24th Death: Keann

524 34 1
                                    

Hi pillar_! Sorry natagalan but here you are! Namiss ka rin nila. Anyway, keep reading and always be safe.❤

KELLY ANN

AYAN naaa! Tang in a juice! Hukom na!!! Tili ko sa aking isipan habang iniiwasang mapatingin kay Shane. Pusang ina! Nakakahilo na diz!

Kanina pa umiikot ang mga mata ko saan mang panig ng kwarto 'wag lang magtama ang mga paningin namin. Nawalang parang bula ang tapang na ipinakita ko kanina. Syempre, tulog siya at may mga kasama naman ako kanina kaya malakas talaga ang loob ko! Pero ngayon?! Hindi naaa!

"Lalo kang nagmumukhang tanga d'yan." wika niya na ikinasimangot ko lang. Tumayo siya bigla kaya naalerto naman ako. Kumunot ang noo niya at hinarap ako nang may matalim na tingin. "Nababaliw ka na no?"

"Syempre hindi." sagot ko at nginusuan siya. "Mauubusan na kami ng pagkain kaya nandito ako para manguha at para tingnan ka na rin. Baka kasi nagkaroon ka na ng amnesia at kinalimutan na kami."

"Grabe. Isa lang ang itinanong ko pero ang dami mo ng sinabi." Umiling-iling siya habang may mumunting ngisi sa labi. "Gising na ako kaya pwede ka ng lumabas."

Napakurap-kurap ako at hindi makapaniwalang tiningnan siya. "Yon na 'yon? Hindi mo man lang ako tatanungin kung bakit nauubusan na kami ng pagkain? O di kaya'y saan galing 'yong gamot na pinainom na sa 'yo?"

"Bakit ako magtatanong ng mga tanong na obvious naman ang sagot? Bakit? Mauubos ba 'yong pagkain kung hindi kayo kumakain? Malamang kinakain n'yo kaya nga nauubos e. At malamang na si Lerine ang nagbigay sa 'yo ng gamot. Hindi ka naman marunong magteleport gaya niya kaya saan mo makukuha 'yong gamot di ba?" Mahabang litanya niya habang gamit ang tono na nagpapamukha sa 'yong ang bobo mo.

"Letse! Ayos na nga ang pakiramdam mo!" Nakasimangot na nagmartsa ako palabas at iniwan siya sa loob. Bakit ko rin ba kasi itinanong sa kanya 'yon? Tsk. Nakakabobo talaga ang lugar na 'to.

Mabilis na umikot ako pakaliwa para iwasan ang biglaang pag-atake sa akin ng kung sino. Nang tingnan ko ang pwesto ko kanina ay may bala ng nakabaon sa pader. Nakasimangot na hinarap ko ang mga kasama ni Shane at pinameywangan.

"Anong problema n'yo sa kagandahan ko ha?!" Tinaasan ko sila ng kilay para hindi halatang nagulat ako sa sinabi ko. Juice colored! Nahahawa na ako sa GGSS kong prend!

"Who are you? And what kind of drug is this?" tanong ng lalaking pinakaseryoso sa kanila.

Tss. Gwapo sana pero katacute! Napalunok ako at pilit na nag-ipon ng tapang. Pusang gala! Hindi na ako magtataka kung sila ni Shane ang magkatuluyan!

"My name is Kelly Ann but Keann na lang pata masaya. At drugs 'yan na nagpapagaling kay Shane."

"I obviously know that. Gising na nga siya di ba? But that's not the answer I am looking for, miss. What. Kind. Of. Drug. Is. This?""

Napapadyak ako ng mga paa dahil napakaseryoso niya at nakakatakot siya. Nangangatog na 'yong mga tuhod ko kaya kailangan ko na silang igalaw bago pa ako maestatwa rito. "Alam kong maganda ako pero hindi ako ready sa Q and A!"

"Ang sabihin mo, wala ka lang brain." sabat no'ng batang duwag.

