14th Death: Stupid

658 45 0
                                    

14th Death
Stupid

SHACYNE

"BAKIT hindi ka makasagot?" Ngumisi ako at tiningnan silang lahat. Nakita ko rin si Jeremy na nasa may pintuan ng kwarto ko. "Isang maling galaw mo pa, tatagos hanggang batok mo ang talim ng espadang 'to."

I withdrew my sword and put it back in its sheath. I gave them my deadliest glare before turning my back. Pilit kong pinapahinahon ang sarili dahil baka mapatay ko siya. Ngunit sa pagpipigil ko ay mas lalo lang nagwawala sa galit ang nararamdaman ko. Napatingala ako para pigilang pumatak ang luha ko.

Sa sobrang galit ay naiiyak ako. Tangina.

"Hindi ko naman sinasadya..." garalgal ang boses ni Alliah.

Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niyang iyon. Hindi ko napigilan ang sariling suntukin ang center table nang makaikot ako paharap sa kanya. Nagdidilim ang paningin ko.

"S-shane..." sabay na tawag nina Lailanie at Tyrone.

"Hindi mo sinasadya?" mahina ngunit mariing tanong ko. Sarkastiko akong napatawa. "Hindi mo sinasadyang itulak siya? O hindi mo sinasadyang hindi mo pa siya natuluyan?"

"Cyne---"

"Wag mo akong tawagin sa pangalan na iyan." Galit ang mga matang tiningnan ko si Rasharzi. "Hindi kita kilala."

Hindi ko pinansin ang emosyong masyadong halata sa mga mata niya. Nilingon ko ulit si Alliah at maayos na tumayo. Itinaas ko ang kamao na dumudugo.

"Ha... Mas matutuwa siguro ako kung dugo mo 'to."

"Ate Shane..." Nakalapit na si Jeremy sa akin at mula sa likod ay hinawakan niya ako sa magkabilang-balikat.

"Sumagot ka, Alliah. Alin sa dalawa ang hindi mo sinasadya?" I scoffed then freed myself from Jeremy. "Anong akala mo sa akin? Bulag? Malabo ang mata? Tss. Hindi ako tanga. I fucking saw what you fucking did to Jeremy. Itinulak mo siya para iligtas ang sarili mo."

"G-ginawa niya 'yon?" mahinang tanong ni Jeremy pero hindi ko siya sinagot.

"H-hindi, itinulak ko siya para hindi siya makagat no'n!" depensa pa ng gaga.

"Tss. Sige, magsinungaling ka lang hangga't gusto mo. Hindi ko rin kayo pipiliting maniwala. Pero sa susunod na masaktan ulit ang batang 'to..." Itinuro ko si Jeremy na nasa likod ko pa rin gamit ang hinlalaki ko. "...nang dahil sa katangahan n'yo. Ako ang makakalaban n'yo."

Pumikit ako ng dalawang segundo at nang magmulat ako ay kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata nila. Bakas ang takot sa mukha nila na ikinatuwa ko naman. Pero hindi pa 'yon sapat. I want them to fear me so they can get out of my sight or follow my words. Kahit alin sa dalawa ang piliin nila ay ikakatuwa ko naman dahil pabor sa akin pareho. At dahil nasa likuran ko si Jeremy ay talagang pumunta pa siya sa harapan para lang makita ang kinakatakutan ng mga kaibigan niya.

"E? Bakit may sharingan ka, Ate?"

Mahina akong napatawa sa sinabi niya at pumikit ulit. Pagmulat ko ay hindi na kulay pula ang mga mata ko at bumalik na sa dating kulay nito. "Don't do something that can piss me off big time. Bata, tara na kakain ka pa."

Tinapik ko sa balikat si Jeremy at nauna ng maglakad papunta sa kusina. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin. Tahimik na naupo siya at inilabas ko naman mula sa ref ang kakainin niya. Hindi ko na iinitin dahil palalamigin din naman niya bago kainin. Sa bawat pagkilos ko ay nararamdaman ko ang pagsunod ng mga mata niya sa akin.

Ano na naman kaya ang iniisip ng batang 'to? Inilapag ko ang pinggan at baso ng tubig sa harapan niya. May gamot din akong inihanda.

CIEATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon