Little League

33 1 0
                                    



**************************



Laurenna Phoebe Valiente


I can't believed that it's actually been a year since I got back from New York City with my eldest brother, don't get me wrong dahil marunong pa rin akong mag tagalog at mas sanay pa rin akong gamitin ang lenggwaheng naka sanayan ko kaysa sa English language. I enjoyed whole year with Reece, sino siya? Curious din ba kayo? Then I'll introduce him myself.






His full name is Reece Draven C. Avelino, he's a Filipino with a Spanish-American blood. Medyo magulo ang lahi niya but anyways, Filipino pa rin naman daw siya at ayoko na isipin ang nationality niya cause it's none of my business. Doon siya lumaki at nagka isip kasama ang kapatid niyang babae nasa Japan na ngayon, may isa pa siyang kapatid na lalaki aside from his sister who's currently in Japan.





Okay, enough with his personal information. Hindi ko siya boyfriend, naging mag kaibigan kami at masaya ako kase mas lalo kong nasulit ang pananatili ko sa NYC dahil sa kaniya. He works for my brother's company, kasama niya kase si kuya Luther sa project pero hindi talaga siya naka tira sa New York. Pabalik-balik na kase siya doon kaya nakabisado niya na.





Si Reece ang in charge sa project na yon, nandoon lang si kuya Luther para tumulong atsaka mag check kung maayos ba ang lahat para maiwasan ang hindi pag kakaintindihan o aberya sa trabaho dahil bilyon lang naman ang halaga ng ginagawa nilang gusali. Murang mura diba? Mapapa-mura ka din sa presyo.





Nung una, medyo hindi ko gusto ang ugali niya. Akala ko kase suplado atsaka mayabang siya eh, bagong gising lang pala siya non kaya naka simangot atsaka mukha siyang bad mood. Kaylangan niya lang pala ng isang tasang kape with two spoons of sugar but no cream at tatlong toasted bread na may palamang peanut butter and strawberry jelly. Ah paano ko nalaman? Nakita ko lang, hindi ako stalker no!






Tapos na ang project na ginagawa nila ngayon and to be exact? Kakatapos lang ngayong taon, ilang taon din iyong ginagawa and last year was the last kaya nag punta si kuya Luther at dinala pa ako. Wala naman talaga akong ginawa doon, kapag wala akong pasok ay gumagala ako mag isa o minsan kasama si Reece patí ang kapatid ko. What's the weird part? Palaging naka sunod at bantay si kuya Luther sa'min.





Don't get me wrong again dahil wala akong gusto kay Reece, he's just a guy friend and it will always remain that way. Any girls would fall for her charms, masipag din siya atsaka responsableng leader. Ano pang hihilingin ng isang babae? Pero I guess hindi ako babae kase hindi ako nahulog sa kaniya, he's also talented! Magaling siyang kumanta at tumugtog ng saxophone but then again? Those won't work on me.





It's been two years since Jared and I ended our relationship but I don't know whether it's for good or just temporary, I never gave him a chance to explain his side dahil galit ako noong mga panahon na yon. Aside from seeing him with a girl, nag sinungaling siya sa'kin at malaking bagay yon. I still love him, hindi naman nag bago ang pag mamahal ko sa kaniya but my dearest brothers are not aware.






How can I tell them? Kitang-kita nila kung paano ako mag mukmok noon, halos hindi ako kumakain at natutulog dahil sa kakaiyak buong umaga hanggang gabi. Titigil na lang kapag napagod at nakatulog, pag gising? Wala pa rin ganang kumain pero pinipilit ko kahit medyo mahirap.





After three months, unti-unti naman na akong naging okay pero ang totoo ay namanhid na lang ako at ang puso ko dahil sa sobrang sakit. Hearing his name, seeing him through pictures and watching our memories together are still a torture to my poor fragile heart. Hindi ko siya makalimutan, Oo putangina! Hindi ko kayang kalimutan si Jared!





Under The Twilight Sky (KOV #3) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora