46th Death: Alliah

392 22 1
                                    

THIRD PERSON

"TANG in a juice. Ang sakit na ng ulo ko." reklamo ni Kelly Ann na napahilot pa ng sentido. Nang marealize niya ang ginawa ay mabilis niyang ibinaba ang kamay at nagkunwaring nakagapos pa rin. Ang totoo ay hindi na sila nakagapos ni Ailee at nagkukunwari na lang.

"Mas masakit 'pag walang ulo." pambabara ni Ailee na pinaikot pa ang mga mata. "Anyway, just hold on, friend. Malapit na tayo sa katapusan."

"Totoo ba ang lahat ng 'yon?" Kalmado ang boses ni Lailanie ngunit sa loob-loob niya ay para na ring sasabog ang utak sa mga naririnig.

"Sa sobrang drama, halos hindi na kapani-paniwala no?" sarkastikong wika ni Kelly Ann bago malamlam ang mga matang tiningnan si Shacyne. "Naniniwala ako sa kanya dahil hindi siya magiging ganyan kung hindi."

"Alam n'yo ba?" tanong ni Tyrone na tiningnan sina Kelly Ann at Ailee. "Pati 'yong kay Jeremy?"

"Of course not." Si Ailee ang sumagot na pinaikot pa ulit ang mga mata. "She never told us anything about herself aside frome her name. Ngayon lang din namin nalaman ang mga 'yan."

"Kung ganoon kasama si Tito, bakit sa mga memory ko ay isa siyang mabuting nilalang?" inosenteng tanong ni Jeremy.

Nagkatinginan sina Ailee at Kelly Ann bago sabay na nagkibit-balikat at sumagot. "Alam namin pero wala kaming karapatang sumagot."

"Ang masasabi ko lang sa inyo ay ihanda n'yo ang mga sarili n'yo. Dahil sa oras na matapos ang kwento ng nakaraan, magsisimula na ang laban sa kasalukuyan para sa hinaharap." mahaba ngunit makahulugang litanya ni Kelly Ann. Hindi niya talaga mapigilan ang sariling bibig na balaan ang mga ito.

"Kapag nagmatigas ang mga magulang n'yo, wala kaming ibang choice kundi ang kalabanin sila." wika ni Ailee na seryosong tiningnan ang tatlo. "Kaya bago dapat mangyari 'yon ay nakapagdesisyon na kayo kung kanino papanig. At sa oras na piliin n'yo sila, asahan n'yong kalaban na rin ang turing ko sa inyo."

"Bakit pati kami?" gulat na reklamo ni Tyrone.

"Ano ba talaga ang ginawa ng mga magulang namin?" tanong naman ni Lailanie.

Nagkibit-balikat ang dalawa at sabay na umiling at hindi na nagsalita. Napabuntong-hininga na lang si Lailanie at kinausap ang dalawang lalaki tungkol sa mga sinabi sa kanya ni Kelly Ann. Sa tingin niya ay kailangan na niyang sabihin 'yon sa dalawa para makapag-isip na sila at hindi na mahirapan pa.

"Tinatanong na ng anak mo kung ano ang ginawa n'yo. Hindi mo ba siya sasagutin?" sarkastikong tanong ni Shacyne kay Mrs. Aranta na ina ni Lailanie. Nanahimik lang ang ginang kaya ang lalaki sa harapan niya naman ang binalingan niya. "Pero bago 'yon, gusto mo bang malaman ang ginawa ng ama mo sa dalawang kasama ko?"

Tahimik lang na nakipagtitigan si Rasharzi kay Shacyne. Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito. Masyado ng magulo ang utak niya na sumasakit na at sumasabay pa ang puso niya na ang gusto lang ay ang yakapin ang kaharap.

"Umuwi ako agad matapos kitang iwan sa ere. At alam mo ba kung ano ang nadatnan ko?" pagak na tumawa si Shacyne at sinulyapan ang ama ng kaharap. "Nadatnan ko sina Trisha at Dexter na tadtad na ng bala, pinugutan pa ng ulo. Hindi lang 'yon, binutas nila ang tiyan ni Trisha at kinuha ang fetus para igiling."

"Cyne, naniniwala ang puso ko sa 'yo pero..." Umiling-iling si Rasharzi. "...hindi ang isip ko."

"Hindi mo talaga maiintindihan kung sa alaala mo ay mabait siya." Bumuntong-hininga si Shacyne dahil kahit siya ay nahihirapan sa gagawin. "They altered your memories."

"B-but why would they do that?" tanong ni Lailanie at nilingon ang mga magulang. "Mom? Dad?"

"Dahil 'yon ang dapat." sagot ni Mrs. Aranta na walang bahid ng pagsisisi. "Hindi totoong ipinadala kayo rito para hanapin si Ella. Nandito kayo para patayin niya."

"B-bakit n'yo gagawin sa amin 'yon?" Namalisbis ang luha sa pisngi ni Lailanie.

