18th Death: Lies

633 40 3
                                    

18th Death
Lies

SHACYNE

"ATE Shane."

Nilingon ko si Jeremy at nakitang seryoso ang mukha niya. Nasa salas kaming apat maliban kina Alliah kaya rinig na rinig namin ang sigawan ng dalawa sa kusina. At dahil mukhang galit talaga si Rasharzi ay hindi niya naprenuhan ang sarili kaya niya nasabi at nagawa ang bagay na 'yon.

Sabagay, hindi lang naman ito ang unang beses na nanakit siya ng babae. Napailing ako sa naisip.

"Maupo ka." Sinenyasan ko siyang maupo sa tabi ko na agad niyang sinunod. "Ano ang gusto mong malaman?"

"Magkakilala na kayo ni Kuya Archi?" tanong niya.

Bago sa pandinig ko ang itinawag niya sa kanya ngunit may parte sa akin ang natutuwa sa narinig. Nakatingin lang sa amin ang dalawa na naghihintay din ng sagot. Akala ko ay isa sa kanila ang magtatanong dahil sila ang matured na kasama ko rito kaya hindi ko inaasahang si Jeremy pa ang gagawa nito.

"Oo, magkakilala kami." sagot ko at bumuntong-hininga. Peste talaga ang babaeng 'yon. Masasalang pa ako sa kinginang interview na 'to.

"Sabi ko sa 'yo e." palatak ni Tyrone.

"Wag ka ngang maingay." suway ni Lailanie.

Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Alam kong nagdududa na sila pero hindi lang magawang magtanong.

"Paano kayo nagkakilala?"

"Noong pumasok kayo rito." sagot ko na bakas ang pagkatamad sa boses.

"Hindi 'yon, Ate. Syempre bago pa 'yon."

"Tss. Kapag sumagot ako ng oo ay marami na kayong itatanong at ayaw ko noon." diretsahang wika ko. Napadako sa may kusina ang mga mata ko kaya nakita ko siyang nakatingin sa akin. Hindi ako nag-iwas ng tingin at nagpatuloy sa sinasabi. "Hindi na rin kasi dapat pang pinag-uusapan ang nakaraan dahil nakalipas na iyon at hindi naman kayo matutulungan nito rito. At kung ano man ang mayroon kami noon, wala na 'yong kwenta ngayon."

Nagbawi ako ng tingin nang makita ang emosyon niyang ayaw na ayaw kong makikita pero ako na mismo ang dahilan para ipakita niya 'yon. Tumingin ako kay Jeremy at nakitang pinagmamasdan niya ako. Hindi siya nagsalita at yumakap lang sa akin. Masyadong mabigat ang binitawan kong mga salita na kahit ako ay naaapektuhan. Pero iyon naman ang totoo. Mas magandang umasta na lang kami na hindi magkakilala para maiwasan ang mas komplikadong pangyayari sa komplikado na naming sitwasyon.

"Ganyan ba kabilis sa 'yong itapon kung ano ang mayroon tayo noon?" tanong ni Rasharzi na ikinalingon naming lahat sa kanya.

Hindi ko inaasahan ang tanong niya pero mas hindi ko inaasahan ang tonong ginamit niya. Nasasaktan siya at wala siyang pakilam kung marami kaming nakakakita noon. Nag-iwas ako ng tingin dahil kumikirot ang puso ko. Hindi ako nagsalita at wala na ring nagtangka pa kaya rinig na rinig ko ang bawat paghakbang niya palapit. Kinakabahan naman ako at natatakot.

Shit. Hindi pwede 'to, Shacyne. Control your emotions.

"Oo." matapang na sagot ko at tiningala siya. Gusto kong magbawi ng tingin dahil pinapanghina ng mga naluluha niyang mata ang puso ko pero hindi pwede. "Oo, ganoon lang kadali sa aking gawin 'yon."

"Hindi ako naniniwala."

