A Night To Forget

32 0 0
                                    








**************************





Aviery Louisse Cortez




Ngayon ang araw ng pinaka hihintay nilang lahat na okasyon ng school kaya naman walang klase ng halos isang buong linggo dahil ang lahat siguradong abala sa pag sasaya, sa huling araw ng event yung junior at senior dance. Siyempre kami ang junior, pinag sama na tutal ganon din naman yon. Pati the more the merrier din kase, mas marami kase ang mga nag repeat ng junior year nila kaya obviously mas marami ang bata kaysa sa mga graduating na seniors. Sobrang daming booth stand kaya halos wala na ring madaanan na matino pero ipinag papasalamat ko namang maayos ang lahat, successful ang taon na to dahil naubos na namin ang mga pasaway bago ang mismong araw nitong okasyon.










Makakapag saya kami ng walang pag aalinlangan at iyon ang isang bagay na himalang nang yayari ngayon, hindi ko tuloy maiwasang ipag kumpara ang last year and this year kase sobrang laki talaga ang pag kakaiba nila sa isa't isa. Ngayon pwede na kaming mag enjoy samantalang two consecutive years kaming walang pahinga atsaka puro stress ang inaabot, non-stop fights at pakiramdam ko hindi business ang kinuha kung kurso kung hindi pag aabogado o pwede na ring pag pupulis dahil ako ang taga awat at paliwanag ng buong kaganapan, kapag dinipensahan ko yung tama biglang magagalit yung may kamalian, partida siya pa ang mali non pero siya pa tong malakas ang loob na mag reklamo.








Ginagawa nilang motel yung mga classrooms na walang tao atsaka laman, naka huli lang naman kami ng mahigit sa sampung pares ng magka relasyon na nag babalak dumadagdag sa mga bagito atsaka bagita sa Pinas. Sa tuwing naaaalala ko sila ay nakaka ramdam ako ng kaba dahil baka maulit nanaman ulit ang nabg yari noong mga nakaraang taon, hindi pa Halloween o araw ng mga patay pero pakiramdam ko marami nanaman akong ililibing. Hayst, sana lang wala na munang gumawa ng kagaguhan sa kanila kahit ngayong isang buong linggo lang. Iyon na ang Christmas atsaka new year's gft nila saakin, kahit hindi na cash o whatsoever.










Ngayon kasalukuyan kaming mag kakasama sa rooftop, nandito kami naka tambay dahil mula dito ay kitang kita ang lahat ng mga estudyanye. Nag baon pa nga ng telescope tong si Rylan para lang sigurado na walang makaka ligtas na impakto saamin, nandito rin kami para hindi sila umasta na matino pero ang totoo ay nasa loob lamang pala ang mga kulo nila. Hindi pa naman kami naka uniporme ngayon kaya lalong mas mahirap makita kung sino ang impostor na basta nalang nag Gate crash dito sa loob ng school, kanina nandito si tita Tosia pero hindi ko pa siya nahahagilap ng maayos dahil kasama niya ang mga nakatataas na namamahala sa eskwelahang ito.








"AL? Kumalma ka nga, para kang tanga diyan eh. Kanina ka pa pabalik balik, natatae ka na ba?". Pag bibirong tanong ni Rylan saakin. Papaano ako kakalma? Taon taon na tayong nag gaganito at mula noon hindi na sila nag babago, kahit pa sabihin nating naubos na natin ang mga pasaway eh yung mga hindi nagpa huli paano?










"Shut up you doofus, I can't stay calm knowing na mamaya bigla bigla nalang din kayong mawawala sa paningin ko at sigurado akong ikaw pa ang mauuna". Walang gana kong tugon sa sinabi niya. Ayan ang isang bagay na hindi sila makaka ilag, sapul silang lahat lalo na si Rylan dahil tumakas sila sa mga assign position nila at ang ending ay ako rin ang gumanap sa mga gampanin nila.









"Promise hindi na talaga mauulit, nag bago na ako". Depensa niya naman. Automatiko akong napakunot ng noo matapos marinig ang mga salitang binitawan niya, he literally sounded like a boyfriend begging for a second chance after cheating countless times. Narinig ko na ang linyang iyan kaya gasgas at nabubulok na yon sa basurahan, wala bang bago?










Under The Twilight Sky (KOV #3) Where stories live. Discover now