29th Death: Poison

454 33 1
                                    

TYRONE

"WHAT the heck?!" mura ko nang biglang tumalon si Shacyne mula sa taas papunta sa mga asong nag-aabang sa pagdating namin. Same halip tumigil ay nagpatuloy ako sa pagmamaneho. Dahil sa ginawa ni Shane ay umalis sa daan ang mga aso. 'Yon nga lang ay may ilan na inaatake kami pero dahil nasa labas din si Keann ay siya na ang lumalaban para sa amin.

"Tyrone, wala yatang balak umalis ang isang 'yon." wika ni Lailanie.

Sinundan ko ang tinitingnan niya at nakita ko ang aso na may tatlong ulo. Napapreno na ako dahil naglalaway siyang nakatingin sa amin. "Ano ba namang mga nilalang ang naririto sa Cieath?! Ang wiwirdo! "

"Magmaneho ka na lang, tanga!" rinig kong sigaw ni Shane na ikinasimangot ko.

"Ang salbahe talaga ng isang 'yon." bulong ko at mabilis na nilingon si Archi nang umubo siya. 'Yon 'yong ubo na para bang gusto na niyang ilabas ang baga niya. Nagsunod-sunod iyon hanggang sa makita ko ang nasa kamay niya.

"K-kuya Archi..." nag-aalalang tawag ni Jeremy kay Archi.

"Shane! Dinudugo si boss!" sigaw ko na bahagyang nakalabas ang ulo sa bintana.

Nang sabihin ko 'yon ay may mabilis na pwersa akong naramdaman. Pinanghina ako noon at parang gusto ko na lang matumba. Fuck. What the hell was that?

"Shane!" Nag-aalala ang boses ni Keann kaya napasilip ako sa direksyon nila.

Nakita ko siyang nakaluhod sa tabi ni Shane na nakahiga na sa sahig. Mabilis akong lumabas ng sasakyan at lumapit sa kanila. Nakita kong nakapikit si Shane habang may dugong lumalabas sa ilong at bibig niya.

"Bubuhatin ko na siya." wika ko at mabilis na binuhat si Shane. Nang mabuhat ko na siya ng maayos ay parang bigla kong pinagsisihan ang ginawa. Ang bigat niya.

Mabilis kong isinakay si Shane sa sasakyan. Tinulungan naman ako ni Jeremy na iupo sa tabi niya ang kanyang ate.

"Ako na ang magmamaneho." imporma ni Keann na nasa driver seat na. Tumango ako at nakisiksik sa loob.

"Ate Shane..." Tinapik-tapik ni Jeremy ang pisngi ni Shane. "Wag mo akong tulugan ulit."

"Hindi 'yan tulog." wika ni Keann na sinilip kami sa rearview mirror. "Nakapikit lang 'yan at bumabawi ng lakas."

"Keann, ano bang nangyayari? Si Archi, bakit siya nagkakaganyan? At si Shane, buong kakayahan niya na ba 'yong kanina?" sunod-sunod na tanong ni Lanie.

Teka. Anong kakayahan ni Shane? Ano ang tinutukoy niya?

"Nalason si Archi sa nangyari kanina. Tungkol naman kay Shane, hindi ko alam." sagot ni Keann. "Pero sa tingin ko ay hindi pa."

"Hoy, anong pinag-uusapan n'yo?" tanong ko kay Lanie.

"Lumabas ka na't lahat, hindi mo pa nakita?" Namamangha niya akong tiningnan bago sulyapan si Shane. "Sa kanya nanggaling 'yong pwersa kaya nawala 'yong mga aso at kung bakit nanghina tayo."

Namilog ang mga mata ko sa pagkamangha ngunit agad din iyong nawala nang magsalita si Keann.

"Hindi kamangha-mangha ang mga bagay na mayroon siya lalo na kung 'yon ang dahilan ng paghihirap niya."

Natahimik kaming lahat at tila inaanalisa ang sinabi niya. Hindi ko maintindihan ang mga salitang binitawan niya. Para iyong puzzle na mahirap buuhin. Napailing ako at nanahimik na lang. Kaya lang ay may biglang pumasok sa isip ko.

