Rock

29 0 1
                                    







**************************







Jared Vincent Chavez







Iniwan akong tulala at masakit ang pisngi? Si Laurenna ba talaga yon? Bakit parang amazona!? Namumula ng todo yung pisngi ko! Putcha, nag match sila ni Luther sa DNA test kaya malamang mag kapatid nga talaga sila pero grabe ang lakas niyang sumampal! Hindi ako maka move on. Sinampal niya ba ako dahil sandali lang yung halik?






Edi sana sinabi niya! Pwede ko namang pahabaain eh, tsk.. Mga babae talaga, hindi mo maintindihan kung ano ang ayaw o gusto tapos sila pa palagi ang galit kahit wala ka namang ginagawa. Ang lakas ng toyo ninyo! Hmp! Kawawa naman kami ng pisngi ko...








Hindi lang naman ako nakapag pigil dahil noong unang beses na nag kita kami ay ginawa ko siyang patibong, mali ako na ginawa ko yon at inaamin ko naman okay? Malamang hindi niya pa yon nakaka limutan kaya iisipin ko nalang na sinampal niya ang gwapo kong pag mumukha dahil sa bagay na yon. Curious ba kayo kung papaano ko nalaman na iisa lang talaga sila? Simple lang yan, simulan natin sa araw na hinatak ko siya ng biglaan.






Flashback





Matapos kong maka uwi ng bahay ay wala pa atang isang oras akong nag papahinga, ipinatawag ako sa Cielo. Si Vice Commander ang nagpa tawag saakin at tungkol yon sa special misyon ko, sa kasamaang palad ay hindi ako pwedeng mag daldal kina Thor, Eros o West. Saakin lang daw to, hindi sila maaaring maki share dahil mayroon din daw silang sariling misyon katulad ko. Kay Thor at Eros ay posible pero kay West? Ano namang magiging problema niya sa buhay?








Maganda ang takbo ng kumpanya atsaka hotel nila, si North naman? hindi na masyadong gumagawa ng katarantaduhan netong mga nakaraang araw kaya sigurado akong hindi sumasakit ang ulo niya. Isa pa baliktad ata sila eh, siya yung mas bata pero siya tong nag aasikaso sa mas nakaka tanda niyang kapatid. Ngayon kasalukuyan akong nasa Cielo, ipinatawag ako pero wala pa naman pala si Vice Commander kaya nabubulok na ako dito kakahintay.









Katulad ng ibang araw, palaging wala si Eros atsaka Thor sa hindi malamang dahilan o rason. Ang alam ko sa St. Valentine na rin papasok ang bunsong kapatid ni Primo kaya sigurado akong matatapos na ang pagiging stalker ni Thor, hanggang ngayon kase ay gawain niya pa rin yon at baka kasama niya si West o Eros sa mga oras na to para lang manood.








Naka tago lang siya sa tabi tabi o nag papanggap na customer sa kung saang Café para bantayan si Aurora, masyadong kakaiba ang kapatid ni Primo at natatakot silang may maka alam ng tungkol sa bagay na yon. Sekreto ang abilidad niya pero may nalalaman kaming apat, lahat ng taong naka palibot kay Primo o sa buong pamilya ng mga Alonzo ay alam ang tungkol kay Aurora. Nananatiling tikom ang bibig naming lahat kase sekreto nga lang daw yon diba?







"Oh? Nandito ka rin? Ginagawa mo dito?". Tanong ni Eros saakin. Akala ko ba wala siya? Ah, baka si West ang kasama ng abnormal na si Thor. Magka sundo ang dalawang yon kapag babae ang usapan, magkakaibigan man kami pero hindi maiiwasan na iba ang hilig namin o paniniwala.








"Eh ikaw bakit ka nandito?". Tanong ko sa kaniya. Napakamot siya sa likod ng ulo niya, ano to? May dandruff? Tangina ang yaman yaman tapos dugyot? Kadiri naman to amputcha! Mura mura lang ng shampoo eh, uso rin mag banlaw ng maayos. Wala naman siyang ginagawa sa bahay nila atsaka sigurado akong marami silang katulong, si tita Joana pa ba?









Under The Twilight Sky (KOV #3) Where stories live. Discover now