38th Death: Not yet

379 27 0
                                    

JEREMY

"TITA, ano po 'yang itinuturok n'yo sa kanya?" tanong ko kay Tita Arci habang pinapanood siya sa ginagawa. May itinurok siya sa dextrose ni Kuya Archi na kulay asul na likido. Hindi sana ako papayag kung hindi ko lang naalala si Ate Shane. Sinabihan niya kasi ako na hayaan lang sila sa kung anumang gagawin nila kay Kuya pero dapat at idetalye ko sa kanya ang mga pangyayari.

"Antidote 'yon para sa lason." sagot niya at saka ngumiti. "Posibleng gumising na siya mamaya o di kaya naman ay bukas."

"Mabuti 'yon, 'ta. Pinag-aalala na po niya ako ng sobra e." Nakangusong sinulyapan ko si Kuya Archi.

"Ako rin e." segunda niya. "O sige. Maiwan muna kita, Jeremy. Ikaw muna ang bahala sa anak ko, ha?"

"Sige po, Tita." Matamis ko siyang nginitian at sinaluduhan. "Ako pong bahala kay Kuya."

Bahagya siyang tumawa at saka naiiling na lumabas na ng kwarto. Nang makasigurong wala na siya ay saka ko lang pinakawalan ang marahas na buntong-hininga. "Nasaan ka na ba, Ate Shane?"

Dalawang araw na ang nakakalipas mula ng makausap ko siya pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Nag-aalala na ako sa kanya at natatakot naman ako para sa amin ni Kuya Archi. Hindi ako komportable sa lugar na kinaroroonan namin kahit pa nandito si Tita Arci. May kung ano sa lugar na 'to ang hindi ko matukoy pero hindi ko na agad gusto.

Mahigpit kong hinawakan ang maliit na device na isiningit ko sa kama ni Kuya Archi kanina dahil sa biglaang pagdating ni Tita. Ibinigay ito sa akin ni Ate Shane noong araw na sinugod kami nina Alliah sa ospital.

"Ate naman..." Ngumuso ako at pinunasan ang basang mukha.

"Nangangako ako na hindi kita pababayaan at poprotektahan kita sa lahat ng paraang alam ko at kaya ko." nakangiting wika niya habang nakataas ang kanang kamay. "A promise that I'll never break in any ways. May pupuntahan kayong lugar ng kuya mo kaya binigyan kita ng isang gamit na pwede mong gamitin sa tuwing natatakot ka."

Naguguluhang tiningnan ko siya pero nakangiti lang siya sa akin na para bang wala siyang sinabing nakapagtataka.

"Ate..."

"Dumito ka lang at ako na ang bahala sa lahat." Nakangiting ginulo ulit niya ang buhok ko. "Wala kang dapat ipag-alala dahil hinding-hindi kita pababayaan."

'Yon ang huling sinabi niya bago niya kami iwan. Ilang segundo lang matapos noon ay may dumating na mga kalalakihan at kinuha kami ni Kuya Archi. Hindi ko sila kilala pero sumama ako. Na dala ang pangakong binitawan niya.

Pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Tumingin ako kay Kuya Archi. "Gumising ka na, Kuya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang dami kong tanong pero wala akong nakukuhang sagot. Nalilito na ako. Kailangan ko talaga ng makakausap lalo na at hindi sinasagot ni Ate Shane ang mga tawag ko."

Napanguso ako at pinagmasdan ulit ang itim na device. Kasing liit lang 'yon ng micro SD card pero hindi naman kasing flat noon. Para siyang isang piraso ng earphone na maliit. Dito ko nakausap si Ate Shane noong nakaraan at dito ko rin siya paulit-ulit na tinatawagan pero wala talagang sumasagot.

Agad kong naitago ang hawak nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Tita Arci na may kasamang tatlong lalaki na nakasuot ng mga puting kasuotan. Alerto akong napatayo at pinagmasdan sila.

"Sino sila, Tita? At bakit po sila nandito?" tanong ko. Pilit kong pinakakalma ang sarili kahit natatakot na ako sa loob-loob ko. Hindi maganda ang kutob ko sa kanila at sa mga posibleng mangyari sa amin dito.

"Ah, ililipat lang namin ng kwarto si Archi." sagot ni Tita.

"Sasama po ako." wika ko.

"O sige." Ngumiti siya at nilingon ang mga kasama. "Dalhin na sila."

Tumabi ako nang lumapit ang dalawang lalaki kay Kuya Archi para ilipat siya sa wheelchair. Mabilis akong naglakad para unahan sila sa pagtutulak ng wheelchair.

