43rd Death: Flashback

392 22 0
                                    

SHACYNE

NAGISING ako na walang nararamdaman. Literal na namamanhid ang buong katawan ko at hindi ko alam kung bakit. Tears fell from my eyes as I remember everything that happened last night. Naikuyom ko ang mga kamao dahil sa halo-halong nararamdaman. Nagagalit, naaawa at nasasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit kailangang maranasan ng pamilya ko ang ganoong klase ng kalupitan. At mas lalong hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang katotohanang wala na sila at wala man lang akong nagawa para iligtas sila.

"Why are you crying, darling?" tanong ng isang lalaki.

Agad na nangibabaw sa puso ko ang galit dahil sa pamilyar na boses na 'yon. Paano ko makakalimutan ang boses at pagmumukha ng taong sumira sa masayang pamilya ko? Mas lalo lang lumaki ang galit sa dibdib ko nang makitang nakangiti siya sa akin na para bang wala siyang ginawa sa amin. Gusto kong kumilos para saktan at patayin siya pero hindi ko magawa dahil sa posibleng ginawa nila sa akin. They probably injected me something to get paralyze. Alam siguro nila ang gagawin ko sa taong 'to sa oras na magising ako. Dahil hindi ako makakilos, ang magagawa ko lang sa ngayon ay ang tingnan siya at patayin ng paulit-ulit sa isipan ko.

Ipinapangako ko, mommy, daddy, gugulong sa harapan ko ang ulo ng taong 'to at gagawin kong soccer ball.

Naupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ko. Gustuhin ko mang iiwas sa kanya 'yon ay hindi naman makakilos. Kilay puti ang kwartong kinaroroonan ko at maging ang mga gamit dito. Tanging siya lang ang kulay itim ang damit. Namumukod tangi siya dahil napakasakit niya sa mata.

"I know your parents for a long time. We were schoolmates on our high school days. I met your mother when she joined the club where I was in..." pagsisimula niya na hindi ko pinakinggan.

Hindi ako interesado sa kanya dahil gusto kong bumalik sa nakaraan at burahin ang existence niya para hindi niya nakilala ang mga magulang ko. Sa lahat ng sinabi niya, ang tanging nakakuha lang ng pansin ko ay ang pagmamahal niya kay mommy mula noon hanggang ngayon. Bagay na hindi ko magagawang paniwalaan. If he love my mother, he should've not hurt her in any ways. Naging masaya na lamang sana siya para rito.

My parents showed me what true love is. Hindi nila alam na marami akong natutunan sa kanila sa pamamagitan lang ng pag-oobserba. May mga pagkakataong nag-aaway din ang mga magulang ko. Nakita ko na kung paano magalit si Daddy kay Mommy. Napapagtaasan niya ng boses si mommy pero hindi naman siya umabot sa puntong pagbubuhatan ng kamay si mommy. Si mommy naman ay binibigyan lang ng silent treatment si Daddy buong araw pero kinabukasan ay ayos na ulit sila. Naitanong ko na sa kanya 'yon at hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi niya.

"I just want to ignore your father so I can think deeply. Kailangan kong timbangin ang sitwasyon at pag-isipan ang sasabihin ko. Ayaw ko kasing makapagbitaw ng masamang salita dahil sigurado akong hindi na 'yon mabubura sa isipan niya at habambuhay niya ng dadalhin 'yon."

Her answer made me idolize her more. Hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin ang lalaking kasama. Dahil kahit anong sabihin niya, it can not and will never justify what he did to my family. At hindi ko siya kailan man mapapatawad doon.

Kinabukasan ay nagising ako na nakakagalaw na. Walang orasan ang kwarto kaya hindi ko alam kung anong oras na. Naupo ako at hinawakan ang dibdib. Tumulo na naman ang luha sa mga mata ko. Gustuhin ko mang sisihin ang sarili at hilingin na sana ay isinama na lang ako, alam kong hindi nila magugustuhan 'yon. Ang dapat kong sisihin ay ang lalaking 'yon. I should've killed him the first time I saw him. Hindi na siguro nangyari pa ang mga nangyari na. Pero dahil hindi ko 'yon nagawa, sa hinaharap na lang. I will surely kill him to avenge my family.

