3rd Death: Zombies

879 55 1
                                    

3rd Death
Zombies

SHACYNE

"GOOD morning!"

I immediately stepped back when someone appeared right in front of me. Paanong hindi ako aatras kung muntik lang naman niya akong mahalikan?

"Kabute ka ba?" Masama ang tingin ko sa lalaking ngumiwi na lang at nagkamot ng batok.

"Sorry. Hehe~ Shane, ako si Jeremy." Inilahad nya ang kamay na para bang wala siyang nagawa.

"Alam ko." Sa halip tanggapin ay tinapik ko lang ang kamay niya. Pero halos manlaki ang mga mata ko sa sunod niyang ginawa. Umangkla siya sa braso ko na para bang close kami! Kingina!

"Sabay na tayo." Nagawa pa niyang ngumiti ng malawak sa kabila ng matatalim kong tingin sa kanya!

"Get off me." madiing wika ko pero nakangiting umiling lang siya.

Anak ng!

"Ayaw. Friends na tayo 'di ba?"

"Friends?" madiing wika ko. Nagsalubong din ang aking kilay dahil sa narinig. Malakas na hinatak ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. "Hindi mo alam ang sinasabi mo."

Agad ko siyang iniwan doon. Umagang-umaga ay nasira na niya ang umaga ko. Friends? Really? Kakakilala lang namin at hindi pa kami gaanong nag-uusap pero inaalok na niya ako ng pakikipagkaibigan? Tanga ba siya?

"Pero hindi natin siya kilala!" sigaw no'ng babaeng maarte.

Sa pagkakaalam ko ay wala pa akong ginagawa sa kanya kaya hindi ko alam kung bakit galit na galit agad sa akin ang babaeng 'yan. E, ngayon nga lang kami nagkita.

"Hindi rin niya tayo kilala pero tinulungan niya tayo." boses ng isa pang babae. "Akala ko ba'y pagpapasensyahan mo muna siya?"

"I will! Pero iba sa pagpapasensya ang sinasabi n'yo! You guys wants to trust her! Paano kung ipahamak tayo n'yan?!"

Ang aga-aga ay naririndi na agad ako sa bunganga niya. Mas sinisira pa niya ang sira ng umaga ko. Nakapasok ako sa kusina nang walang ginagawang ingay. Sumandal ako sa pader at humalukipkip habang pinagmamasdan sila. Kumakain na sila ng almusal at mukhang pupuntahan sana ako ni Jeremy para sabayan sila.

"Alin ba sa mga sinabi namin ang hindi mo maintindihan, Alliah?" Kalmado ngunit may diin ang pananalita ng lalaking pinakaseryoso sa kanila. Sa tingin ko rin ay siya ang pinakagwapo, pinakamatalino at pinakamatangkad sa kanila. In short, siya ang tumatayong lider nila.

Nagbaba ng tingin ang maldita at napalunok na lang. Bakas sa mga mata niya ang pagtutol at kagustuhang ipaglaban ang gusto. Pero dahil sa lider nila ay mas pinili na lang niyang manahimik.

"You really don't have to trust me." basag ko sa katahimikan.

Tumingin sila sa direksyon ko at bumakas ang gulat sa mga mata nila.

"K-kanina ka pa?" tanong no'ng isang babae.

"Obviously." sagot ko at nagkibit ng balikat. Nagsimula na akong magtimpla ng gatas at ramdam ko ang pagsunod ng tingin nila sa bawat galaw ko. "Nasa lugar kayo na bago para sa inyo. Hindi kayo dapat basta-bastang nagtitiwala sa kahit na sino. Kahit pa sa taong iniligtas kayo."

"Pero---"

"Kapag ba nasa isang survival game ka, magagawa mo pa ring magtiwala?" putol ko sa isa pang lalaki. "Lahat ng nasa laro, pwedeng maging traydor. Pwede nilang kunin ang tiwala mo para lang saksakin ka patalikod o harap-harapan man. Lalo na kung buhay n'yo ang pinaglalaruan."

