7th Death: Pissed

710 50 3
                                    

7th Death
Pissed

SHACYNE

ANAK ng galunggong!

Hindi ako natutuwa sa nadatnan ko. Naabutan ko lang naman ang mga bobong 'to na naglalandian!

"Didn't I tell you my two golden rules? Kung gusto n'yong gumawa ng kababalaghan ay humanap kayo ng ibang unit!" I can't help but to raised my voice to them. Pakiramdam ko ay isa akong toro na malapit ng sumugod sa kanila. "I don't want my unit smell like sex! Wala ba kayong kahihiyan sa katawan?!"

Kingina. Napahilot ako sa sentido sa sobrang iritasyon. Pagod na nga ako't lahat tapos ito pa ang dadatnan ko. Bilib din naman ako sa mga kinginang bobong 'to. Nagawa pa nilang magpakasarap gayong nasa lugar na sila na maaari silang mamatay anumang oras. Masama kong tiningnan si Alliah na nakaupo pa rin sa kandungan ni Tyrone.

Akala ko pa nama'y matino ang isang 'to.

Hubad ang dalawa at ang mga damit nila'y nagkalat saan mang parte ng salas. Ngayon pa lang ay pinagsisisihan ko na talagang tinulungan ko pa sila.

"Anong nangyayari?!" sigaw ni Lailanie na lumabas sa isa sa tatlong kwarto ng unit na 'to.

My eyes widened when I saw her wearing a large shirt at nasa likod niya ang topless na lider nila. Napalunok ako at malalim na bumuntong-hininga kasabay ng pagpikit ko. Pagmulat ko ay tumalim ang mga mata ko sa kanila.

"Layas." madiing wika ko.

"P-pero, Ate---" Jeremy tried to approach me but one glare from me and he shut up like a pup.

"Don't make me repeat what I just said or you'll find yourself being devour by those stupid creatures. And Jeremy, you can choose which side you are going to take." I said those words as cold as ice without any hint of emotion in my face. "Iwan mo na lang sa kusina ang parte ko."

Patukoy ko sa parte ko sa mga pagkaing kinuha namin. Hindi ako tanga para ibigay ang parte ko sa kanila. Masyado naman yata silang sinuswerte. Ako ang kumuha at nakipaglaban tapos ang mga gunggong na 'yon ang makikinabang? No way!

Naglakad ako papunta sa kwarto ko at malakas na isinara ang pinto. Hindi ko na binalingan pa sina Alliah dahil ayaw kong makita ang hindi dapat makita. Baka hindi ako makapagtimpi at masapak ko ang malanding bobo na 'to. I don't have grudges in people who's in premarital sex, okay? Pero tama bang gawin 'yon sa pamamahay ng ibang tao? Bakit hindi na lang sila pumili ng ibang unit? Sa floor naman na ito ay maraming unit na mapagpipilian kaya bakit dito pa sa mismong unit ko? Ano 'yon? Kink nila na gawin 'yon sa bahay ng ibang tao?

Sa inis ko ay nagbabad ako sa tub para palamigin ang sarili.

"Nakakabadtrip talaga ang mga ungas na 'yon. Hindi marunong mahiya." reklamo ko at pinitik ang bula bago umayos ng higa. "Geez. Maling-mali ang pagliligtas ko sa kanila."

Pumikit ako at dinama ang tubig. This is life. Walang asungot. Walang mga sakit sa ulo. Walang bobo. Walang tanga.

Hindi ko namalayang nakatulugan ko na ang pag-iisip ng mga pwede pang itawag sa kanila. 'Yon nga lang ay nakarinig ako ng pagkabasag ng kung ano na siyang ikinagising ko.

