5th Death: Creatures

768 54 0
                                    

5th Death
Creatures

JEREMY

"BEBE Shane, ano bang nangyari sa 'yo?" tanong ko habang maingat na ginagamot ko ang sugat niya.

Hindi siya sumagot at nakatitig lang sa akin na ikinailang ko naman.

Huhuhu! Don't look at me like that, bebe! Gusto ko sanang takpan ang katawan ko mula sa mapanuring tingin niya pero 'wag na lang. Mas mahalagang mapigilan ko ang pagdurugo ng sugat niya.

"Pinag-isipan mo ba talaga ang mga sinabi ko?" Nakakunot ng todo ang noo niya. Maging ako ay ganoon din at napaisip.

"Ha? Alin doon?" Napangiwi ako habang binebendahan ang ulo niya.

"Gusto mo ba talagang mamatay ng maaga?" seryosong tanong niya na matalim ang tingin sa akin.

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin bago sumagot. "Ayaw."

"Lumayo ka sa akin kung ganoon."

"Ayaw." Ngumuso ako nang mas tumalim ang tingin niya sa akin.

"Hindi mo ba talaga naiintindihan ang mga sinabi ko o ayaw mo lang talagang intindihin?"

"Ayaw."

Nakita ko ang pagiging problemado sa mga mata niya bago 'yon napalitan ng tingin na nakakasuklam. Tinitingnan niya ako na para akong peste sa buhay niya.

Naku, bebe Shane. 'Di tatalab sa akin 'yan. Mas pinahaba ko ang nguso at nagpapaawang tumingin sa kanya. No one can resist my charm! At para mas tumalab ay pinagsalikop ko ang dalawang kamay at dahan-dahan na lumuluhod habang nakatingin pa rin sa kanya. Ayan na. Lalapat na 'yong tuhod ko sa sahig. Malapit na...

Malapit ng lumapat sa sahig ang mga tuhod ko pero iritado lang siyang nakatingin sa akin. Pero hindi ako susuko.

"Fine." sagot niya kaya nahinto ako sa nakakangawit na posisyon. Napaikot niya ang mga mata. "Do you what you want."

Doon lang ako tumayo ng maayos at napangiti ng malawak bago siya yakapin. "Yey! Best friend ko na si Bebe Shane~"

"Don't sing." suway niya na hindi ko pinansin. "At pwede ba? Bumitaw ka nga sa akin. Nanlalagkit ako lalo."

"Oo nga, bebe Shane. Amoy nabubulok ka na rin." Bumitaw ako sa kanya para pagmasdan siya. "Ano bang nangyari sa 'yo at marami kang dugo? Pati 'yang sugat mo---"

"Inuntog ko ang sarili ko." kalmadong sagot niya.

Nanlaki ang mga mata ko. "Hala, bebe Shane! Bakit mo naman gagawin 'yon? Natatanga ka na rin ba?"

"Kumpara sa inyo ay mas matino pa ako." Sumimangot siya at sinamaan ako ng tingin. "Stop calling me Bebe Shane, hindi ako komportable."

"Okay..." Matamis akong ngumiti sa kanya. "...ate. Best friend ko na si Ate Shane~"

"Wag kang kumanta."

"Best friend ko na si Ate Shane~"

"Ugh. Parang gusto kong magsisi." Hindi niya iyon ibinulong at lantarang ipinarinig sa akin.

"Wala ng bawian, Ate Shane." Malawak na malawak akong ngumiti. Hindi ko alam pero natutuwa akong nakikita ang iritasyon sa mga mata niya dahil sa kakulitan ko. "Sige na, maligo ka na. Ipagluluto kita."

Inirapan niya ako bago tumayo at naglakad palabas. Pero noong nasa may pintuan na ay tumigil siya.

"Thank you." Walang lingon na sinabi niya 'yon bago tuluyang umalis.

CIEATHDonde viven las historias. Descúbrelo ahora