"Dahil hindi namin kayo totoong anak. Katulad lang kayo ni Jeremy." sagot ni Mrs. De Leon. "Maliban kay Archi. Kayo ang naisip naming paraan para makita ang kapangyarihan niya. Akala namin ay magagalit siya sa inyo ngunit nagkamali kami dahil iniligtas pa niya kayo."

"Kaya ganoon na lang kadali sa inyo ang ipatapon kami rito?!" galit na sigaw ni Lailanie. "Anong klaseng tao kayo?!"

"Hoy, 'wag kang OA." pabulong na suway ni Ailee. "Kahit mabait sila sa utak mo, sigurado naman akong naghihinanakit lang ang puso mo sa kanila. Kaya 'wag kang sumigaw kasi nakakabingi."

"Bakit ba? Tulungan mo na lang kaya ako rito?" pabulong na angil ni Lailanie habang kinakalas ang tali sa kamay niya. Totoo naman ang sinabi nito. Kailangan lang niyang mag-drama para isipin ng mga ito na nanalo na sila laban sa kanila. Kailangan nilang magpapansin para hindi sila mahuli sa ginagawa.

"Hay, kaya pala wala akong lukso ng dugo na nararamdaman sa kanila." bagot na wika ni Tyrone at nilingon si Jeremy. "Ikaw, Jeremy?"

"Okay na 'ko kay Ate Shane." sagot nito at nagkibit-balikat. Balewala na sa kanya ang kinikilalang magulang ngayong kasama na niya ang totoong pamilya niya. Hindi rin siya ganoong kaapektado sa panloloko sa kanila pero sa ginawa ng mga ito sa pamilya niya, oo at nagagalit siya.

"Walang totoo sa memorya n'yo." wika ni Shacyne bago nagdududang tiningnan si Rasharzi. "Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit hindi nila ginalaw ang memorya mo tungkol sa akin?"

"Because of this." Sinakal ni Rasharzi si Shacyne na hindi kumilos.

Kulay abo ang mga mata niya kaya naintindihan na agad ni Shacyne ang nangyayari. Alam na niyang mangyayari 'to ngunit hindi niya pa rin pinaghandaan dahil hindi kinakaya ng utak niya ang ideyang magpapatayan sila.

"Hoy! Wala talaga kayong puso!" sigaw ni Kelly Ann na tumayo na at mabilis na hinila ang isang lalaki para kunin ang baril nito bago patayin.

Ganoon din ang ginawa nina Ailee lalo na at may dumating pang mga kalalakihan. Matapos na magkwento ni Lailanie ay nakapagdesisyon na sila kung ano ang gagawin at ito ang pinili nila.

"Bago ko makalimutan, walang lugar sa labas ng Cieath." wika ni Ailee. "Dahil ang City of Death ay ang mismong Vista Onse. At ang mga zombie na nakikita n'yo ay mga mamamayan ng lugar na 'to. Maging ang mga higanteng aso na dati ay mga alaga lang nila."

"In short, mga magulang n'yo ang mga may kasalanan ng pagkasira ng lugar na 'to. Pati na rin ang mga mamamayan nito." wika ni Kelly Ann. "Mamaya na tayo mag-usap-usap. Kailangan muna nating kumilos."

Sumang-ayon sila at naghiwa-hiwalay. Mabilis namang nilapitan ni Dale si Jeremy para protektahan habang nakikipagpatayan din.

Samantala, isang malakas na sipa ang pinakawalan ni Shacyne sa gitna ng mga hita ng lalaki. Nabitawan siya ni Rasharzi at bumalik na sa dating kulay ang mga mata nito.

"Bakit mo 'ko sinipa?!" galit na sigaw ni Rasharzi habang namimilipit sa sakit.

"Dahil sinakal mo ako!" ganting angil ni Shacyne bago lumapit dito at tulungan itong makatayo. "Alam kong kontrolado ka nila, pero labanan mo naman 'yon! Mamaya ka na magpacontrol sa kanila kapag ligtas na ang mga kaibigan natin."

"Tss. Bago pa kita mapatay ay uunahin ko na ang sarili ko." bulong ni Rasharzi.

Hindi na 'yon narinig ni Shacyne dahil nakatuon ang pansin niya kay Alliah na nakatayo at nakatingin lang ilang metro ang layo sa kanila. Wala na ang mga matanda dahil paniguradong alam nila ang gagawin niya sa kanila sa oras na makaligtas siya rito.

"Let's see who's better, Shacyne." Naging kulay abo ang mga mata ni Alliah.

"Fuck." mura ni Shacyne nang makita ang nangyari.

Tinapunan lang naman ni Dale ng kunai si Alliah. Hindi nito iyon nasalo at naputulan pa ng daliri ngunit kusang tumigil sa pagtulo ang dugo nito na para bang sumara na agad ang sugat.

"Alamin natin kung sino ang mas makapangyarihan sa ating dalawa."

CIEATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon