A Star Around My Scars

30 0 0
                                    


* 6 months later*


**************************


Laurenna Phoebe Valiente



It's always been a busy day for me, as usual? Puro case files ang inaatupag ko mula umaga hanggang gabi but the good news is natutuwa sa'kin ang mga senior na law student. Nilalabanan ko daw kase sila atsaka wala akong takot kahit na maaari akong ma-bully dahil sa ginagawa ko, well? What can I say? Sanay na ako sa mga ganon, I've been through worse than that so they shouldn't give me those kind of shits.





Binabasa ko ang kaso tungkol kay Timothy Skylar Madrigal? It's a rape case at naka lagay dito na nag suicide na ang biktima dahil sa depression pero hindi pa rin inuurong ng pamilya yung kaso laban sa kaniya. On-going pa rin ang kaso malaya pa rin siya dahil sa na-grant ang request niyang mag bail, so he's still out there?





Madrigal? Where have I heard his last name? Ah! Shit! Yung gwapong senior sa St. Valentine!! Yung ka-batch ni Primo! Holy sh-!!! He's a rapist?! Seriously?! I cannot believe this thing but it clearly says here that he is, well hindi ko naman sinasabing malabo dahil lang sa gwapo siya o hindi mukhang kriminal pero hindi lang talaga ako maka paniwala.





Jared and the rest of the kutong lupa doesn't like him either, nakipag basag ulo pa nga si Thor sa kaniya during St. Valentine's anniversary. That was the time when Psyche got back from New York, yon din yung time na naaksidente si Thor dahil sinagip niya si Aurora mula doon sa baliw na lalaki.





But really, I don't trust any of this at all. Parang mali sa kaso na ito pero hindi ko alam kung bakit ganon ang pakiramdam ko, may kopya din ako ng footage dahil binigyan ako ni Owen. Oh him? Isa siyang law student pero hindi na siya pumasok sa St. Valentine, dati lang kaya nakakabisita pa rin siya para tumulong sa mga katulad kong nag sisimula pa lang.





Siya yung tumutulong sa'kin minsan lalo na kapag nahihirapan ako, he's super nice and smells great either! Kaya kahit hindi ka maligno? Basta katabi mo siya ay madadamay ka na rin pero siyempre araw araw akong naliligo, sayang yung magandang banyo at mamahaling mga sabon kung masisira lang sila diba?





Since hindi naman ako masyadong busy ngayon kase Biyernes ng gabi, nag pasya akong kilalanin si Skylar Madrigal dahil baka sakaling may mahanap pa akong clues na baka maka tulong sa kaniya o mag diin sa kaniya lalo. Nakatuon lang ang atensyon ko sa case file na hawak ko sa mga oras na ito, medyo nakaka inis lang kase may mali talaga eh!





Maya maya ng kaunti, may kumatok sa pintan ko atsaka binuksan niya ito. Si kuya Landon lang pala, akala ko si kuya Luther. Kapag ganitong oras, automatiko siyang nag tutungo sa kwarto ko para paalalahanan akong oras na para matulog.






"Bunso? Bakit hindi ka pa tulog? Biyernes naman ngayon eh". Pag aalala niyang paalala sa'kin. He's being sweet right now, I appreciate it but I'm no longer a kid. Hindi niya ba alam na aswang ako? I barely sleep, I mean I can if I wanted to but I can't sleep at night. Missing someone..





Bahagya kong tinabi ang hawak kong mga papel. "Hindi pa naman po ako pagod kuya Landon, I'm still good and wide awake. Naka ilang baso ako ng kape kanina kaya naka hyper mode pa ako, why? May pupuntahan ba tayo bukas?". I asked habang ipinagpa patuloy ang ginagawa ko.




Kinuha niya ang folder na pinaka malapit sa kaniya at bahagya itong sinilip, wala naman siyang hilig sa mga ganitong bagay kaya nga sumunod siya sa yapak ni kuya Luther diba? Namana nilang dalawa ang galing ni dad sa pag guhit at pag didisenyo ng mga gusali. Noon pa lang daw kase ay natuturuan na sila, I wouldn't probably recall those memories kahit nandoon ako dahil masyado pa akong bata non.





Under The Twilight Sky (KOV #3) Where stories live. Discover now