Just One Day

29 1 0
                                    






**************************





Jared Vincent Chavez







Eto ang pangalawang araw ng anibersaryo ng St. Valentine pero imbis na gumising ng maaga ay naka higa pa ako sa higaan ko ngayon at abalang nagfa Facebook, hindi ako makaka punta sa school dahil mas mahalaga ang araw na to para saakin pati na kay Ate Riane. Pwede naman akong pumasok pag tapos ng gagawin namin pero sigurado akong mawawalan na ako ng ganang gawin ang bagay na yon, Isa pa makakapag perform naman yung tatlo kahit wala ako.








Marunong mag drums si Eros pati Thor, si West hindi masyado pero kaya niya rin naman. Kapag kaylangan talaga nila ng isa pang miyembro, pwede namang si Primo o Reidly tutal nandoon sila. Si North? Saxophone atsaka piano ang alam niyang tugtugin. Effective daw yon sa pang aakit ng mga babae, dahil sa palabas na 'Boys over flowers' ay inaral niya ang instrumentong yon. Nakaka tawa mang isipin pero magaling na siyang tumugtog ng ganon, mas may talento pa siya kaysa pro.








This day was supposed to be happy, everything used to be fine but not anymore ever since my mom died. Dapat pinapanood ako ni mama at dad habang tumutugtog kasama sina Thor, dapat si mama ang mag aayos ng mga isusuot namin kase hilig niya iyong gawin kahit may personal na designer naman ang pamilya namin at dapat mag kakasama kaming masaya pero hindi na yon mauulit ulit kase wala na siya. Matagal ko naman ng tinanggap ang katotohanan pero masakit, bakit kaya hindi nawawala?







Nag alarm na ang telepono ko, ibig sabihin oras na para tumayo ako at ayusan ang sarili ko. Malamang si ate Riane ay abala din dahil wala namang mag aayos sa kaniya, siya lang ang nag lalagay ng make up sa sarili niya. Natututo siya kase naturuan ni Psyche, model siya diba? Siguradong alam niya ang mga ganong bagay. Hindi na rin kase nag papaayos si ate sa iba simula noong mawala na nga si mama, basta ang alam ko? Pag gising ko isang araw ay nag bago na ang lahat lahat.








Tumayo na ako sa higaan ko at sandali itong inayos bago dumieetso sa banyo para maligo. Ang dami kong iniisip sa mga oras na to pero bigla kong naalala si AL kaya hindi ko naman maiwasang mapangiti, kung makikita ko siya sa araw na to? Ayos na talaga ako. Pakiramdam ko kakayanin ko ang lahat ng mga problema at dinadala ko kapag nandiyan siya, nakaka inis lang kase hindi niya ako naalala.







Common sense naman yon, bata kaming dalawa noong huli kaming nag kita. Yung panali sa buhok atsaka salita ng mga kapatid niya nalang ang mag papatunay ng lahat, ang tanong kung gugustuhin pa bang bumalik ni AL sa mga tunay niyang pamilya? Malamang iisipin niyang inabando na siya kahit hindi naman yon ang totoo, hindi namin siya pwedeng sisihin kung iyon ang bagay na unang maiisip niya kapag nalaman niya na ang totoo.







Wala pa naman, hindi ko pa pwedeng sabihin sa kaniya hangga't hindi pa kami nagiging close sa isa't isa. Bakit gusto ko munang maging close kami bago ko sabihin? Kase gusto kong maka iwas sa sakit ng sampal niya, namula kaya yung pisngi ko noong sinampal niya ako! Masakit pero okay lang. Atsaka kapag close na kami edi hindi siya masyadong magagalit saakin pati kaylangan ko pang umisip ng paraan kung papaano nga sasabihin sa kaniya nang hindi sinasabi kung ano talaga ang ginagawa ko.







Siyempre, ganito yan ah? Kapag sinabi ko sa kaniya yung mga nalalaman ko ngayon edi mag tatanong siya kung saang lupalop ko yon nakuha. Sige nga, anong idadahilan ko? Wala akong maisip na matino. Kaya bahala na muna sa ngayon, may oras pa ako. Hindi naman nag mamadali yung mga Valiente, wala silang karapatang mag reklamo dahil alam naman nila ang sitwasyon ngayon.







Under The Twilight Sky (KOV #3) Where stories live. Discover now