Isa pa, hindi maganda ang kutob ko sa kinaroroonan ko. Kung nandito rin ang lalaking 'yon ay malamang na may balak siya sa akin. Kung ano man 'yon, kailangan kong paghandaan at kayanin 'yon. Hindi ako pwedeng mamatay ng hindi siya kasama sa hukay. Kailangan kong maipaghiganti ang pamilya ko sa kahit anong paraan.

"Hey, why are you crying?" nag-aalalang tanong ng doktora na kakapasok pa lang. Hindi ako dapat magpadala sa ipinapakita niya dahil kung nandito siya ay malamang na kilala niya ang lalaking 'yon.

May mga taong mapagpanggap kaya mas mabuting wala akong pagkatiwalaan dito. Tanging sa sarili lang dapat ako magtiwala. 'Yon ang pinakanararapat kong gawin sa lugar na 'to.

"None of your business. Why am I here? What's your plan with me?" sunod-sunod kong tanong habang nakatingin sa kanya. "Or when will I get executed?"

"The boss was right about you. You're a smart kid, iha." nakangiting wika niya. "And no, you won't get executed because you're going to be our subject."

"Oh great. I'll get experimented like a guinea pig."

Hindi nga ako nagkamali dahil sa araw ding 'yon nagsimulang maubos ang boses ko sa kakasigaw. Pinage-eksperimentuhan nila ako. Kung ano-anong droga ang itinuturok nila sa akin o di kaya naman ay may ipinasusuot sila. May mga pagkakataong pinanghihina lang ako ng mga 'yon, minsan naman ay walang epekto sa akin ngunit madalas na nahihimatay ako sa sobrang sakit. It's the kind of pain that I can never tolerate. Parang gustong lumabas ng mga internal organs ko matapos nilang magsuntukan.

"Date today?" tanong ko sa lalaking nagtutulak sa wheelchair ko.

Hindi ko na nabilang pa ang araw dahil nakatuon ang atensyon ko sa sakit. Ngayon nga ay kakagaling ko lang sa isang panibagong session kaya nanghihina pa ako.

"It's your 3rd year here." sagot niya.

Mabilis kong naintindihan kung bakit ganoon ang isinagot niya. Ngayon ang ikatatlong anibersaryo ng kamatayan ng mga magulang ko. At alam niya 'yon dahil isa sa ginawa nila sa akin ay ang paglaruan ang memorya ko.

"Nakakatakot ang kabaitan mo." wika ko. "Hindi ka nagpapakita ng masamang hangarin sa akin sa loob ng tatlong taon. Are you plotting something against me in the future?"

"I really am." amin niya. Binuksan niya ang pinto at itinulak ulit ako para makapasok sa kwarto ko. Isinara niya ang pinto at tinulungan akong makahiga sa kama ko. "Three more years then you'll know."

Naging palaisipan sa akin ang sinabi niya. At kahit hindi niya sabihin, magtitiis talaga ako rito hanggang sa makakuha ako ng tsansa para tumakas. Tatakas ako hindi para magtago kundi para magpahinga at magplano ng malawakang massacre laban sa kanila. It turns out na hindi lang ako ang batang pinage-eksperimentuhan nila. Marami kami ngunit iilan lang ang nakakasurvive sa bawat session. Pasalamat na lang ako dahil sa akin itinurok ni daddy ang gamot ng gabi na 'yon kaya buhay pa rin ako hanggang ngayon.

Hindi ko pa rin alam kung ano ang totoong binabalak nila sa akin at sa iba pang bata pero sa naririnig ko sa kanila ay gumagawa sila ng kakaibang tao. Hindi ko alam kung paanong kakaiba pero malalaman ko rin 'yon sa mga susunod na araw o taon.

Dahil sa ngayon, ang kailangan ko lang gawin ay tanggapin at harapin ang panganib na naghihintay sa akin.

CIEATHWhere stories live. Discover now