"Akona lang po." nakangiting wika ko. "Ituro n'yo na lang po ang daan."

Nakatinginan sila kaya mas lalo akong hindi napalagay sa kanila. Huhuhu! Nasaan ka na ba, Ate?

"Okay. Follow me, iho." wika ni Tita na naunang lumabas ng kwarto.

Agad naman akong sumunod sa kanya habang tulak-tulak si Kuya Archi. Samantala, nasa likod ko naman ang mga lalaking kasama niya. Tulad ng kwartong pinanggalingan namin ay puro puti lang din ang nakikita ko. Puti ang kulay ng mga pader at ganoon din ang suot ng mga nakakasalubong namin. Kung tutuusin ay para akong nasa ospital kung hindi nga lang kakaiba ang amoy dito. Malayo ang amoy nito sa amoy ng ospital. Hindi ko na lang isinaboses ang mga napapansin dahil baka ikasama pa namin.

Ilang minuto rin kaming naglakad at sumakay pa sa elevator bago nakarating sa lugar na nagpatindig ng mga balahibo ko. Mabaho rito, madilim at may mga kulungan din.

"Tita, anong lugar 'to?" tanong ko na nilalabanan ang takot. "Baka mas lalong hindi gumaling si Kuya rito."

"Ikulong na sila." malamig na utos ni Tita agad namang sinunod ng mga tauhan niya.

Hindi na lang ako nagpumiglas nang marahas nila akong itulak papasok sa isang kulungan kasama si Kuya Archi. Ikinandado nila ang rehas at saka umalis kasama si Tita Arci.

Tama nga si Ate Shane, hindi ako dapat basta-bastang nagtitiwala sa kahit kanino. Kahit pa sa mga kakilala ko. Napailing na lang ako. Kumunot ang noo ko nang biglang may spark na lumabas sa rehas at parang may tila mga bubuyog na bumubulong sa paligid. Dahil sa kuryosidad ay lumapit ako sa rehas at idinikit ang hintuturo roon.

"Aray!" ngawa ko habang pinagmamasdan ang hintuturo na namumula at namamanhid. Sa rehas nanggagaling ang tunog na parang bubuyog dahil sa kuryenteng dumadaloy doon.

"Ay tanga." puna ng isang pamilyar na boses.

"Maldita!" gulat na tawag ko sa babaeng nasa kabilang kulungan sa kaliwa ko. "Bakit nandito ka? At bakit si Tyrone lang ang kasama mo? Nasaan si Lanie? Kasama n'yo ba si Ate Shane?"

"Hoy, duwag!" wika niya na pinandilatan pa ako ng mga mata. "Kung makapagtanong ka, dinaig mo pa ang reporter a?! Suntukan na lang o!"

Napanguso ako. "Sagutin mo na lang."

Sinamaan niya ako ng tingin bago 'yon ilipat sa likuran ko. "Ano?! Hindi pa rin gising 'yan?!"

"You have eyes to see naman di ba?" sarkatikong wika ng babaeng hindi pamilyar sa akin ang boses.

Sa likod ko nanggaling ang boses kaya lumingon lang ako at nakita ang hindi pamilyar na babae na nasa kulungan sa kanan ko at kasama si Lanie. Nakahinga ako ng maluwag dahil ligtas sila.

"Sinong kausap mo?" pabalang na wika ni Maldita. "Hoy, duwag. Nandito kami kasi rito kami dinala. Hindi ko alam kung bakit ito ang kasama ko. Nakita mo na rin si Lanie dahil nasa likod mo lang naman siya. At bakit sa akin itinatanong si Shane? Kayo ang magkasama di ba? Nasaan na nga ba siya?"

Kaya ako nagtanong sa kanya e. Mas humaba ang nguso ko at saka sinagot siya ng iling. "Hindi ko alam."

Nagsalubong ang kilay niya at akmang aawayin na ako nang bigla niyang ilapat ang hintuturo sa bibig para patahimikin kami. Sumunod kami at nakiramdam na rin. May naririnig akong kalabog sa itaas. Muntik na akong mapasigaw sa takot nang biglang may bumagsak sa harapan ko at tinakpan niya ang bibig ko.

"Oy, speaking of the devil." wika ni Keann.

"Finally, friend!" wika naman noong hindi ko kilalang babae. "You're here!"

Pinakawalan na ni Ate Shane ang bibig ko at seryosong tiningnan kaming lahat bago sabihin ang mga salitang hindi ko maintindihan.

"I'm not here to save you. Not yet."

CIEATHWhere stories live. Discover now