26th Death: Limit

504 33 4
                                    

ALLIAH

"WHAT the hell is happening here?" I gritted my teeth when nobody answered me. Masama ang tingin ko kay Shane na inaasikaso ni Archi.  Nagpahinga lang kami at ito na ang nabungaran ko! Idagdag pa na nakangiti si Archi habang inaasikaso ang malanding babae na halata namang walang pakialam sa kanya!

"Hindi 'yan bubulagta ng dahil lang sa masamang tingin mo. Subukan mong magpakita, malay mo himatayin siya sa takot."

I threw a glare to this gray hared pucca who's smiling at me like an idiot. No'ng una ko pa lang siyang makita ay alam ko ng hindi ko siya makakasundo. I can feel that she's an alagad of that bitch.

"Hindi ako nakikipag-usap sa basura."

"At hindi ako nakikipagkaibigan sa traydor." She's smiling like she won on something. "Bakit natigilan ka? Hala! 'Wag mo sabihing traydor ka?!"

She said those words exaggeratedly kaya nakuha namin ang antesyon ng mga nasa pantry. Mas sumama ang tingin ko sa babaeng 'to. I want to kill her too.

"Keann, hindi mo dapat ibinobroadcast 'yan. Sige ka, sasaksakin ka n'yan sa likod."

I don't know if Lanie's trying to warn her or she's simply insulting me or probably both. She's smirking playfully kaya hindi ko alam ang gusto niyang iparating. Pero kahit ano pa man 'yon, isa lang ang gusto kong gawin sa kanya at 'yon ay ang patayin siya kasama ang mga malalandi niyang kaibigan. Just one more, Lanie, and I won't hesitate to do what I want when I get the chance.

"Oopps, sorry! I didn't mean to broadcast it!" Nakangising yumuko siya sa harapan ko na hindi ko naman nagustuhan lalo na ang sunod niyang ginawa. She fucking took a step forward at mabilis na umikot kaya sumampal sa mukha ko ang pangit niyang buhok!

When I looked at her, she's already hopping towards Jeremy's direction. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagkindat niya kay Tyrone na tumawa lang. I felt my blood boiled and the urge to pull her hair but I stopped myself from doing so. I'll just add you to my list. 

Napairap ako at tumabi na kay Tyrone. My forehead knotted when he didn't utter a word to me or even glance at me. Did he just ignore me?

"We'll be leaving tomorrow at 2 o'clock in the morning." The bitch announced while we're eating.

"That's too early." reklamo ko.

"Then don't come." Archi stated coldly without looking at me. He's fucking busy making papansin to the bitch. "Eat, baby."

The bitch rolled her eyes and looked at Jeremy. "Kumain ka raw, Je."

Jeremy was busy flirting with the new bitch named Keann kaya napakurap-kurap pa siya at parang nagloloading sa nangyayari. Great, they're pissing me off. Big time.

"Aw, that maybe the reason why you're a coward." Keann stated innocently before chuckling. "Don't worry, nandito ako para ipamukha talaga sa 'yo 'yon, baby coward."

"Shut up, maldita." Jeremy pouted then glared at her.

"Be brave, coward."

"Lanie, ang sarap mo talagang magluto."

Mabilis pa sa alas kwatrong nilingon ko si Tyrone dahil sa narinig sa kanya. Mabilis siyang sumusubo na para bang wala siyang pakialam kung mabulunan siya. Lanie scoffed the rolled her eyes.

"Mabulunan ka sanang patay gutom ka."

How dare her to treat him like that?!

"Pero mas masarap ako." I whispered seductively and lightly bit his ear. But to my dismay, he ignored me again. Dahil sa iritasyon ay malakas na hinampas ko ang mesa kaya natahimik sila at tumingin sa akin. "Kumakain ba kayo o naglalandian?"

"Inggit alert! Inggit alert! Wala siyang partner! Wala siyang partner!" Keann said those words like a parrot who keep repeating her words.

I gave her my deadliest glare kasabay ng mabilis na pagbato ko ng tinidor sa kanya. My eyes widened unbelievably when she catches it between her two fingers.

"H-how did you...?" I was obviously shocked dahil masyadong mabilis ang naging pagbato ko pero nagawa pa rin niyang saluhin ng walang kahirap-hirap. I stared my hand for seconds. She really gave me an unnatural speed. But why the hell is she faster than me?

"Oy, maliit na bagay lang 'yong pagsalo ko no. Pero dahil ako si Keann at mas mabilis ako sa 'yo, malamang na magugulat ka nga talaga." She winked at me while smiling triumphantly. Ibinaba niya ang tinidor sa mesa habang nakatingin sa akin. Sumeryoso ang mukha niya. "Sa susunod 'wag mo akong aatakehin kapag malapit sa akin ang duwag na 'to. Dahil kahit ako ang puntirya mo, kung ang duwag naman na 'to ang natamaan mo, patay ka sa reyna ng leader mo."

And that's when I felt the familiar cold. Lagi akong nilalamig sa tuwing tinitingnan niya 'ko. I gulped before glancing at her bravely. Inirapan ko siya para itago ang kaba at takot ko. It was just seconds but I saw it clearly. Her eyes were too cold na para bang gusto niyang pagyelohin ang buong pagkatao ko.

No, I shouldn't fear her. It should be the other way around. I exhaled sharply as I gathered my strength at saka sila padabog na nilayasan. They really want ti die huh?! Then I'll kill them mercilessly!

"Akala mo'y kung sinong magaganda, malalandi lang naman!" Iritadong sinipa ko ang pasong may halaman na nasa sulok. Sa lakas ng pagkakasipa ko ay inakala kong mababasag 'yon pero ako lang ang nasaktan! "Fuck! That hurts!"

Naiinis na sinamaan ko ng tingin ang paso bago tumingin sa bintana. May ilang parte ng building ang gawa sa glass kaya natatanaw ko ang labas.

"Why are you doing this, Alliah?"

"Archi..." Nilingon ko siya at nakitang nakatingin din siya sa labas. "Ha! Ako dapat ang nagtatanong sa 'yo n'yan di ba? Nandito tayo para hanapin siya pero ano 'tong ginagawa mo? She's a monster, Archi. Hindi mo ba nakikita 'yon ha? O baka nakakalimutan mo ang mga kaya n'yang gawin? She can fucking kill us, Archi! Oh wait, muntik na nga pala kayong mamatay. Pero heto ka at lumalapit pa rin sa taong muntik ng pumatay sa 'yo at papatay sa 'tin."

"Wala kang karapatang pagsalitaan o kwestyunin siya ng ganyan." And here comes the second bitch, Lanie.

"I'll say what I want because I have a mouth." I rolled my eyes at her as I crossed my arms.

"Yeah, a filthy one." She raised her brow at me. "Baka nakakalimutan mong hindi ka talaga kabilang sa grupo namin at ikaw ang nagmakaawang sumama sa amin dito. Let's go, Archi."

Hinila niya na si Archi kaya wala akong nagawa kundi ang habulin sila ng masamang tingin. Mariing naikuyom ko ang kamao.

"Oh. Calm down, bitch." Biglang sumulpot sa harapan ko ang batang nagbigay sa akin ng kakaibang bilis.

"Mabuti at nandito ka. Let's proceed to next plan."

You already reach my limit. Magkita-kita na lang tayo sa impyerno.

CIEATHWhere stories live. Discover now