27th Death: Attacked

525 30 1
                                    

Sorry for the very loooong update~ Keep reading. ❤

KELLY ANN

"ANO bang nalalaman niya?" Nakangusong nakakapit ako sa braso ni Shane ngayon.

"Bakit Hindi mo kaya alamin?" Tinaasan niya ako ng kilay kaya hilaw akong napangiti at nag-iwas ng tingin.

"Sabi ko nga e." Mas haba ang nguso ko at isinandal ang ulo ko sa kanya. Napabuntong-hininga ako. "Masaya ka ba ngayon?"

Tinanong ko 'yon kahit alam kong hindi niya ako sasagutin. Gusto ko lang iparamdam sa kanya na may tao siyang masasandalan o mapagsasabihan ng problema at nararamdaman niya. Mula ng makilala ko siya ay wala na siyang ibang sinabi maliban sa pangalan niya. Hindi siya nagkukwento at hindi rin naman sumasagot kapag tinatanong tulad na lang ngayon. Kaya bukod sa pangalan niya ay wala na akong ibang alam. Hindi ko rin siya pinipilit bilang respeto na rin sa kanya. Baka bigla akong upakan nito.  Hehe.

"Ewan ko. Hindi ko alam."

Mas mabilis pa kay Flash na napalingon ako sa kanya. Namimilog ang mga mata kong pinagmamasdan siya. Pakening shet! Kahit ganoon ang sagot niya, the fact na sumagot siya, isa na 'yong himala!

"Yan ba ang epekto nang may gwapong jowa?" Napaawang ang labi ko nang bahagya siyang tumawa. "Syete otso nuebe dyes! Alam kong maganda ka, Shane. Pero may mas igaganda ka pa pala? Wait, natotomboy na yata ako, friend."

Syempre, joke lang 'yon. Dahil ang totoo, sa unang tingin pa lang ay malalaman na agad kung sino ang pinakamaganda sa lahat ng nandidito.  Oo nga at mukha kaming madudungis pero makikita at makikita pa rin ang gandang taglay namin. 'Yon nga lang, mas nangingibabaw itong katabi ko. Kahit pagsuotin ko pa yata 'to ng sira-sirang damit ay babagayan pa rin niya. Sana ol.

"Tss. Nasaan na naman ba ang turnilyo mo sa utak ha? Tinatamaan ka na naman ng sakit mo e."

At balik na po ulit siya sa pagiging demonyita. Napasimangot ako sa kanya. "Hindi ako baliw."

"Ah, may saltik lang." sarkastiko niyang wika.

Sinamaan ko siya ng tingin at napanguso na lang. Alam ko naman kasing hindi ako mananalo sa kanya kaya shut up na lang. Nasa pantry pa rin kami at pinapanood lang sila na ayusin ang mga kinuha kong pagkain at kung ano-ano pa. Halos kumpleto kami maliban kay Alliah na nagpapaka-Dora na yata kaya hanggang ngayon ay wala pa.

Kung ako si Pucca, siya si Dora. Hehe.

Akala niya yata ay hindi ko nakikita ang masasamang tingin niya sa dalawang doorbell ko sa ulo. Kapag ako napikon doon gagawin kong apple cut na may bangs ang buhok niya.

"Ang swerte dahil ang gwapo n'yan." puri ko habang nakatanaw kay Archi. "Kaya lang ang sungit naman. Akala mo ay laging may dalaw. Isa pa, para siyang may sticky note sa noo. At alam mo ba kung ano ang nakasulat?"

"Oh?" Hindi interesado ang boses niya pero wala akong pakialam dahil ang mahalaga ay nakikinig siya.

"Sorry, I'm taken by the Queen of Underworld." eksaheradang wika ko na may kasama pang aksyon ng mga kamay. Nilingon ko siya nang hindi siya magsalita. Doon ko nakitang nakatingin siya kay Archi at may kakaibang emosyon sa mga mata niya na alam ko kung ano. "Mahal mo siya pero hindi pwede. Alam mo bang wala kang laban kapag pinana ka na ni Kupido? Kahit anong iwas o tanggi mo, sa kanya at sa kanya ka pa rin babagsak. Magkakatotoo 'yon dahil may nakikita ako sa mga mata niya na sa tingin ko ay hindi mo nakikita dahil puro ka iwas sa tuwing titingnan ka niya. Ang ganda-ganda ng mga mata noong tao, iiwasan mo lang?"

"Tss. May ibibigay ako sa 'yo."

"Talaga?" Natutuwang hinarap ko siya at parang bulang nawala sa isip ko ang pinag-uusapan namin. "Ano 'yon ha? Ano 'yon?"