"Paano pala si Alliah?" tanong ko. "Hindi naman sa nag-aalala ako sa kanya pero gusto ko lang malaman kung ano na ang ganap sa kanya."

"Defensive." sabay na wika nina Keann at Lanie.

Napakunot ang noo ko bago sumimangot. Pinagkakaisahan ba ako ng dalawang 'to?

"Nagtatanong lang ako." apela ko. "Sagutin n'yo na lang kaya."

"She's a traitor." sagot ni Keann.

"Bukod sa pagiging malandi at traydor, ano pang bago?" bagot na tanong naman ni Lanie.

Lahat naman kami ay disgusto talaga si Alliah. Walla naman kaming magagawa noon kundi ang pakisamahan siya. Tiniis ko ang mga panlalandi niya kahit nakakasuka na. Pinatulan ko lang naman siya noong una dahil nakakairita na. Kaso, sa halip tumigil ay lumala pa yata siya. Nagawa na niya kaming traydurin at pagtangkaan ang buhay namin.

Hindi na nakasagot pa si Keann dahil nakarating na kami sa ospital na mukhang pang-horror. Oo nga at umaga na ulit pero wala namang araw dahil sa makulimlim na panahon. Dahil doon ay mas lalong nagiging creepy ang buong lugar.

"Hoy! Kumilos ka na!" Binatukan ako ni Lanie at sa halip magalit ay napalunok ako.

"Hindi ko gusto ang vibes ng ospital." wika ko at binuksan na ang pintuan para lumabas at buhatin si Shane. "Pwede bang kaladkarin na lang kita?"

"Siraulo! Baka ikaw ang kaladkarin ko?!" singhal ni Keann. "Buhatin mo na lang siya kung gusto mo pang mabuhay!"

Napasimangot ako at binuhat na nga lang si Shane. Magkaibigan nga sila. Pareho silang salbahe.

Pumasok na kami sa ospital at agad kong inihiga si Shane sa isang stretcher bago mag-unat ng buto. Saglit lang 'yon dahil kailangan kong lumabas para naman kay Archi. Nagdala ako ng isa pang stretcher. Pinagtulungan namin ni Jeremy na buhatin si Archi pahiga roon at ipasok sa loob. Pagpasok namin ay nakatayo na si Shane na nagko-close at open ng kamay.

"May lason ang dagger na tumama sa kanya." wika niya at ibinaba na ang kamay. "Ako na ang bahala sa kanya. Ipagamot n'yo na lang kay Kelly Ann ang mga sugat n'yo. Baka 'yan pa ang ikamatay n'yo."

Tumalikod na siya at siya na ang nagtulak kay Archi sa mabagal na paraan. Akala ko ba ay nalason 'yon? Bakit ang bagal niyang kumilos?

"Wag kang mag-alala. Nag-iisip lang 'yan ng gagawin sa kaibigan mo." wika ni Keann na nakatayo na pala sa tabi ko. "Tara na. Gusto ko ng magbuhos ng alcohol."

Literal na tumaas ang mga balahibo ko sa narinig lalo na ng mahina pa siyang tumawa. Gaya naman kasi sa mga mangkukulam ang tawa niya.

"M-masakit 'yon!" kontra ko sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung susunod pa ako sa kanya o hindi na lang ako magpapagamot.

"Ano ka ba? Pang-disinfect lang 'yon." Malumanay ang boses niya na mas lalong hindi nakatulong sa nararamdaman ko. Taas ang kilay na nilingon niya ako. "Wag mo sabihing takot ka?"

"H-hindi naman." tanggi ko pero malakas na humalakhak lang siya.

"Jeremy duwag! May kasamahan ka pala rito!" sigaw niya sa pagitan ng mga pagtawa. "Lanie! May duwag duo tayo!"

Nagmamakaawang tiningnan ko si Lanie pero sa halip na ipagtanggol ay nakisama pa siya sa salbahe na 'to. Nakasimangot na naupo na lang ako sa upuan at hinayaan silang tumawa nang tumawa.

Mawalan sana ng boses ang mga 'to.

CIEATHWhere stories live. Discover now