"Anak ng mga ungas, hindi pa ba lumalayas ang mga 'yon?" Iritado ngunit maingat akong umalis sa bathtub. Wala na akong panahong magbanlaw kaya isinuot ko na lamang ang manipis kong damit at pinatungan ng roba. Ayaw ko namang suotin agad ang damit ko gayong hindi pa naman ako tapos maligo. Ang buhok ko naman ay hindi ko pa nababasa at naka-messy bun pa rin.

Dala ang espada ay lumabas ako ng kwarto ko para lang salubungin ng kakaibang nilalang. Mas matangkad siya sa akin at ang itsura ay hindi ko maunawaan. Ang buong mukha at katawan ay puno ng makakapal na itim na balahibo at ang mga kuko ay mahahaba na kumikinang pa sa sobrang talas. Napalunok ako at agad na napatalon paatras nang subukan niya akong atakehin.

"Oh my gosh, Jeremy!" Alliah shrieked.

I felt nervous so I immediately end this creature's life. I hurriedly ran outside of my unit only to see them having a hard time fighting for their lives.

Hindi na ako magtataka kung mamamatay talaga sila ng maaga. Sa halip mag-training ay inuna pa kasi ang landian. Napailing ako at sumipol kaya nabaling sa akin ang atensyon nila. I didn't mind their stares and killed these creatures effortlessly.

"Kung ako sa inyo, tatakbo na ako. Hindi 'yong tutunganga pa 'ko." Minamaliit ko silang tiningnan. "May I remind you that you're here in Cieath. You have to kill them if you want to live. Kung ayaw n'yo, hindi ko kayo pipilitin. Pero 'wag n'yo akong sisisihin kapag namatay kayo. Don't say I didn't warn ya."

Kumunot ang noo ko dahil pakiramdam ko'y gumalaw ang kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung yumanig talaga o nahihilo lang ako?

"L-lumilindol ba?" tanong ni Lailanie at nag-iwas sa akin ng tingin.

"I think no. Pumasok muna kayo sa unit ko." I exhaled sharply as I watch them walking towards my unit. Napailing ako at isinara ang pintuan ng unit. Hindi ko talaga alam kung paano sila nakakapasok dito gayong sinigurado kong matibay ang mga harang na ginawa ko. Nagtataka man ay isinawalang-bahala ko na lang muna iyon at pumasok na rin sa unit ko.

"Why do you have to do that, Alliah?!" sigaw ni Lailanie na kababakasan talaga ng galit ang mukha. "Alam mong boyfriend ko ang gagong 'to pero tinikman mo!"

Oh. Napakurap-kurap ako sa narinig at napalunok. I'm speechless.

Hindi ko alam ang sasabihin dahil mukhang gusto pa nilang mag-drama at magsabunutan. Pagbibigyan ko ba sila o aawatin na?

"I didn't---"

"Hindi kita kausap, Tyrone!" Lailanie glared at him before looking back at Alliah. "Malandi!"

"Don't act as if you didn't do something with Archi sa loob ng isang kwarto!" Alliah retorted with a playful smirk on her lips. "Wag ka ngang inosente."

"Kasi wala naman talaga!"

And they started shouting at each other na para bang hindi sila magkaharap kung mag-usap. Hinintay kong matapos sila pero anim na minuto na ay hindi pa rin sila tumitigil at hindi pa rin nila napapansin ang presensya ko.

"Mamamatay talaga kayong lahat." I interrupted. "Instead of throwing goddamn trashes to each fucking other, why don't you fucking calm down and take a fucking sit so you can fucking think better on how you'll fucking survive in this fucking place against those fucking stupid creatures?"

Nanlalaki ang mga mata nila at nakaawang ang mga labing nakatingin sa akin. Pumalakpak ako ng isang beses.

"Madali naman pala kayong kausap e. So..." I smiled sweetly at them even though my eyes says otherwise. Matalim ang mga mata kong nakatingin sa kanila. "My name is Shacyne Mandañez and you're here in Cieath where being clever is a must and stupidity has no place. Or else you'll die."

CIEATHWhere stories live. Discover now