Trust

31 0 1
                                    






**************************





Aviery Louisse Cortez





Kapwa kami nagising ni Jared dahil sa busina ng isang sasakyan na nang gagaling sa labas, naririnig ko ang boses ng kung sino mang nandoon. Naglo loading pa ang utak ko dahil kakagising ko lang, hindi pa naman low battery ang telepono ko at pag tingin ko doon ay mayroon 50% pa dahil hindi naman nagamit.





Alad kwatro palang ng madaling araw, ilang oras palang pala kami nakaka tulog. Bakit kaya ngayon lang sila dumating? Imposible namang naligaw sila. Eto lang naman ang nag iisang bahay dito base kay Jared.







Si Jared na ang tumayo para salubungin kung sino yon, may pasok pa naman mamaya kaya kahit naka pikit pa ako ay iniisip ko kung makaka habol pa ba kami. Ayokong lumiban sa klase namin dahil baka may exam o quiz kami, isa pa ang alam ko may thesis pa kaming hindi natatapos. Kaylangan kong pumasok kahit na late ako, at least sa ibang subject naka pasok ako. Pwede naman akong maki suyo nalang kay Cece kung sakaling may na missed akong impormasyon.







Maya maya, narinig kong papunta sila dito kaya tumayo na rin ako para mag ayos ng kaunti. Medyo sumakit ang leeg ko, ako naman ang naka higa pero parang sobra akong nangalay. Nag uusap usap ata sila tungkol kay Eros atsaka Psyche, ano kayang problema? Medyo matagal na rin akong walang naririnig mula sa dalawang yon. Ang alam ko, minsan nakaka usap ni Cece si Psyche dahil kay West pero bihira lang yon.









"AL? Baby? Wake up, nandito na si Primo. Makaka balik na tayo sa San Nicolas". Malambing niyang bulong sa tenga ko. Napansin kong naka takip ng mata si Primo at tila hindi ata siya kumportable, iwas din ang mga mata niya saamin ni Jared. Bakit? Anong meron?







"Prims, walang nang yari saamin. Gago ka ba? Mukha ba akong nasisiraan ng utak? Nakikita ba ng mga mata mi kung gaano kakapal yung mga alikabok? Tapos gusto mong ihiga ko si AL diyan?". Sunod sunod na tanong ni Jared. Masyado siyang tunog defensive, mas lalo kaming pag dududahan kung ganiyan siya sumagot. Inalis ko na ang parehas na coat ni Jared na naka takip pa saakin para makita ni Primo na naka bihis ako.








"Kalma, huwag kang masyadong defensive. Para ka ring si Eros eh". Natatawa niya naman tugon sa sinabi ni Jared. Siya ang nag dala ng mga gamit namin habang ako naman parang batang abalang kinukusot ang mga mata niya dahil kakagising lang, bakit ba kase ang tagal mag Friday? Oo nga pala kaylangan kong umuwi sa sabado. Edi ang ending wala pa rin akong pahinga.








"Ano ba kaseng ginagawa niyo dito? Mabuti nalang wala yung may ari, kung hindi? Napag kamalan pa kayong mag nanakaw". Paalala ni Primo saamin. Yun din naman ang iniisip ko kaya nag dalawang isip ako kanina bago ako tuluyang maka tulog, hindi pa naman nalilibot ni Jared ang buong bahay pero meron itong malaking library. Marami ding kwarto at naka takip ang pinaka malaking litrato, hindi lang namin binuksan kanina.










"Dahil sa gulong ko, napurnada ang surpresa ko kay AL". Masaya pang sagot ni Jared sa tanong ni Primo. Nag lalakad na kami palabas ng mansyon, may kasamang mga tao si Primo at mga taga towing company sila. Iba talaga kapag may pera, mas mabilis ang aksyon. Well either way, mabuti na rin na nandito na kaagad sila. Kung bakit ba naman aalis kami tapos hindi siya nag dala ng spare na gulong?







"Natanggap ni West yung text pero hindi siya naka punta, may ginagawa kase siya ngayon. Busy yon, mabuti nalang mag kasama kami kanina". Dagdag pa ni Primo. Mas malamig ang hangin at temperatura ngayon dahil madaling araw, masarap sigurong matulog ulit kaso mga ala sais ay gigising din naman ako para mag handa.



Under The Twilight Sky (KOV #3) Where stories live. Discover now