"Pero wala tayo sa laro!" singhal non'g babaeng maarte. "And why are you acting like you know everything?!"

"I don't, sadyang marami lang akong nalalaman kaysa sa 'yo." Ngumisi ako at nagkibit ng balikat. "Nasabi ko na ang dapat sabihin. Nasa inyo na lang kung maiintindihan n'yo."

"Why don't you just say it directly?" matapang na tanong ng isang babae.

Putek. Kailan ko ba malalaman ang mga pangalan nila? Masyado na akong nahahabaan sa itinatawag ko sa kanila.

"What you have entered is hell. And you just willingly offered your lives to Lucifer. If you want to survive, know your enemies first. Bilisan n'yong mag-almusal, may pupuntahan tayo." Hindi ko na sila hinayaang makapagsalita at umalis na lang.

Paglabas ko ay hindi ako makapaniwalang nakatayo pa rin sa may pinto ng kwarto si Jeremy habang mahabang nakanguso.

"Shane..." Nag-puppy eyes siya na ikinairap ko.

"I don't want to be friends to anyone, Je. Be friending me means dying for me. So, think thrice before asking me such questions that you might regret in the future. At 'wag kang isip-bata, baka ikamatay mo 'yan ng maaga." I rolled my eyes and pulled something under the sofa. Isa 'yong katana na may lalagyanan pa. "Kumain ka na roon dahil may pupuntahan tayo."

Lumiwanag ang mukha niya at napasimangot ako sa sunod niyang ginawa. Niyakap lang naman niya 'ko!

"Mamamatay din naman kami rito kaya friends na tayo, Shane~"

"Putragis! Kumalas ka na nga Jeremy!" Naiirita na ako dahil hindi ako komportable sa ginagawa niya! Mabilis kong kinuha ang pocket knife at itinutok sa leeg niya. "Distansya o patay ka?"

"Shane naman..." Nakangusong bumitaw siya sa akin. "Friends na nga tayo 'di ba?"

"Ewan ko sa 'yo!" Masama ang tingin ko sa kanya at nakatutok pa rin ang kutsilyo sa direksyon niya. "Lumayas ka na sa harapan ko bago pa kita masapak ng todo."

"Hehe~ Heto na nga si Jeremy, oh. Papunta na siyang kusina." Paatras siyang naglakad papuntang kusina habang kabadong nakatingin sa kutsilyo.

Humakbang akong isa pasugod pero ayon at kasing bilis niya pa ang kabayo sa pagtakbo. Napailing ako at ibinalik sa pinagkuhaan ang pocket knife. Dala ang katana ay lumabas ako ng unit. Napahilot ako sa sentido. Umagang-umaga pa lang ay nakukunsumi na ako sa kanila. Paano pa kaya sa mga susunod na araw?

Baka ang mga tatanga-tanga na 'yon ang ikamatay ko at hindi ang mga nilalang dito. Jusko. Tumaas yata ang presyon ko sa pakikipag-usap sa isip-batang si Jeremy.

"Ampucha. Bakit ko nga ba kasi sila tinulungan? Para akong kumuha ng bato na ipupukpok sa sarili ko." pabulong na reklamo ko at naglakad na lang pababa.

Araw-araw ay ito ang ginagawa ko. Gigising ng maaga para lang i-check ang ibabang floors para patayin ang mga peste ng umaga ko. Hinugot ko ang katana mula sa lalagyanan nito at mabilis na sinugod ang unang papatayin ko. Ang isa ay naging dalawa at nadadagdagan pa sa paglipas ng oras. Wala naman akong magagawa kundi ang bawasan sila nang bawasan para mabawasan ang mga lintik na kalaban ko.

Kaso, dahil zombies sila, sa isang kagat ay mabilis silang magparami. Ayos. Pagpatay ng zombies ang exercise ko.

CIEATHWhere stories live. Discover now