"Ang sabihin mo, duwag ka lang." panggagaya ko sa kanya bago seryosong harapin ang masungit na lalaki. "Hindi ko alam kung anong klaseng droga 'yan. At kung alam ko man ay hindi ko rin sasabihin. Mas mabuting si Shane ang tinatanong mo sa mga bagay na gusto mong malaman."

"How can I ask her if she don't want to talk to me?"

Aray, 'yon lang. Naramdaman ko ang lungkot na panandalian kong nakita sa mga mata niya. Grabe, emotionless ang mukha at malamig ang boses niya pero nasa mga mata niya ang pasulyap-sulyap na nararamdaman niya. Hays, ang galing niyang magpanggap.

"I don't know what kind of drug is that either." sagot ni Shane na sa wakas ay lumabas na ng kwarto. Iba na ang suot niyang damit. "Magpahinga na kayo. Mukha na kayong mga animal sa zoo sa itsura n'yo. Alliah, pwede kang sumama sa kanila. Nasa labas lang naman ako kaya madali kitang mapapatay kung sakali mang may ipahamak ka na naman sa kanila."

Nalaman ko agad kung sino si Alliah nang samaan niya ng tingin ang nakangising si Shane. Awit. Mukhang may trayduran dito a!

Pumasok na silang apat sa kwartong nilabasan ni Shane. Nakipagsamaan pa ako ng tingin sa batang duwag hanggang sa makapasok siya. Pagharap ko ay nakita ko si Shane na nakataas ang kilay sa akin. Napanguso ako. Hindi naman talaga ako takot kay Shane pero may kung ano sa kanya ang agad nakakapagpatiklop sa akin.

"Sa kanya mo ba naramdaman?" makahulugang tanong ko nang makalapit sa kanya. "Ang lakas e."

"Yeah." Tumango-tango siya bago ako taasan ng kilay. "Lumayas ka na at kumuha ka na ng mga pagkain."

Nakasimangot na inirapan ko siya at mabibigat ang mga hakbang na naglakad palayo sa kanya. "Grabe talaga ang babaeng 'yon. Hindi ba niya ramdam na namiss ko siya?! Nag-alala rin ako sa kanya! Pero keribels lang, pasalamat na lang siya na alam kong mahal niya kami!"

Dahil medyo alam ko na ang pasikot-sikot sa Cieath ay alam ko na kung saan nakalagay ang mga daang dapat daanan sa oras ng kagipitan. Sadyang alam ko rin 'yon dahil katulong ako ni Shane sa pagkabit ng mga kahoy at tali. 'Yong iba nga ay hindi na namin nilagyan dahil kaya namang talunin. Mas pabor nga sa akin ang magpatalon-talon na lang dahil hindi hassle at hindi aksaya sa oras.

Pumunta ako sa malalapit na pwedeng kuhanan ng supply. May mga eco bag naman na nakasabit kaya may paglalagyan ako ng mga kukunin ko. Apat na bag ang kukunin at dadalhin ko pero hindi ko gaanong pupunuin. Dinampot ko na ang lahat ng pagkain na pwede pang kainin. Tinitingnan ko ang expiration date ng mga pagkain at kinukuha pa rin ang mga pwedeng remedyuhan kahit expired na. Ibinubukod ko nga lang sila.

Nang matapos ay lintik na pahirapan naman ang pagdadala pabalik. Pero dahil ako si Kelly Ann, walang pagsubok na hindi ko nalulusutan. Mabilis ngunit maingat akong tumulay sa mga kahoy habang ibinabalanse ang katawan. Kapag nahulog, edi patay. Kapag hindi, edi buhay! Sa lugar na 'to ay isa lang naman sa dalawang 'yon ang kahahantungan ng mga naririto. Mabubuhay ang mga lumalaban at mamamatay ang mga nagpapakain sa takot. Aaminin kong nakakatakot talaga ang mga nilalang dito dahil hanep talaga ang mga pangit na itsura nila pero mas trip ko pa silang pagpira-pirasuhin kaysa sumigaw at ipangalandakan ang pangit nilang itsura.

Oo, buhay pa ako dahil pumapatay ako. Kung hindi ko gagawin 'yon, baka hindi na ako humihinga ngayon.

CIEATHWhere stories live. Discover now