11th Death: Words

489 32 3
                                    

11th Death
Words

LAILANIE

"ANONG nangyari?" tanong ko nang makitang akay-akay ni Jeremy si Archi.

"Nabalian yata ni Ate Shane si Boss." Napangiwi si Jeremy at nanlaki naman ang mga mata ko.

"A-ano?! Is she really insane?!" Naghe-hesterikal naman si Alliah na ikinairap ko.

Kahit mabait ang pakikitungo ko sa kanya ay hindi ko maiwasang hindi mairita sa mga kaartehan niya.

"Patingin ako, Archi." Lumapit ako sa kanya at akmang ang hahawakan ang braso niya nang tabigin niya ang kamay ko. Marahas akong napabuntong-hininga at naupo na lang ulit. Kahit lider namin ay pagkaarte-arte.

Mukhang malala ang tama ng braso niya pero ayaw niyang ipatingin kasi ayaw niyang magpahawak. Ang galing. Ang galing-galing mo talaga, Archi.

"Ako na lang." Biglang hinila ni Jeremy ang braso ni Archi. "Hehe. Tiisin mo muna, Boss. Kung bakit mo naman kasi inaway si Ate Shane e, tingnan mo tuloy kung anong napala mo."

Napailing na lang ako sa inaasta ni Jeremy. Sanay na ako sa pagiging isip-bata niya dahil siya naman ang pinakabata sa aming lahat. Pero ano nga bang ginawa ni Archi kay Shane para makuha niya 'yan?

"I just wanna talk to her." kalmadong sagot ni Archi.

"Bakit mo pa kasi kakausapin 'yon?! Wala namang pakialam sa atin ang isang 'yon e!" singhal ni Alliah. "Saka marunong naman na tayong makipaglaban hindi ba?! Hindi na natin kailangan ang tulong niya!"

Bahagyang nagpanting ang tenga ko sa narinig. Kahit ganoon ang ugali ni Shane ay malaki ang pasasalamat ko sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya ay baka hindi na kami humihinga ngayon.

'Yon nga lang ay may isa rito na hindi marunong magpasalamat at tumanggap ng utang na loob.

"Ah, kaya pala kung hindi dahil sa kanya ay wala kang kakainin ngayon." sarkastiko ngunit mahinang wika ni Jeremy.

Isa pa ang bagay na 'yon. Oo nga at marunong kaming makipaglaban pero hindi naman kami marunong pumatay. Hindi namin alam ang gagawin lalo na kung ang kalaban ay hindi namin kauri. At dahil doon ay hindi kami makalabas dito at iniaasa lang kay Shane ang lahat.

"Ha! At talagang kinakampihan mo pa siya?!" Hindi makapaniwala si Alliah sa narinig. "Baka nakakalimutan mo, kami ang mga kaibigan mo!"

Hindi na ako magtataka kung mas kinakampihan ni Jeremy si Shane dahil may punto sila. Ang ipinapagtaka ko lang ay ang pagiging sobrang malapit niya sa babae na para bang matagal na silang magkakilala.

"Boss, wait lang." Kalmadong binitawan ni Jeremy ang braso ni Archi na nakangiwi lang bago harapin si Alliah. "Kaibigan? Oo, kaibigan ko kayo." Tumango-tango si Jeremy na may ngisi sa labi. "Pero hindi ibig sabihin no'n ay kayo na ang kakampihan ko! Lalo ka na! Damn it, Alliah! Paano kita kakampihan kung ikaw naman mismo ang laging mali?!"

Napalunok ako sa biglaang pagsigaw ni Jeremy. Hindi na bago sa akin 'yan dahil kapag naiipon ang nararamdaman niya ay para 'yong bulkang sasabog na lang bigla. Minsan lang magalit si Jeremy at hindi na ako magtataka kung bakit ganyan ang nararamdaman niya ngayon. Wala kaming balak pigilan siya dahil alam naming nasa tama ang kung ano man ang sasabihin n'ya. At kailangang-kailangan 'yon ni Alliah.

CIEATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon