23rd Death: Wake

547 33 1
                                    

JEREMY

"ATE Shane naman. Gumising ka na, please." Nakangusong pinupunasan ko ang mukha niya gamit ang basang bimpo. "Para na akong mamamatay sa sobrang pag-aalala."

Oo nga at masaya akong buhay siya pero nag-aalala pa rin ako dahil ang taas-taas ng lagnat niya at panay ang pagdugo ng ilong niya. Walang nurse ang lugar kaya hindi namin siya mapatingnan kahit kanino. Kami lang naman kasi ang tao rito. Pinapainom lang namin siya ng paracetamol pero hindi talaga bumababa ang lagnat niya. Ito na ang ikatlong araw na nasa ganito siyang kalagayan at natatakot na ako.

"Wag mo naman akong iwan, Ate. Kailangan mo pa akong alagaan dahil sinaktan mo ako no'ng nakaraan. Alam mo bang masakit pa rin ang likod ko?" reklamo ko at ngumuso. "Kababaeng tao ang lakas-lakas mo. Parang ipis na pinitik mo lang kami."

Mas humaba ang nguso ko at muling binasa ang bimpo na ipinapampunas ko sa mukha niya. Wala na kami sa stockroom pero nasa iisang building pa rin kami nasa ibang floor lang. Hindi kami makakaalis kung ganito ang sitwasyon ni Ate Shane dahil pare-pareho kaming mapapahamak. Hihintayin namin siyang gumaling bago umalis dito. Inihanap siya ni Kuya Archi ng maayos na hihigaan at nagkaroon na rin sila ng routine para mapanatiling ligtas ang lahat. Si Lanie ang naghahanda ng pagkain, si Tyrone ang nag-iikot at naghahanap ng magagamit namin sa buong building, samantalang sina Kuya Archi at Alliah ang umiikot at nagbabantay sa lahat ng pwedeng pasukan ng mga kalaban. Ang naitutulong ko lang sa kanila ay ang alagaan si Ate.

"Jeremy."

Tumalon ang puso ko sa pamilyar na boses na tumawag sa akin. Napangiti ako ngunit nang lingunin ko si Ate Shane ay nakahiga pa rin siya at walang ipinagbago ang pwesto niya. Pero sigurado akong kay Ate Shane ang boses na 'yon. Kumunot ang noo ko at nagkibit-balikat na lang.

"Jeremy."

Huhuhu! Ayan na naman!

"Behind you, idiot."

"B-bakit behind? Front dapat di ba? Ate Shane?" Hindi ako makakilos dahil natatakot talaga ako. Nakatingin lang ako kay Ate Shane na natutulog sa harapan ko. Huhuhu! Hindi na yata alam ni Ate Shane ang pagkakaiba ng behind sa front!

"Tsk. May kasama pala si Shane na matatakutin dito." Hindi na 'yon boses ni Ate Shane pero babae pa rin. Imposibleng si Lanie o si Alliah 'yon dahil busy sila ibaba!

Pero bakit hindi ko man lang nakita ang pagpasok niya rito? Napalunok ako. H-hindi kaya multo 'to?!

"Jeremy, okay ka lang ba?" tanong ni Lanie na kakapasok lang sa nakabukas na pinto. "Naririnig kitang parang may kinakau---"

Nakita ko kung paano siyang natigilan at mabilis na itinutok ang espada sa bandang likuran ko.

"M-multo ba, Lanie? Multo ba?" tanong ko kaya sa akin napunta ang paningin niya.

"Hindi." sagot niya at muling hinarap ang babae. "Sino ka? Paano ka nakapasok dito?"

"My name is Kelly Ann but call me Keann. At nakapasok ako dahil dumaan ako sa pintong dinaanan mo."