Kinuha niya ang kamay ko at may inilagay roon. "Gamitin mo."

Kung gaano ako kasaya ay siya namang biglang panlulumo ko nang makita ang ibinigay niya. Iniangat ko iyon sa gitna namin at sinilip siya sa bilog na butas noon.

"Tape? Really, Shane?"

"Oo, kailangan mo 'yan." Tinapik niya ang balikat ko bago lumayas sa tabi ko at nilapitan ang jowa niyang kaugali niya.

"Ah! Paasa!" Naiiritang nagpapadyak ako ng paa habang tinatapunan siya ng masamang tingin.

"NASAAN na si Alliah?" tanong ni Tyrone na lumingon-lingon pa sa paligid.

Madaling araw na at ang usapang alas dos ay hindi na nasunod dahil may taong pa-VIP at nagpapahanap pa. Nawawala si Alliah at hindi kami makaalis-alis dahil sa kanya.

"Ako na ang maghahanap sa kanya." malamig na wika ni Shane. "At kapag nakita ko siya, patay siya."

Hindi na kami hinintay na makapagsalita at umalis na lang agad. Nakasukbit sa likuran niya ang kanyang espada. Doon ko lang din napansin ang suot niyang itim na short, itim na leather jacket at itim na boots. Wala sa sariling napasipol ako.

"Ganda naman dis gurl! Ate, talikod ka na lang at 'wag haharap!" Napahalakhak ako nang itaas niya ang kamay na naka-middle finger. Natigil din ako sa pagtawa nang makaramdam ng kakaiba. Kumunot ang noo ko at tiningnan ang paligid. Mabilis kong hinugot sa likod ang espada at singga ang dagger na ibinato sa direksyon ko. Mula sa isa ay sunod-sunod na ang mga dagger na lumilipad sa direksyon namin mula sa magkakaibang direksyon.

" Hindi ko sila makita!" reklamo ni Tyrone.

Sa bilis ng pagbulusok ng mga dagger ay may mga hindi rin ako nasasalo. Lalo na dahil pinoprotektahan ko rin ang mga nasa likuran ko. Hindi naman sa ginagawa kong shield ang katawan ko pero parang ganoon na rin nga. Sa aming lahat ay ako ang pinakasugatan at kung hindi agad mapipigil ang mga sumasalakay sa amin ay baka matuluyan na ako. Pero syempre, hindi naman ako papayag na mamatay ng ganoon na lang no.

"Tinamaan ng lintik!"

Nang marinig ko ang boses na 'yon ay nakahinga na ako ng maluwag. Tumigil na rin ang pagpapaulan ng mga dagger kaya hinayaan ko na ang sariling mapaupo sa sahig.

Masyado akong nanghina roon a.

"Tinamaan talaga ng lintik!" Boses ng isang lalaki.

"Retreat! Retreat!" Boses naman ng isang babae.

Sinasabi na nga ba at marami sila! Ginamit kong tungkod ang espada para tumayo. Iniunat ko ang braso, kamay at ang leeg.

Fish diz! Ang sakit ng katawan ko! Huhuhu! daing ko sa isipan. Pero kailangan ko siyang tulungan.

"Tss. Matapos n'yo silang puruhan ay lalayasan n'yo na lang? Iniisip n'yo bang hahayaan ko kayo?" Maangas na ipinaikot-ikot ni Shane ang espada sa kamay niya habang naglalakad palapit sa amin. Pumulot siya ng tatlong dagger at magkakasunod na ibinato 'yon sa magkakaibang direksyon. "Mga hangal kayo kung ganoon."

Tumaas ang sulok ng labi ko nang tatlo ang lumabas sa lungga nila. Dalawang lalaki iyon at isang babae. May dagger na nakatarak sa braso nila. Tsk. Napakagaling nilang magtago. Kakulay nila ang pader ng hallway.

"You're one of the new subjects huh?" bagot na wika ni Shane. "I knew your kind and none of you lasted this long in front of me. You're the firsts but too bad you're still gonna die in my hands."

Sa isang kisap mata ay wala ng ulo ang tatlo. Lumingon sa amin si Shane at kapansin-pansin ang saglit na pagiging abo ng mga mata niya.

"Aalis na tayo." Tinanguan ako ni Shane at naintindihan ko agad ang ibig niyang iparating.

Hindi namin pwedeng ubusin ang oras namin sa isang tao na wala namang kwenta lalo na at may mas marami ang nangangailangan sa amin.

'Wag kang magpapakita sa amin kung ayaw mong ma-apple cut ang buhok mo, pesteng Alliah!

CIEATHWhere stories live. Discover now