"Maniwala ka na kung ganoon. At kung ayaw mo talaga, hindi ko na problema 'yon."

"Ate, Kuya, ano ba talaga kayo noon?" mahinang tanong ni Jeremy. "Parang ang hirap ng pinagdaan n'yo noon para magkaganyan kayo ngayon."

Nagtitigan lang kami ni Rasharzi na parehong walang balak magpatalo at sumagot. Naramdaman ko ang pagtayo ni Jeremy pero hindi ko siya magawang lingunin.

"Ano ba talaga kayo noon?" tanong ulit ni Jeremy. "Sumagot naman kayo para hindi kami magmukhang tanga sa kakaisip tapos mali naman kami ng hinala."

"Boyfriend niya ako."

"Noon." madiing dugtong ko. "Wala na tayo at hindi na kita kilala ngayon. Isang estranghero ka na lang sa paningin ko."

Mariin akong napapikit nang bigla siyang lumuhod sa akin at niyakap ako. Walang nakapagsalita sa amin sa gulat sa ginawa niya pero naramdaman ko ang pag-aljs nilang tatlo. Para siguro bigyan kami ng oras na makapag-usap. Mahigpit ang yakap niya sa akin na para bang ayaw niya akong makawala kaya halos hindi na ako makahinga.

Papatayin pa yata ako ng isang 'to.

Hindi ko alam ang gagawin lalo na at ramdam kong umiiyak ang isang 'to at rinig na rinig ko ang mga paghikbi niya. Kahit ako ay naluluha na pero pinipigilan ko kasi hindi kami pwede. Hindi na kami pwede.

"Hanggang kailan mo ba ako paparusahan, Cyne?" Nag-angat siya ng tingin at kitang-kita ko ang pagluha niya. "Tama na, please. Tigilan mo na 'to."

"Hindi mo alam ang sinasabi mo." Mapakla akong tumawa. "Wala kang alam kaya please lang, umalis ka na sa harapan ko dahil hindi na ako natutuwa."

Hindi na ako natutuwa dahil natatakot na ako at naguguluhan.

"Ikaw pa ba talaga 'yan, Cyne?" Mapait na ngumiti siya at pinagmasdan ako. "Bakit napakadali na lang sa 'yo ang saktan ako ng ganito?"

"Dahil wala na akong pakialam sa 'yo. Kaya tigilan mo na ang katangahang 'to, nagmumukha ka lang kawawa sa panigin ko." Bahagya ko siyang itinulak pero mahigpit ang kapit niya sa akin. Umalis ka na dahil hindi ko na kaya pang pagmasdan ka sa ganyang itsura lalo na at alam kong ako ang dahilan.

"Sige." Tumango-tango siya. "But let me do this for now."

Anong---

Hindi agad ako nakakilos nang hilahin niya ako at halikan. Nanginginig ang labi niya dahil sa patuloy na pag-iyak samantalang napapikit ako at hinayaang pumatak ang luha. Hindi naman niya makikita dahil nakapikit siya.

Kung nakilala lang kita sa ibang pagkakataon...

Hindi ko iniisip pero bigla kong narinig ang pag-iyak ng nanay ko ng gabing 'yon. Nabuhay ang galit ko kaya malakas ko siyang itinulak at mabilis na umalis doon. Nagpunta ako sa kwarto at doon inilabas ang emosyong kanina ko pa pinipigilan sa harap niya. Lahat ng madampot ko ay hinahagis ko, pati pader ay nasuntok ko na rin. Hindi ako sumisigaw pero tumutulo ang luha ko. Wala akong maramdamang sakit na pisikal dahil natatabunan 'yon ng emosyon ko. Nang mapagod ay naupo ako sa sahig na nakasandal ang likod sa gilid ng kama. Yakap ko ang unan at doon umiyak.

"Bakit kailangang paglaruan n'yo kami ng ganito?"

Lesia, Yui, hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang hirap-hirap ng magsinungaling.

CIEATHWhere stories live. Discover now