16th Death: Sorry

656 37 0
                                    

16th Death
Sorry

SHACYNE

NAGISING ako na mabigat ang pakiramdam. Literal. Nagmulat ako ng mga mata at sinubukang bumangon pero bigo. Mabilis na nagising ang diwa ko nang mapansing may brasong nakayakap sa bewang ko. Nakita ko si Rasharzi na nakasubsob sa kama at  ginawang unan ang isang braso habang natutulog. Sa akin siya nakaharap kaya nakikifa ko kung gaano kaamo ang itsura niya. Dahil tulog siya ay malaya kong napagmamasdan ang itsura niya. Kusang umangat ang kamay ko para suklayin ang buhok niya. Huli na para bawiin iyom dahil nagustuhan ko na ang ginagawa.

"Sa dinami-dami ng tao, bakit ikaw pa? At sa dinami-dami ng lugar, bakit dito pa?" bulong ko na iniinda ang kumikirot na dibdib. Mahina ngunit malungkot akong tumawa. "Masyadong natutuwa sa akin ang tadhana para paglaruan ako ng ganito."

Agad kong binawi ang kamay at pinalamig ang ekspresyon nang dahan-dahan siyang magmulat ng mga mata. Hindi ako nag-iwas ng tingin para hindi niya isiping apektado ako sa presensya niya.

"You're awake." Inalis niya ang kamay sa bewang ko.

"Obvious naman." sarkastikong sagot ko.

Bumuntong-hininga siya at hindi pinansin ang pananalita ko. Umayos siya ng upo at sinuklay ang magulong buhok gamit ang kamay niya. Nag-iwas ako ng tingim dahil masyado siyang makasalanan sa paningin ko. Tumayo siya at lumapit sa akin na kusang ikinaatras ng katawan ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"I have to check your temperature."

Tumango ako at hinayaan na siyang hawakan ang noo ko. Hindi naman ako nilalagnat at okay naman ang pakiramdam ko. Pero para sa ikatatahamik ng isang 'to, sige, hahayaan ko siya. Mainit ang kamay niya at masarap 'yon sa pakiramdam ko. Abala ako sa sikretong pagdama sa init niya nang bigla kong maalala ang nangyari kanina.

Naalimpungatan ako nang makaramdam ng pangangawit. Wala sana akong balak pansinin 'yon dahil antok na antok ako pero dahil masakit na ang binti ko ay nagmulat ako ng mga mata para lang magulat sa nakikita. Nakatayo ako sa harap ng vanity table at nakikipagtitigan sa repleksyon ko. Biglang nabuhay ang galit ko nang kusang maging abo ang mga mata ko.

"O, gising ka na." wika ng lalaki sa isipan ko.

"May peste kasi." nanggigigil na wika ko. "How dare you to interrupt my sleep, you evil son of a bitch?!"

"Oh~ Chill, baka sumabog ka." natatawang wika niya.

Hindi ako nagsalita at pinagmumura siya sa isipan ko. Hindi naman na niya kailangang magparamdam dahil alam kong nasa tabi-tabi lang sila.

"Shacyne, Shacyne, Shacyne. Dahil espesyal ka, may sasabihin ako. Alam mo bang pare-pareho kayo ng sitwasyong kinakaharap ng mga kaibigan mo? Well, hindi naman parehong-pareho dahil nilagyan naman namin ng pagkakaiba."

CIEATHWhere stories live. Discover now