal niyo namang mag maneho! Kanina pa ako nag hihintay dito!! It smells like naka kadiri here!". Reklamo ni Psyche matapos niyang makita si West. Wala namang pakealam si North ngayon kase tingnan niyo naman? Wala sa sarili!




Naka suot ng eleganteng black tuxedo satin mini dress si Psyche, mukhang nang galing pa siya sa Classico Hotel bago nag maneho patungo dito sa ospital pero naunahan niya pa kaming dalawa ni West. Pakiramdam ko talaga ay lumipad siya, palibhasa sanay na sanay sa mga mabibilis na sasakyan.



"Why didn't you get in first?". Tanong ni West matapos I-lock yung pintuan ng sasakyan niya.




"Because I don't want to okay? C'mon! Let's hurry!!". Pag anyaya niya sa lahat.



Masaya kaming pumasok sa loob, naitext na sa'min ni Primo kung nasaan sila ngayon ni Trinity. Pag dating namin doon ay mag kasama nga silang dalawa at kapwa nag hihintay sa tapat ng deliver room, kasalukuyan nang nanganganak si Dawn.




Nag tataka si Trinity kung bakit nandito daw kaagad si Cece kung galing pa daw kami sa kabilang bayan, hindi nila alam na kahapon pa namin kasama tong si Cece. Siya na nga nag luto ng pag kain namin buong mag hapon eh pero natatawa pa rin ako sa dahilan kung bakit naka tira siya sa condo ni West, grabe ang inabot ng kaibigan ko! HAHAHAHAHAHA!!



Malumanay na walang emosyong ipinaliwanag ni Cece ang dahilan kung bakit mabilis siyang nakataring dito sa San Nicolas, natawa na lang kami ni North dahil narinig nanaman namin ang bagay na iyan. Tipid ring tumawa si Trinity at Primo dahil doon pero si West? Desidido talaga siyang mag pigil ng nararamdaman niya.



Under The Twilight Sky (KOV #3) Where stories live. Discover now