Hindi ko masabi kung sarkastiko 'yon o sadyang malumanay lang ang boses niya. Umayos ako ng upo para makita siya. Nakakita ako ng babae na kaedaran lang nina Ate Shane pero dahil sa ayos niya ay nagmumukha siyang bata. Kulay abo ang buhok niya at may dalawang naka-bun sa tuktok. May dalawa siyang doorbell. Hehe.

"Pero bakit nakasuot ka rin ng uniporme namin?" Napatakip ako sa bibig dahil hindi ko sinasadyang maisaboses ang tanong na 'yon.

"He's right. Pero bakit hindi kita kilala?" tanong ni Lanie. "Hindi pamilyar ang mukha mo sa akin."

"Hindi ko na problema 'yon. Anyway, I'm not here to chitchat with you." May ibinato siya sa akin na kung ano na agad kong nasalo. "Ipainom mo na agad sa kanya 'yan nang walang tubig kung gusto mo pa siyang mabuhay."

Nang buksan ko ang palad ay nakakita ako ng mga transparent capsule na may asul na likido sa loob. "Ano 'to? Baka lason 'to a."

"Sige lang, tagalan mo pa para matigok na 'yan."

Walang imik na ipinainom ko 'yon kay Ate Shane. Wala naman akong choice kundi subukan na ang lahat ng paraan sa kanya. Alam kong kakaiba si Ate Shane at kakaiba rin ang gamot na ibinigay niya kaya umaasa akong 'yon na talaga ang gamot na para sa kanya. Ipapadalaw ko na lang sa kanya ang babaeng ito kapag hindi pa siya nagising!

"Oo nga pala. I used a voice changer to copy her voice." Mahinang tumawa si Keann. "It was fun seeing you afraid."

"Maldita." Masama ang tingin ko sa babaeng nakasandal na sa pader at nakahalukipkip.

"Duwag." Ngumisi siya na ikinairap ko. Tumingin siya kay Lanie at umiling. "Ibaba mo na ang espada mo dahil mangangawit ka lang. I'm here to help and not to create chaos."

"Wala akong tiwala sa 'yo."

"Oh, the feeling is mutual." Ipinaikot niya ang mga mata. "Pero hindi ko gagawing tanga ang sarili ko gaya ng ginagawa mo."

Bastos din ang bunganga niya. Napanguso ako sa isiping 'yon at sinulyapan si Ate Shane. Gumising ka na, Ate. May kasama ka ng brutal magsalita. Pero syempre, sa iyo pa rin ang korona. Hehe.

"Tss. You came late."

"Ate Shane!" Nanlalaki ang mga mata ngunit mabilis ko siyang inalalayan sa pag-upo. Mabilis din akong kumilos para kumuha ng bottled water sa bag ko. "O, inom ka muna."

"Thank you." wika niya bago inumin ang tubig. "Fuck, taste like blood."

"Ew." komento ni Keann. "Anyway, 'wag ka ng magreklamo. May inasikaso pa 'ko."

"Pwede bang iwan n'yo muna kaming dalawa?" Nilingon ni Ate Shane si Lanie at ako.

"Okay. Tara na, Jeremy."

Tiningnan ko si Ate Shane at nakangusong tumango bago bumulong "Mag-ingat ka, Ate. Ginagaya ka kasi ng maldita d'yan."

"Naririnig kita, duwag."

Mahinang tumawa si Ate Shane na ikinanguso ko. Kinakampihan niya ba 'yang maldita na 'yan?!

"Sige na, bata. Layas na."

Mas humaba ang nguso ko sa sinabi niya. Ngumiti lang si Ate Shane at ginulo ang buhok ko. Wala na akong nagawa kundi ang tumayo at sumunod kay Lanie na hinihintay ako sa may pinto. Isinara ko 'yon nang makalabas ako.

Masyadong seryoso ang mga mata ni Ate Shane at ganoon din ang babaeng maldita na 'yon. Mukhang seryoso ang pag-uusapan nila. Napailing ako at napangiti. Bahala na sila roon. Ang mahalaga gising na si Ate Shane!

CIEATHWhere stories live. Discover now