Balancing Scale

36 1 0
                                    


A/N: This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.

Short chapter ahead. Happy reading!!

Ps. Lahat ng related sa batas (Law, Article, Section, terms and etc..) ay binase o nakuha sa internet! Huwag po natin masyadong seryosohin!!

**************************


Laurenna Phoebe Valiente


Kinabukasan, maaga akong nagising dahil ngayon ang araw na makikita ko nanamang may ipag tatanggol si Jared. He's a Lawyer after all, trabaho niya iyon pero sa totoo lang? Napag tanto ko na isa ang pagiging abogado sa pinaka sinungaling na trabaho sa buong mundo. Although hindi ko naman sinasabi na palaging nag sisinungaling si Jared para manalo.




For him, justice comes first. What's the point of winning the case if you cheated? Baliwala iyon para sa kaniya kaya mas gugustuhin niya pa na huwag na lang kunin ang kaso kung alam niya namang kaylangan niya mag sinungaling at gumawa ng ibang kwento para lang mapag bigyan ang gusto ng kliyente.




We've encountered a few clients that tried to bribed him with money, property and assets but he refused, wala siyang tinanggap maski singkong duling at bulag. He made sure na hindi na sila makaka balik dito sa law firm namin, kung sakali mang babalikan nila kami ay magiging problema iyon.





Sa totoo lang, kung death threats lang ang usapan ay marami non si Jared. Nag aalala ako sa kaniya dahil pa sabihin natin na isa siyang skilled agent, he's not a fucking deity or immortal. Kapag tinamaan siya ng bala sa kahit saang parte ng katawan niya ay maaari siyang mamatay dahil sa sobrang dami ng dugo na mawawala sa kaniya.





Yung mga gustong mag hire sa kaniya ay CEO, drug lords, loan sharks at kung sino-sino pang may mga illegal na kumpanya na kasalukuyan pa ring tumatakbo hanggang ngayon. Gusto ko mang makialam, hindi ko naman magawa dahil una sa lahat ay wala kaming sapat na ebidensya. Baka tawanan lang kami sa korte kapag sinubukan namin mag mala-bayani.





Another thing is that Jared doesn't wanna get involved, kahit gusto niya ring makialam ay hindi niya ginagawa dahil mas mayayaman at mas mapepera sila kaysa sa'min. Our law firm is doing well now, we can't afford to have any troubles. Hihintayin na lang namin na may maka pansin sa mga iyon at kapag nasa korte na sila, kami pa mismo ang tatayong witness.





Jared was fixing his necktie but I think he's having a hard time because he was eating at the same time, I immediately went to his direction to help him. Hindi ko alam kung bakit siya nag mamadali ngayon, medyo maaga pa naman kaya wala siyang dapat ipag alala o dapat ikabahala.




"Bakit ka ba kase nag mamadali? Tingnan mo, nag kakalat ka ng mga tinapay dito". Malumanay kong tanong sa kaniya.





"Sanay naman akong tumayo sa harapan ng mga jugde pero kinakabahan pa rin ako". Diretsahan niyang ani.





Tipid akong tumawa. "Don't worry, I know you can do it and I'm sure you'll win this case". I replied after I'm done fixing his necktie for him.





"Isa pa, hindi naman si Aurora ang una mong ipinag tanggol kaya bakit ka pa kinakabahan?". Pag tataka kong tanong sa kaniya.




"Hindi ko nga alam diba? Ewan ko, baka trip lang ako ng utak ko ngayon". Natatawa niyang sagot sa tanong ko.





I stood closer to him and tiptoed to kissed him, as expected naka lipbalm siya kaya mas malambot pa ang labi niya kaysa sa'kin. Tipid akong tumawa dahil hindi maipinta ang reaksyon niya matapos kong gawin iyon, gusto ko lang naman na maalis ang takot at kaba sa dibdib niya.





Under The Twilight Sky (KOV #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon