31st Death: Confused

447 30 2
                                    

KELLY ANN

"PUNTAHAN n'yo muna sila." seryosong utos ni Shane sa dalawa na nagtataka man ay agad na sumunod.

Kumakabog naman ang puso ko sa mga nalaman ko ngayon lang. Grabe na dis!

"I'm confused." Napahilot sa sentido si Shane at pabalik-balik na naglakad-lakad habang hawak ang picture na ibinigay ni Lanie.

"I'm nahihilo naman because of you." maarteng wika ko at umupo sa mesa ng reception area. Isang masamang tingin ng iginawad niya sa akin na hindi ko na pinansin. "Pero ano nga ba ang nakakapagtaka roon? Syempre, nagmilagro 'yong tatay at nanay ni Archi kaya nabuo si Ella."

Okay, pasimpleng way to gather information. May nalalaman naman na ako kahit kaunti. Pero kailangan ko pa rin ng kasiguraduhan na tama ako.

"Pero hindi 'yon ang ibig kong sabihin." bulong niya na para bang sarili lang niya ang kausap niya.

Hello? Nage-exist po ako, madam! Gusto ko sanang isigaw sa kanya 'yon pero 'wag na lang. Baka ako pa ang mabugahan niya ng apoy.

"Paanong hindi? Shane naman, isa siyang sperm na mabilis lumangoy kaya nabuo." sagot ko. Teka, parang bumabastos na ang bunganga ko a?

"Keann, hindi pwedeng si Ella ang maging kapatid ko." Bakas ang sobrang pagkadisgusto sa boses niya.

Kunot ang noo na nilingon ko siya. Sa itsura niya ngayon ay daig pa niya ang binagsakan ng langit at lupa. Pero kahit problemado na ay maganda pa rin siya. Sana ol.

"Bakit naman hindi pwede?" Nagtatakang ko siyang tiningnan pero nakatingin lang siya sa akin. "Hoy, bakit nga?"

Sa halip sumagot ay sinimangutan niya ako at inilingan bago siya magsimulang maglakad palayo. Inisip ko namang mabuti kung bakit hindi niya pwedeng maging kapatid si Ella pero walang pumapasok sa isip ko.

Bakit parang nagiging makakalimutin na ako? Napakamot ako sa sentido.

"Nakababatang kapatid siya ni Archi." Boses ni Lanie sa isipan ko.

"Ano naman ngayon?" iritadong bulong ko. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko hanggang sa mapapalakpak ako ng isang beses. "Shit! Incest 'yon, Shane! Oh gosh! Ipagdadasal ko na hindi siya kapatid ni Archi---!" Natigilan ako sa pagsasalita at nilingon siya na tumigil nga sa paglalakad pero nakatalikod naman sa akin. "Paano kayo naging magkapatid ni Archi kung magkaedad lang naman kayo? Oh my gosh! Kambal kayo?!"

"You know what?" Nababagot niya akong tiningnan.

"What?"

"Inumin mo na ang gamot mo bago ka pa matuluyan." Mabilis na tinalikuran na ulit niya ako bago nagmartsa palabas ng ospital.

"Demonyita talaga ang isang 'to." Inirapan ko ang papalayong pigura niya bago mahiga sa desk. Napaisip akong muli sa mga narinig ko. "Pero imposible nga na maging kapatid niya si Ella. Wala siyang kamukha sa dalawa."

Totoong wala akong alam kay Shane maliban sa pangalan niya. Wala akong alam sa nararamdaman at nakaraan niya. Pero dahil ako si Keann, inobserbahan ko siya. Noong magkasama pa kami, madalas ko siyang tinitingnan para obserbahan ang bawat kilos niya. Sa tuwing nagsasalita siya, bukas na bukas ang dalawang tenga ko. Ganoon ako ka-attentive sa kanya kahit magalit pa siya sa akin o magmukha akong tanga, wala akong pakialam. Worth it naman ang lahat ng iyon dahil nakilala ko pa siya ng higit pa sa pangalan niya.

Kung hindi ako naging mapagmasid, hindi ko malalaman sa mga pananalita niya na may mabigat siyang pinagdaanan o pinagdadaanan. Kung hindi ko siya madalas na tinitingnan, hindi ko makikita ang pagbabago ng kulay ng mga mata niya. At dahil doon ay alam kong may kakaiba sa pagkatao niya. May hinala na ako noon pa man kaya hindi na ako nagugulat sa mga kaya niyang gawin. Bumibilib na lang ako.

At salamat 'yon sa eyesight ko na dinaig pa ang pagiging CCTV.

"Nasaan si Shane?"

"O, duwag. Nandito pala you?" Tiningnan ko si Jeremy nang hindi bumabangon sa pwesto. Nasa may ulunan ko siya kaya tumingala lang ako. Napakunot ang noo ko. Parang may mali.

"Wag mo 'kong titigan, Maldita." Ngumisi siya ng pagkalawak-lawak. "Baka magkagusto ka sa akin."

"Ha! Kumakapal na yata ang pagmumukha mong duwag ka?!" singhal ko at saka bumangon. Nanghihilakbot na itinuro ko ang sarili ko. "Ako? Magkakagusto sa iyo? Hoy! Masyadong mataas naman yata ang bilib mo sa sarili! Manghilakbot ka nga, duwag!"

"Masyado ka namang defensive." bagot na wika niya at inirapan pa ako bago ako talikuran at layasan.

"A-aba't! Hoy!" Wala na akong nagawa at hinabol na lang siya ng masamang tingin habang nakaturo sa kanya. Ibinaba ko na lang ang daliri dahil nakakangawit din. Gusto ko sanang batuhin siya ng sapatos ko kaya lang ay 'wag na. Masyadong ng common 'yon at masasayang lang ang lakas ko kaya 'wag na lang talaga.

"Mukha kang tanga diyan."

"Juice colored!" Sa sobrang gulat ay nawalan ako ng balanse at nahulog sa mesa. Kahit masakit ay nagawa ko pa ring tumayo at samaan ng tingin ang salarin. "Ano ba, Shane?! Ang sakit!"

"Hindi ko na kasalanan na hindi mo naramdaman ang presensya ko." Hindi 'yon tanong dahil obvious naman na ako pa ang nasisi sa nangyari. Mapanuri niya akong pinagmasdan. "What's bothering you?"

"Wala a!" sagot ko na may kasama pang pag-iling. "Wala talaga!"

Wala akong balak sabihin sa kanya ang nararamdaman kong ito. Ramdam ko kasi na may kakaiba pero hindi ko naman alam kung ano 'yon. Ayaw kong magsalita dahil baka namamali lang ako.

"If you say so." Nagkibit-balikat siya at lumabas sa loob ng nurse desk.

Oo, ginulat niya ako mula sa likuran. Masyadong okupado siguro ang isip ko kaya hindi ko siya naramdaman. Pero ako lang ba? O talagang may nakita akong ngisi sa labi niya?

"Wala naman talaga." Ngumuso ako at hinimas ang balakang. Hindi na ako nag-abala pang pagpagpagan ang pang-upo dahil madumi na rin naman 'yon.

"Tss. Wala naman akong sinabi. Ihanda mo na lang ang sasakyan dahil aalis na tayo." Tinalikuran na niya ako at naglakad papunta sa direksyon na tinahak ni Jeremy.

Sinundan ko lang siya ng tingin. "Masusunod po, mahal na reyna!"

Hindi ako agad umalis sa pwesto ko. Ramdam kong may kakaiba sa awra niya na hindi ko matukoy kung ano.

Pero sigurado akong masamang pangitain ito.

CIEATHWhere stories live. Discover now