22nd Death: Her

529 35 0
                                    

LAILANIE

KABA. Takot. Pag-aalala. Sa mga oras na 'to ay hindi namin alam ang dapat mararamdaman o gawin. Nasa stockroom kami ng isang kompanya at may kanya-kanya kaming pwesto. Nakaupo si Alliah sa dulo, nakatayo ako at nakasandal sa pader, katapat ko si Tyrone na nakaupo sa mga pinagpatong-patong na kahon at sina Shane ay malapit lang sa amin. Kalahati ng katawan niya ay mahigpit na yakap ni Archi. Nandoon din si Jeremy na nakasandal sa pader at yakap ang mga tuhod habang nakatulala. Sobrang lamig na ni Shane at maputlang-maputla na. Sa hindi malamang dahilan ay nawala na siya ng gano'n-gano'n na lang. Masyadong mabilis at hindi kapani-paniwala. Tahimik lang kaming lahat at hindi alam ang gagawin o sasabihin. Nasa ganoong ayos kami ng biglang lumutang ang mga gamit sa paligid. Naalerto kaming lahat lalo na ng makarinig ng ungol.

"C-Cyne?"

Napalingon ako kay Archi at nakitang si Shane ang umuungol at bahagyang kumikilos. Nanlaki ang mga mata ko at napalunok. Namumutla pa rin siya at mukhang wala pa ring buhay.

"O-oh gosh..." Nahihintakutan din si Alliah sa nakikita namin. "S-she's already dead. I-isa na siyang zombie, guys. We have to kill her before she kill us!"

Itinutok ko sa kanya ang espada ko para pigilan siyang lumapit sa tatlo. Hindi ko siya hahayaang lumapit sa kanila at sirain ang kasiyahan no'ng dalawa.

"Subukan mo, Alliah."

"N-no... Please don't..." Nagmamakaawa ang boses ni Shane at may humaplos sa puso ko roon.

"Lanie, she's a zombie na! Baka kagatin niya sila!"

"Shut up, Alliah. Hindi nila siya nakagat kaya paano mo nasasabi 'yan?" Lumingon ako kina Shane at nakita ang pagpatak ng luha mula sa nakasarado niyang mata.

"T-tama na... Tama na..." Nagsimula ng magwala si Shane habang paulit-ulit na sinasabi 'yon sa magkakaibang tono. Mula sa pagmamakaawa ay nagagalit na ang tono niya na parang hindi siya pinakikinggan ng kausap niya.

Lumapit na rin sina Tyrone para tulungan si Archi na pigilan siya pero balewalang naitulak niya ang dalawa na nawalan ng malay. Tumama sa pader si Jeremy, sa mga gamit naman bumagsak si Tyrone samantalang si Archi ay nauntog ang ulo sa pader sa likuran niya. Masyadong mahigpit ang hawak niya kay Shane kaya hindi siya tumilapon.

"C-Cyne..." Napabitaw si Archi nang tumayo si Shane.

Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang sakalin ni Shane si Archi at isandal 'to sa pader habang dahan-dahang itinatayo.

"S-Shane! Mapapatay mo siya!" Tumakbo ako palapit sa kanya at sinubukang alisin ang kamay niya sa leeg ni Archi pero parang bato ang mga daliri niya. Nilingon ko siya at mas nagulat nang makitang kulay abo ang mga mata niya. "S-Shane..."

"Ilang beses akong nagmakaawa pero hindi n'yo ako pinakinggan!" Galit na galit ang boses ni Shane. "Umalis ka sa harapan ko!"

Tinabig niya ako at malakas na tumama ang likod ko sa pader. Napangiwi ako at halos maiyak sa sobrang sakit. Sinubukan kong bumangon pero masyadong masakit ang likod ko sa naging impact.

Kumilos ka, Lailanie. Mapapatay niya si Archi. Itinukod ko ang kamay at ganoon na lang ang pagdaing ko nang gumapang ang matinding sakit sa katawan ko. Nagulat ako nang makitang sasaksakin na ni Alliah si Shane nang bigla siyang tumilapon palayo. Nawalan din ng malay si Alliah nang tumama ang ulo niya sa pader.

"S-Shane, bitawan mo siya. Mahal mo siya di ba? Mapapatay mo siya 'pag di mo siya pinakawalan."

"Mahal?" Nakakalokong tumawa siya at pinagmasdan si Archi na nahihirapan ng huminga. "Hindi kita kayang mahalin. Kapag nakikita kita ay gusto kitang patayin. Masyado kayong maraming kasalanan sa akin."

Nagulat kaming pareho ni Archi. Nakikita ko sa mga mata niya na hindi niya alam ang sinasabi ni Shane. Kahit ako ay hindi rin siya maintindihan. Sino ba ang tinutukoy niya? At anong kasalanan?

"U-unti-unti mo na akong pinapatay, Cyne." Malungkot na ngumiti si Archi. "W-wala akong alam sa sinasabi mo pero kung dito ka sasaya, sige patayin mo ako."

"Archi!" pigil ko sa kalokohang iniisip niya. Nakita ko rin kung paanong lumuwag ang kamay ni Shane sa leeg niya.

"H-hindi ako magagalit sa 'yo, Cyne. Kasi mahal pa rin kita. Mahal na mahal pa rin kita." Nakita ko ang pagpatak ng luha ni Archi at pumatak 'yon sa braso ni Shane na tila napapasong binitawan siya. Bumagsak sa sahig si Archi na habol ang hininga samantalang napahakbang palayo si Shane sa kanya.

"A-Azi, s-sorry." Biglang nawalan ng malay si Shane kasabay ng pagbagsak ng mga gamit.

Mabilis namang nakakilos si Archi para saluhin siya. Doon lang ako nakahinga ng maluwag kahit ang sakit-sakit ng katawan ko. Nahiga ako sa sahig na iniinda ang likuran kong nabalian yata ng buto. Matapos maihiga ni Archi ng maayos si Shane ay ako naman ang inasikaso niya.

"A-aray, Archi!" angil ko nang diinan niya ang pagpisil sa likod ko. "Masakit!"

"Endure it." Tipid ang ngiti niya at bakas ang pagod sa mga mata. "Pasensya na sa nangyari. Nakagawa siya ng tatlong knockout at isang injured."

"Muntik na rin kaya akong mawalan ng malay." reklamo ko. "Mabuti na lang talaga at may dala akong ointment kaya gumiginhawa kahit papaano 'yong sakit."

"I saw what you did against Alliah a while ago. Thank you for protecting her." sinserong wika niya.

Hindi ako nakapagsalita at tinitigan lang siya. "You really love her."

"I am, Lanie. Mahal ko pa rin siya kahit ang sakit-sakit na."

"At siya lang ang makakapawi n'yan." Tinapik ko ang balikat niya. "Mukhang may laman ang mga sinabi niya kanina. 'Yon marahil ang dahilan kung bakit ayaw niyang magpakatotoo sa nararamdaman niya sa 'yo. Mahal ka rin niya, Archi, pero may pumipigil sa kanya."

"I know, Lanie. And all I can do is to break her walls. But while doing that, we have to find the reason why we are here in the first place. I almost forget about her."

Oo nga pala. Siya nga pala ang pakay namin.

CIEATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon