Twisted

78 1 0
                                    





********************









Aviery Louisse Cortez









Nang maka labas kami ay agad naming hinanap kung saan nang gagaling ang malakas na sigaw na iyon, galit na galit masyado eh atsaka bakit ba siya gumagawa ng eskandalo dito? Ang aga aga pa kaya, wala ako sa wisyo manapak ngayong araw na to pati what's her problem? Ako lang dapat ang mayroong problema dito, at kung sino man ang gumagawa ng ingay ay paniguradong hindi estudyante lalo na't narinig kong sinigaw niya ang pangalan ko. She's looking for me, mukhang eto na ang paalala nina Ryuu saakin pero infairness masyado siyang mabilis.












I didn't waste any efforts to go further and instead I head back to the student council room to finish my works, mamaya may klase pa ako kaya wala na akong oras para makipag talo sa magulang nung tatlong bullshits. I'm too busy to be bothered by some mannerless creatures, they don't deserve my time at wala rin ako non ngayon. Sumunod saakin sina Mirella at Ashryver habang ang mga lalaki naman kasama si Ryuu ay nananatili lamang sa lahat upang mag bantay, naririnig kong papalapit na nang papalapit ang ingay at sigawagan kaya ibig sabihin non ay malapit na siya dito.










Napabuntong hininga ako ng malalim habang ipinag papatuloy ang pag lalagay ng tatak sa mga papel, mayroon pa akong tatlo at kalahating tore kaya sigurado na talaga akong kinabukasan ko pa ito matatapos lalo na't yung iba ay wala pang katiyakan. Karamihan dito ay tungkol sa plano para sa darating na mga patimpalak, pista, o events ng school kaso yung iba naman dito ay matagal pa naman kaya hindi ko muna nilagyan ng lagda, hindi ko pa naka kausap ang mga lider ng bawat committee kaya mas mainam kung pababayaan ko muna sa ngayon.













Naririnig ko ng nakikipag talo sina Ryuu at Rylan doon sa nanay nung nilampaso ko sa loob ng monitor room, habang sila ang gumagawa ng paraan para mapalayo sila dito ay ako naman tong abala sa pag tapos ng gawain ko dahil ako ang may pinaka marami kumpara sa kanilang lahat. Lahat ng ginagawa nila ay ako pa rin naman ang tumitingin non para masiguradong wala silang nagawa o napirmahang mali, tao lang naman kaming lahat kaya minsan at nag kakamali pa rin kami.











I stretched myself for a while, ang sakit sa likod nang ginagawa ko kahit naka upo lang naman ako dito ay nag lalagay ng tinta sa mga papel at inaayos kung saan naaayong grupo ang mga ito. Ipinag patuloy ko lamang hanggang sa maging buong tatlong tore na lamang, musika sa tenga ko ang naririnig kong pabangayan sa labas ngunit naiingayan ata sina Mirella at Ashryver kaya kapwa sila naka earphones with todo volume. Nag papatugtog ng korean pop music si Ash habang pop indie music naman kay Mirella, they do have different taste though it suits them well.












The lady is complaining about his son's face, same goes for the other ones na kasama niyang mag reklamo. Wala daw kaseng kwenta yung principal namin dito, wala man lang raw ginawa pero mukhang hindi rin nila alam na nag broadcast ng live porn yung anak niya at iyon ang dahilan kung bakit ko sila ginawang pamunas sa monitor room. Ang nakaka inis pa eh naging kalat naman yung mga anak nila at hindi nalinis ng maayos kaya baliwala lang ang pag lilinis ko, mukha kaseng mga alikabok yung mga iyon kaya imbis na luminis ay lalo lamang kumalat at dumami ang dumi.











And speaking of the dirt, nasaan na ba tong si Mino? Akala ko ba sandali lang siya? Aviery ikaw naman bakit mo ba hinahanap yong lalaking iyon? Jusmiyo Maria anak ka ng nanay mo, huwag mo ka nang mag sayang ng oras sa pag hahanap don kase abala yon at mamaya pa siya babalik kung kailan tapos ka na sa lahat ng gawain ninyo at uuwi nalang siya. Hindi ka pa rin ba sabay kay Mino? Bata palang kayong dalawa ganito na ang sistema ninyo at hanggang dito lang kase talaga kayo, gustuhin mo man o hindi wala kang magagawa kase hindi nga ikaw ang gusto niya okay?? Huwag ka ng umasa, utang na loob ikamamatay ninyo iyan ng puso mo.










Under The Twilight Sky (KOV #3) Where stories live. Discover now